Hello admin. A friend told me about your page tinag niya ako sa most popular story niyo. Yung ""His Presence"". She knows that I have almost the same story gaya ng sa bida. She insisted me to send my version para daw gumaan yung pakiramdam ko.. Sorry kung mapapahaba ito. And if you could just see me now.. Im crying while typing.
YEAR 2009
I lost my childhood bestfriend. My everyday companion. My brother. My savior. My happiness. My boyfriend.. And my future husband.
Yung lovestory namin medyo common.. You know, a bad boy falling inlove with the good girl. Sabay kaming lumaki, nagdalaga at nagbinata. Madaming nagtatanong kung bakit daw kami nakakatagal sa isat isa eh magkaiba naman kami ng ugali.. Highschool, super daming nagkakagusto sa kanya. He's very gwapo kasi.. hawig niya si Robert Pattinson. Kahit madaming loko-loko sa school namin never akong nabastos o napahamak, dahil alam ng lahat na boyfriend ko siya and he's very protective of me. Nakikipag sapakan yan just to protect me. And I thought, dahil sa halos everyday niyang pakikipag sapakan kasama mga barkada niya, akala ko sobrang galing na niya, akala ko hindi siya mapapahamak. But I was wrong.. yun yung naging reason kung bakit siya nawala agad sakin...YEAR 2013
We were college na that time. Parehas kami ng school na pinasukan. Since we became college nagiba na siya. Hindi na siya sumama sa mga gulo. He was very focused on his studies na super kinatuwa ko. Nag-mature kami pareho. Lagi na namin pinaguusapan yung future namin together. You know, everything was falling into places. Super saya namin. Until one day.. I was at my friend's condo when one of his classmate called me. ""Jeng, Ash to! Sinugod namin si Vin sa ospital! Nasaksak siya! Pumunta ka na dito!"" Hindi ko na halos napakinggan yung nasa kabilang line. Hindi ako makagalaw. Hindi ko na nga alam pano ako nakasakay sa car ko at naka-arrive ng safe sa ospital.
Pagdating ko dun nakita ko yung buong barkada niya. Nakaupo sa floor sa tapat ng emergency room. Lahat sila umiiyak. Nung nakita nila ako, hinanap ko agad si Vin. Nagpupumilit ako pumasok sa loob pero ayaw nila. Nagwawala na ako nun. Tumutulo na rin yung luha ko. Nung napagod ako sa kakapalag sa kanila, sinampal ko yung barkada niya na nakaharang sa pinto. ""WALA NA SI VIN, JENG! PATAY NA SIYA. DEAD ON ARRIVAL."" Dun nako tuluyang nanghina. Nawalan ako ng malay. Pag gising ko nasa hospital bed ako.. Curtains lang yung harang. Nakita ko si Vin, natutulog sa plastic chair. Automatic napa-smile ako. Binato ko siya ng unan para magising siya. Lumapit siya sakin, ""Hello baby girl.. Okay na ba pakiramdam mo?"" Hinawakan niya yung pisngi ko at kinurot. Napa-smile lang ako. Nagusap pa kami ni Vin ng matagal bago siya nagpaalam na magbibihis lang muna at may family reunion daw sa bahay nila, invited daw ako. Nagtampo pa nga ako nun kasi ayaw niya ako isabay. Sunod na lang daw ako. Sakto naman pag alis ni Vin, dumating si Mommy. Sinigurado niya na okay nako bago niya ako tanungin kung ready na daw bako pumunta kila Vin. So isip isip ko, ay alam pala ni mommy yung reunion kila vin. Ang saya saya ko pa sumagot ng OO. Niyakap ako ng nanay ko, she told me to be strong. Nagtaka ako sa kilos ng nanay ko. Ang she lend me a white blouse na sinuot ko naman. Pagdating namin sa bahay nila Vin, sa may entrance palang ang liwanag na. Excited akong bumaba at hnd ko na nahintay si mommy, pumasok nako agad sa bahay nila. Napatigil ako sa malaki nilang pintuan. Nakita ko don lahat ng family member ni vin. all wearing white. Lamay.. Lamay ng boyfriend ko yung pinuntahan ko. Hindi ko maintindhan yung nangyayari. Nangangatog yung tuhod ko lumapit ako sa kabaong. There, I saw my future's body. Walang tigil yung iyak ko. Walang makalapit sakin. Sigaw ako ng sigaw. ""KASAMA LANG KITA KANINA BABY DBA? VIN!!!! BUMANGON KA DYAAAAAN!! VIN HINDI KO KAYA!!!!!"" Puro ganyan yung sinisigaw ko. Halos mabaliw nako nun. 4days lang siya pinaglamayan. Sa 4 days na yun hindi ako umalis sa tabi niya. Kinakausap ko parin siya. Wala akong tulog, walang kain na matino. Araw ng libing niya, nasa kwarto ako naghihintay ng Go Signal ni mama na aalis na. Lumabas si Vin galing sa Cr ko. He was smiling. Nung nakita ko siya napaluha ako.. Pero sobrang saya ko. God, I miss him so much! Niyakap ko siya agad. ""Baby okay na napatay ko na yung ipis. Pwede ka na maligo. Baho mo na eh! Hahatid mo pa ako oh.."" Yes he's right, wala rin akong ligo. ""Ayoko.. Ayoko baby...Ayaw kong ihatid ka... Vin hindi ko pa kaya.."" Umiiyak nako ulit nun habang nakayakap sa kanya. Naramdaman kong humigpit yung yakap niya. ""Ayoko rin Jeng, ayoko rin na iwan ka.. Kayo. Pero baby hinihintay nako don. Lagi mong tatandaan na hindi man tayo magkasama, lagi ko kayong babantayan. Sorry kung hindi na kita mapapakasalan ha? Baka sabihin mo tinakbuhan kita.. Haha! I love you Jeng. I love you both so much."" Pagkasabi niya nun, nawala na lang siya bigla. I was left crying.After ng libing. Para akong nabubuhay pero patay. Wala sa sarili. Ilang beses rin akong nawawalan ng malay.. My mom was so worried kasi hindi ako kumakain. Hindi ako lumalabas ng room at hindi rin ako msyado pumapasok, graduating pa naman ako that time. Hangang sa isang araw my mom saw me, i was about to cut my wrist. Gusto ko na sumunod sa kanya.. Ang sakit sakit na kasi. Pinigilan ako ng nanay ko, at iyak siya ng iyak. ""TINGIN MO JENG ITO ANG GUSTO NI VIN?"" Nagsorry ako sa nanay ko.. Pero when I was about to stand up, nawalan na naman ako ng malay. Nagising nako sa ospital, I saw my mom talking to a doctor outside my room. Ng paglingon ko, nakita ko si Vin nakaupo sa right side ng bed ko. Hinawakan niya yung kamay ko.. ""DON'T DO THAT AGAIN BABY.. PLEASE? PARA SA BABY NATIN."" I cried.. ""Baby natin? You meaaan?"" Biglang pumasok si Mommy, kasama yung doktora. Hindi pa nagsasalita si Dok, inunahan ko na siya, ""DOK BUNTIS BAKO?!"" She replied with a shocked face, ""Yes! How'd you know?"" Napaiyak na ako sa tuwa... Yes I still have a reason to live. Sayang lang kasi hindi ko na makakasama si Vin. But he left me with one precious gift. Si Marvin Ledes**** JR.
Thank you guys so much.
TEACHER JENG
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree