When an Aswang visited my Lola not once but twice!

458 8 0
                                    


Hindi nawawala sa mga kwentong probinsiya ang tungkol sa mga aswang. At gaya ng marami sa mga readers dito sa spookify, hirap din akong paniwalaan ang tungkol doon. Pero dati yun (NOTE: NV po ang mga usapan dahil isinalin ko na po sa tagalog).

Sa barrio kung saan nakatira ang pamilya ng magulang ko, meron silang 'pinaghihinalaang' aswang. Itago na lang natin sa pangalang Tata Gem.

Few months after ng fiesta, madalas sumama ang pakiramdam ng lola ko. Inisip nila na baka dahil sa almuranas niya. At dahil dun, mahaba ang oras na nilalagi niya sa kubeta. Isang gabi na nakaramdam si Lola ng pagdudumi, inihatid siya ng tita ko sa cr (Sa barrio, uso na ang cr ay nasa labas ng bahay). Di yun na nga, go sa seremonyas niya si Lola nang maramdaman daw niya ang paglagapak ng parang isang malaking ibon sa bubong (Yari sa anahaw). Tinawag niya si tita na nung mga oras na iyon ay nasa pintuan ng tindahan/bahay ni lola (Ewan ba sa mga lolo't lola ko, di na sila magkatabing natutulog. While Lola spent most of her time sa tindahan, si Lolo naman ay sa malaking bahay). Nang marinig ni Tita si Lola, agad niyang tinutukan ng flashlight yung cr. Nakita raw ni Tita na may malaking malaking itim na nakalatag sa bubong ng cr!

""Kumpadre, tayo tayo na nga lamang dito sa barrio, tayo tayo pa ba ang magkakatalo-talo?"" sabi raw ni Lola kahit pa natatakot siya.

In the end, lumipad daw palayo yung creature na naglanding sa bubong ng cr. Sabi ni tita, sobrang lapad daw nung pakpak na parang sa paniki. Sabi naman ni Lola, halos mabitbit daw yung bubong nung mag-take off yung aswang.

Years passed, napag-alaman namin na malala na pala si Lola. Meron pala siyang cancer sa atay. Nung mga huling araw niya, sa bahay na lamang siya nagstay. Doon sa tindahan (Maliit lamang ito at yari lamang sa coco lumber ang dingding) nilagutan ng hininga si Lola. Few nights bago siya mawala, muling umaligid yung aswang. Rinig ng mga nagbabantay kay Lola yung pagaspas ng pakpak nito. Pero mas nabibingi sila sa bawat daing na pinakakawalan ni Lola. May mga nagdasal for their safety, meron namang matapang na kinausap yung aswang.

""Pay, hayaan niyo na si Ma"" sabi nung isa kong tita. ""Ipasa-Diyos na lang natin siya. Sobra na ang paghihirap niya. Huwag mo na pong dagdagan pa.""

Hindi kami sure kung dahil ba sa sinabing yun ng tita ko kaya umalis yung aswang. Basta nawala na lamang siya ilang saglit matapos magsalita ni tita.

It was 2004 when Lola died. Not because of the aswang but because she was so sick at ipinagpasalamat pa naming lahat nung bawiin siya sa amin ng Diyos. Dahil alam namin na tapos na ang paghihirap niya. Na kapiling na siya ng Diyos na siyang may lalang sa atin.

PS. Paano at saan nagsimula ang usap-usapan tungkol sa di umano pagiging aswang ni Tata Gem? May nakakita kasi sa kanya na naglalakad siya in all four---yes! Kamay at mga paa all together! In wee hours! Tapos sa bahay nila, kapag sobrang nalalasing daw ito at nakakatulog sa balkonahe nila, lumalawit ang dila nito to the point na abot na nito ang lupa! (Trivia: Tipikal na bahay kubo ang bahay ni Tata Gem, yung elevated ng mga three steps tapos may silong. Si Tata Gem, matanda na as in! Pero ang lakas niya pa rin).

Daragang Magayon

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon