Pinili ang kadiliman (Part 3)

291 2 0
                                    


Heto na ang Karugtong mga Kaibigan, Kumusta mga KaSpookifyers?
Bago ko Simulan ang Kwento Magpapasalamat lang ako sa mga Solid SR supporters. na kahit medyo natagalan yong pagbalik ko eh Andyan pa rin Matyagang naghintay sa aking pagbabalik. Nakaka pagpalakas lalo kayo ng Loob at mas lalo akong nainspire sa pagsiwalat ng mga Nakatagong lihim sa Likod ng mga Kababalaghan. Ngayon ipapagpatuloy na natin ang Kwento....Nasa Divine Mercy sa Lugar ng El Salvador City kami ni Buddy non at Dumating nga ang Aming Maestro, May isiniwalat ang aking Lolo tungkol doon kay Totax na isa itong Puting Tupa na Lumihis ng Landas at Balak nitong idamay ako sa Pagiging Taksil niya sa Kapunongan... "Teka kaya pala kakaiba talaga siya at sinabi niyang isa din siyang puting tupa tulad ko...at naalala ko lang na sabi niya sa akin tungkol sa magkakaroon daw ako ng utang sa kanya..." Nagulat si Buddy sa sinabi ko. Tinititigan lang ako ng Maestro nong marinig niya ang sinabi ko... Biglang nag Ring ang Aking celphone kaya Sinagot ko kaagad, Mama ko ang tumawag sa akin. "Nak, nabalitaan mo na ba ang nangyari sa Pamilya ni Tita Gina mo?" Tanong ng mama ko sa Akin. "Hindi pa ma, pero tinawagan ko sila kanina kasi may nadaanan akong Kotse na Chevrolete na na Aksidente katulad na katulad kasi sa kotse ni tita gina. Andito kasi ako ngayon sa El salvador ma. kasama ko si Buddy kasi sa Bahay daw muna siya mag e stay dahil may inaaplyan siya sa Cagayan de oro." sabi ko sa mama ko sa Kabilang Linya.. "Nadaanan mo ang Chevrolete na Nabangga? Ang Tita Gina mo nga yun at mga pamilya niya...! Patay ang Tita mo at critical yong mga Anak niya. Tumawag kasi yong Tito mo (asawa ng tita gina ko) nasa Emergency na sila dinala yong mga Anak niya sa Polymedic hospital, puntahan mo kailangan ng Tulong ng Tito mo doon..." muntik ko ng mabitawan ang Celphone ko nong marinig ang balita ng mama ko. (Yong Tita ko na Tinutukoy ng mama ko ay Side ng Papa ko. Kapatid ng aking Ama si Tita Gina), nong pinutol na ni mama ko ang tawag niya. Natulala ako at napaisip ng malalim, "Narinig ko yun Anak, Yan nga yong sinasabi ko na Kabayaran, NagkaUtang ka ba sa kanya..? yong Traydor na Si Totax ang May gawa niyan. plinano niya lahat ito.. Pero alalahanin mo wag kang padadala sa Galit at poot anak, dahil pag sinubukan mo siya ikaw ang Babagsak sa Laro niya.... Tandaan mo lahat ng plano niya ay sinisiguro niyang Mabibitag ka..." Paalala ng Maestro sa akin. Naiyak ako hindi dahil sa sinabi ng Maestro na Wala akong Laban kay Totax, kundi Dahil sa Tita Gina ko na Namatay sa Aksidente at yong mga anak niya Kritikal pa eh mga maliliit pa mga yun. Hindi ko man lang siya nailigtas, Gustohin ko man Gantihan si Totax sa ginawa niya sa Pamilya ng Tita ko ay Hindi ppwede dahil binalaan ako ng Lolo Maestro ko. Kaya Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Inakbayan ako ni buddy nong mga oras na yun at kino comfort niya ako. "Bayaw.. Kaya natin to andito ako lalo na sa inyo ako titira pansamantala, Aalalayan kita Bayaw. Kaya mo to ikaw pa, Nong ako nga Noon na depresed dahil sa ako yong sinisi sa pagkamatay ng kaibigan ko ikaw yong naging dahilan para bumalik ako sa dati at di mo talaga ako pinabayaan. kaya ngayon ako naman mag aalalay sayo Dahil mga Puting Tupa tayo. At andyan si Maestro oh Di niya tayo pababayaan sa lahat ng Pagsubok.." Nong sinabi yon ni buddy nakita ko na tumango lang ang aking Lolo maestro. at hinimas himas ni buddy ang aking likod. "Cheer up Bayaw..! ano ka ba di ako sanay makita kang ganyan... isa kang magiting na Kawal ng Diyos, ikaw na nagsabi noon sa akin na Ang Isang Kawal ng Diyos ay Di madaling Tumitiklop ang Tuhod, titiklop lang tayo kung Luluhod man tayo yun ay dahil nagdadasal tayo, Ikaw may sabi niyan sa akin noon bayaw..." Yon yong araw na Seryosong seryoso si Buddy. Ramdam niya kasi ang Kalungkutan at magulo kong Isipan. Lumapit ang Maestro sa akin at Niyakap ako ng Mahigpit. May ibinulong siya sa akin na isang Dasal at di ko talaga malilimutan yun Dahil unti unti kong Naramdaman ang Pagbabago ng Mood ko kasabay ng Pagbabago ng Pakiramdam ko sa Katawan, Nawala yong Lungkot at Ang Gaan ng Pakiramdam ko. "Salamat Maestro... Dahil..." pero di ko natapos yong sasabihin ko dahil nagsalita ang maestro. "Hindi ako yun yumakap sayo Anak at Bumulong... kundi siya..." itinuro ng maestro ang Malaking Imahe ng Divine Mercy. Alam kong Totoo yong Sinabi ng Maestro dahil imposible na lolokohin niya ako. at naramdaman ko ang kakaiba yong Yumakap sa akin. Malamig na malambot na parang Bulak ang katawan ng Maestro nong yumakap ito sa akin.(FastForward)Pumunta kami ni Buddy sa Polymedic Hospital kung saan andun daw yong Tito ko, dahil doon din naman dinala ang mga anak niya na Kritikal ang kalagayan. (Nga Pala Hindi kasama sa Aksidente ang Tito ko kasi nasa Trabaho siya nong mangyari ang Aksidente kaya sina Tita Gina lang at mga Anak niya yong na Disgracia, tinawagan lang din siya ng mga Pulis dahil Sa # niya sa Contact ng celphone ni Tita). Si Tita Gina yong nagmaneho at papunta daw sana sila non sa Initao misamis oriental dahil invitado sila sa kasal ng kaibigan ni Tita. Pagdating namin sa Hospital Nakita ko ang mga Pinsan ko na mga Bata na sina ruby at geblyn, kimjel, at bebong.. masasabi kong grabi yong kalagayan nila at hindi pa nagkakamalay. iyak ng iyak si Tito sa nangyari sa pamilya niya. Nakiusap si tito sa akin na Kung pwede ako muna mag aasikaso sa Tita Gina ko na dinala na daw Morgue. Kaya ako na nga nag asikaso sa Tita ko, Kasama ko si Buddy kaya ayos lang dahil may alalay din ako dumating din naman ang iba kong pinsan non... Nong Nasa Morgue kami Andaming Nagpaparamdam sa amin na mga Kaluluwang di pa natatahimik. andun yong mga Kaluluwang naghahanap ng Hustisya. mga Kaluluwang di nadasalan at inilibing nalang dahil di na claim ang mga katawan. mga kaluluwang iyak ng iyak, mga kaluluwang Galit sigaw ng sigaw ng Hustisya... "Ang Gulo naman dito bayaw, ito yong mahirap sa mga gaya natin na nakakakita sa mga yan eh, aaminin ko bayaw medyo natatakot pa rin ako pero konti lang..." Mahigpit na nakahawak si Buddy sa Damit ko nong mga Oras na yun. "Gusto ko makita ang Kaluluwa ng tita ko... pero bakit wala siya dito gayung Andito yong Katawan niya." Pagtataka ko na sabi kay buddy. "Ahm bayaw baka naiwan yong kaluluwa niya doon sa Lugar na naaksidente siya mismo di ba?" May point si Buddy sa sinabi nyang yun pero may hinala pa rin ako... Pero may isang kaganapan na Nag pangilabot sa amin ni Buddy. isang Babae na Matanda na, at oo isa siyang Kaluluwa at nakatayo lang siya sa harap namin ni buddy Nakatitig, kami naman ni buddy tinititigan din siya. Nakaupo kasi kami ni buddy non at yong matandang babae na kaluluwa nakatayo sa Harap namin. Alam niyang nakikita namin siya kaya parang tinatakot niya kami. Pinaikot niya ang katawan niya habang yong ulo niya naka steady nakatitig sa amin. Lumingon ako kay buddy pero yong akala ko na matatakot siya, bigla ba naman pumalakpak ito umiral talaga ang Pagka Ungas ni Buddy. "Grabi ka lola idol kita... Magic yun.. kaya mo ba Magpalutang lola??" nag request pa talaga si Buddy. kaya nabatokan ko siya nong mga oras na yun.. "Umayos ka pag nakita tayo dito ng embalmer baka ano pa isipin sa atin bakit ka pumalakpak? alam mong mga patay ang nandito, umayos ka buddy..." Saway ko kay buddy nong mga Oras na yun. (Fast Forward)Nong naiburol si Tita sa Bahay nila, Tumulong pa rin ako kasama ang mga kapatid ng tita gina ko, bilang pagrerespeto at tulong sa matinding problema na kinakaharap ng pamilya niya. Unang gabi ng Burol ni Tita, syempre andun kami ni buddy. umuwi lang kami saglit sa bahay para kumuha ng gamit at nag bihis tas bumalik din kami sa bahay ni tita kung saan siya ibinurol. Unang Gabi pa lang Andaming tao, mga kapitbahay, kamag anak, at mga kaibigan ni tita dumating din ang tito ko na retired Pulis. Kaya kami ni buddy ang umasikaso sa kanila, may mga tumulong din naman sa amin na mga Kamag anak. 1am namigay kami ni buddy ng mga Kape at Biscuit ng may isang Lalaki na Nabigyan namin na dahilan para matulala ako. Oo si Totax ang Nasa harapan ko, "Condolence Kapatid, salamat nga pala..." Nakangiti pa si Totax na parang nakaLoko talaga. "Ang Lakas ng Loob mo pumarito.. Alam ko na kung ano ka... Tama na, anong ginawa mo sa Tita ko?" Tanong ko sa kanya pero tinawanan lang ako. at inabotan niya ako ng Yosi.. "Tumigil na ako sa bagay na Yan..." nagtitimpi lang ako na nakatitig kay Totax, Tawa siya ng Tawa "Ang laki ng pinagbago mo Kapatid... Gusto mo talaga sundan ang yapak ng Lolo mo.. Marami ka pang dapat malaman kapatid kung gusto mo malaman? maupo ka at may isisiwalat ko isa isa sayo ang Lahat lahat.." ito ang sinabi ni totax na itinuturo pa ang upoan na ibig sabihin pinapaupo kami ni Buddy. Alam kong nagpipigil lang si Buddy dahil binalaan na kami ng Maestro kaya Tahimik lang siya...Hanggang Dito na muna mga Kapatid mataas na kasi... Abangan niyo ang mga Revealation na sasabihin ni Totax. at alamin niyo kung Bakit siya Lumihis ng Landas bilang Kawal ng Diyos. at Tungkol sa Tita ko, Asan ang Kaluluwa niya? Bakit Hindi namin ito nakikita..? Lahat ng Yan. Isisiwalat ko sa karugtong ng kwento, Mataas pa ang story na ito at Gusto ko detalyado para maintindihan niyo lalo mga kaibigan...
God Bless sa Lahat...
-Silent Rasta
Ps: Respetohin ang Kapwa at Ang kanya kanyang Paniniwala...Wag pairalin ang inggit...Matutong makontento sa kung ano ang Nakamit..Salamat...  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon