Hi Spookify. This is Jpan again. Thank you so much for featuring Beb's story for the month of November. I'm here again to tell you something disturbing about Beb's pagpaparamdam. Sa mga nakabasa na ng story ni Beb, alam niyo naman na he died due to drug overdose because he's suffering from depression and hirap pa rin siyang maka move on hanggang ngayon kasi tulad ng title, HE'S STILL HERE.
Birthday niya nung December 12. Nakalibing siya sa Canada. So hindi ko kahit kelan nabisita yung puntod niya. Tuwing 12:00 ng December 12, may routine siya na kapag pumatak yung alas dose, kakatok siya sa gate ng bahay namin para harapan ko siyang batiin ng Happy Birthday. Saktong 12:00 ng madaling araw, may narinig akong kumakatok sa gate ng bahay namin. Hindi ako nagdalawang isip na lumabas para pagbuksan yung nakatok kasi yung ate kong nurse, hindi pa nakakauwi galing duty. Akala ko siya na yon, pero hindi pala. Paglabas ko, nagtaka ako kasi wala naman akong naaaninag na taong kumakatok nung sumilip ako sa bakuran namin. Kinilabutan ako. Kasi dun ko naalala na isa yun sa mga ginagawa niya pag birthday niya.
Pero ako si shunga bes, BINUKSAN ko yung gate. Sumilip pa rin ako kasi baka mamaya may nangjojoke time lang na tropa ko. Pero wala talaga! Nakaramdam ako ng hangin sa batok ko pagkasara ko ng gate. Dumiretso ako ulit papasok sa bahay. Sakto tumawag sila Tita (Nanay ni beb) via messenger.
Convo (Non verbatim)
T: Nak, birthday ni (beb's name) bukas. Pupunta kami sa cemetery.
A: Birthday niya na po dito tita.
T: I know nak. How are you?
A: I'm doing fine tita. Namimiss ko na po siya.
T: Nga pala, may ipapadala kami sayo sa January. I think he wants you to have it.
A: Ano po iyon tita? And pano niyo po nalaman na gusto niyang mapasakin yon?
T: Yung varsity jacket niya. Yung favorite mo daw. Anak, I'll be honest with you, I can still feel his prescence, J. Tuwing madaling araw naririnig ko yung TV niya sa kwarto niya naka on. At yung varsity jacket niya, lagi na lang nandun sa kama niya kahit nasa closet lang niya yon. Minsan naman kapag mag isa si Cassidy (Baby ni Beb) sa nursery room, tumatawa siya mag isa pag naririnig namin yung baby monitor ni Tito mo.
A: Talaga ba tita (Kinakabahan na ko kasi may nararamdaman na naman akong lamig sa batok ko)
T: Yes nak.
A: Si Jessica (Beb's wife) po tita, may naeexperience po ba siya diyan?
T: No anak. Which is peculiar dahil siya yung asawa pero siya yung hindi nakakaramdam ng presence ng anak ko.
Magsasalita pa sana ako nung biglang namatay yung call and nagpatay bukas yung ilaw sa sala namin. Isa din yon sa routine niya kapag birthday niya kasi pinamumukha niyang kunyari may party chuchu sa bahay (May kasama pang tugs tugs tugs na maririning galing sa kanya).
Ang nakakapagtaka pa yung ilaw lang sa sala namin. Hindi sa kusina or kahit sa veranda namin. Naiiyak na ko sa takot. Di ko alam kung bakit. Alam ko naman na siya yon pero iba pa rin. First time ko naexperience yung ganong klase.
Tumigil lang yon nung umiiyak na ko. Iyak lang ako ng iyak. Hanggang sa nakaramdam na naman ako ng lamig. Hindi lang sa batok ko kundi sa buong katawan ko. F*ck SOBRANG LAMIG TALAGA.
Napatili na ko sa sobrang takot ko. Hindi ko alam gagawin ko. Tumakbo ako sa taas papunta sa kwarto namin ng ate ko at nagtalukbong ng kumot. Nakatulog ako kakaiyak non.
Napanaginipan ko siya. Same place kung san siya nagconfess sakin sa panaginip ko. Sa intramuros ulit. Sa walls. Nakaakbay siya sakin, nakangiti. Hindi ako makatingin sa kanya. Nagsalita siya.
""Beb? Birthday ko ngayon. Alam mo kung ano yung magandang regalong mabibigay mo para sakin?""
Napatingin ako sa kanya.
""SAMA KA NA SAKIN""
Naiyak na naman ako. ""Bakit ka naiyak? Ayaw mo ba ako kasama? Di ba sabi mo kay mommy namimiss mo na ko? Bakit hindi ka sumama sakin?""
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam sasabihin ko. Tumayo siya. He held out his hand infront of me. ""COME WITH ME""
Aabutin ko na sana yung kamay niya nang biglaan akong magising. Ginigising ako ni ate kasi daw umiiyak ako tapos nagsasalita daw ako ng ""Miss na kita. Sasama na ako."" Paulit ulit ko daw sinasabi yon.
Kinuwento ko kay ate yung panaginip ko. Simula nung unang beses ko siyang napanaginipan which was nung time na nalibing na siya. Nagpunta ako sa simbahan, pinagtirik ko siya ng kandila. Umiiyak ako habang nagdadasal. Pagkauwi ko, tumawag ulit si tita (Mommy ni beb)
T: Anak, yung varsity jacket ni (beb) nakita ko na naman sa kama niya. Pero punit punit na anak. Hindi namin alam kung sino ang gumawa. Wala namang taong napasok sa kwarto ni (beb) dahil lagi ko nilolock yon.
A: Pano po nangyari yon?
T: Hindi ko alam nak. (Naiiyak) ayon na lang yung mabibigay namin sayo nagkaganon pa.
Binabaan ko na si tita sa sobrang takot ko. Nagdahilan na lang ako na aalis ako.
Natatakot na ako. Hindi ko alam kung bakit may gumawa non sa varsity jacket ni Beb. It's either may sumadyang gumawa non or baka siya yung gumawa kasi nagalit siya sa hindi natuloy yung pagsama ko sa kanya.
Hindi na ako sa amin nakatira ngayon. Nakikitira ako sa bahay ng tita ko sa Cavite para maiwasan na yung pagpaparamdam niya sakin. Hindi ko na rin siya napapanaginipan for two days now. Pero alam ko nandito pa rin siya dahil maya't maya ako tinatawagan ni tita kasi araw araw daw may nasisirang gamit/damit sa kwarto ni beb.
I need help. Gusto ko na siya maka move on. I want to set him free. Pero paano? Tulungan niyo ko please.
Jpan
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorreurThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree