Pasensiya na kung Medyo na Nabibitin kayo, Heto na ang Karugtong ng Kwento...
Matapos ang pag atake nong isa sa mga Satanismo sa akin nong gabing yun, Nanood ako ng Movie sa Dvd ulit. Mga isang Oras Naka uwi na sila lahat, Ang iingay nila sa labas pa lang Rinig na rinig ko ang boses ng partner ko at ni karla Ang lalakas ng mga boses, yong topic nila about sa miss barangay na pinanood nila. Pagpasok nila parang wala lang nangyari kanina kalmado ko silang binuksan at ikwenento ang pinanood nila sa akin. C buddy inaantok at pumasok sa kwarto kaagad at natulog na.
[FastForward]
kailangan ko munang umuwi ng Cagayan de oro dahil mag aatend ako kasal ng pinsan ko, ayaw sumama ni partner at nagpaewan lang sa bahay nila. Habang nasa bus ako Bigla ba naman akong Kinabahan. Malapit na ako sa iligan city non, kaya medyo malayo layo na ako. Pero yong Kaba na nararamdaman ko Hindi ko maipaliwanag, Hindi ko maintindihan. Bigla akong nanaginip ng Gising, May mangyayaring Masama kay buddy. Kaya agad agad kong sinabi sa Driver ng bus na bababa ako. Pagka baba, tumawid ako ng daan para sumakay ulit pabalik doon kina buddy, Ramdam ko kasi na totoong mangyayari talaga. Pero sadyang may gusto rin akong tumuloy na umuwi muna ng cagayan de oro. Huminto ang isang Bus papuntang cagayan de oro na walang laman na pasahero. At yong driver sininyasan ako na Sumakay na sa bus na yon. Kaya Winawagayway ko ang kamay ko na ibig sabihin Ayaw ko Sumakay. Nakita ko sa mukha ng Driver na Nagalit at Nanlilisik yong mata niya. Buti nalang natotonan ko kay buddy yong pagkaBalasubas niya at sinabi kong "Wala akong Pamasahi, Dalawang peso lang pera ko pambili ng ice Water Maglalakad lang ako." Umalis yong bus at Bumosena ng pagka ingay ingay. Mga 30 minutes may jeep na Huminto pabalik sa lugar nila ni buddy. Ngunit pinaglalaruan talaga ako ng Araw na yun, Dun sa isang barangay Na may inaayos na Tulay nasira daw ulit at di pwede matawiran. Badtrip kaya bumaba ako at mas lumala na yong kaba ko sa dibDib, Nanalangin ako na sana Tulungan ako na makatawid sa ilog na yun. May mga na estranded na mga pasahero rin at mga sasakyan na galit na galit sa paligid ko. Biglang may matandang lalaki na kumalabit sa likod ko. Binulongan niya ako "Halika may Banka ako dun hahatid kita patawid." agad ako sumama sa kanya at pinasakay niya ako sa banka at tanging ako lang ang pinasakay niya. Nagtaka ako non kasi hindi kami napapansin nong mga nastranded na pasahero pero Hindi ko na ginulo isip ko kasi mas nangingibabaw yong Naramdaman kong kaba na para bang akoy lalagnatin na. Pagkatawid namin kumuha ako ng bente pesos (20php) para ibigay sa matanda. Pero sabi niya "Huwag na eho Hindi ako tumatangap ng bayad Lalo na sayo na tapat kung tagapagsunod." Nag Log yong utak ko non At parang Huminto saglit yong Oras. Kaya nagpasalamat nalang ako sa kanya at Tumango, Ngumiti lang ang matandang lalaki na para siyang Mangingisda kung tingnan. Tumalikod ako at naglakad na para humanap ng masasakyan, Lumingon ako ulit sa matanda pero Naglaho ito bigla wala na siya don. Isang naka Motor ang tumawag sa akin, "Sasakay ka?" agad na ako lumapit at yon Sumakay ako Pinsan daw siya ni erwen (bilas ko) nakikilala daw niya ako kaya niya ako tinawag. Pagmomotor kasi hanap buhay niya naghahanap siya ng pasahero daw non.
Pagdating ko sa bahay Nagulat partner ko at bakit daw hindi ako tumuloy sinabi ko na lang na naabotan ako ng pagkasira ng Tulay. Hinanap ko kaagad c buddy non si karla ang sumagot, andun daw sa kaibigan niyang c Oplong nakipaglaro daw ng billiard. Kaya sinabi ko pupuntahan ko Pinagalitan pa ako ni Partner dahil baka maglalasing lang daw ako dun di daw ako marunong maglaro ng billiard. (Minaliit yata ako sa pagkakaintindi ko non) Hinayaan ko na at derederetso na ako pumunta sa bahay ng kaibigan ni buddy. Lalong lumakas ang Kaba ko sa dibdib habang papalapit na sa kanila. Naabutan ko si buddy na lang naglalaro ng billiard at sa may upuan sa tabi ay may Lambanog at baso. "oh kala ko ba umuwi ka ng cagayan de oro,? ah na miss mo ako agad noh?" pabiro niyang sabi na tawa ng tawa habang hawak niya yong stick ng billiard. Ngumiti lang ako at Inaya niya akong uminom ng Lambanog. syempre inabot ko yong basong may laman ng lambanog ng Biglang Lumabas ng bahay nila si Oplong na napansin kong may bitbit na itong ShotGun. Nanlilisik ang mga mata niya at itinutok kay buddy ang ShotGun, "Peste ka..!! Papatayin na kita dapat sayo mawala na dito" Sigaw nito kay buddy. Kakaiba ang galaw ni Oplong at tila ba nasaniban ng demonyo si buddy Tumakbo sa likod ko "Plong... Anu ginawa ko sayo? Magkaibigan tayo plong..." Naiiyak na natatakot na sinabi ni buddy. "Aalis kami Huwag mong ipuputok yan ," sinabi ko kay Oplong na Nakataas ako ng kamay at paatras na dahan dahan. Ang sira ulong Oplong pa atras kami ng paatras siya na naman abante ng abante kaya ganun pa rin ang distancia. Hawak ko pa rin ang basong may lamang alak non kahit nakataas mga kamay ko. Alam kong hindi kami pwede Tumakbo sa mga oras na yun ipuputok niya talaga. Kaya nong nagdasal na ako sa isip ko na sanay Tulongan ako sa sitwasion na yun. mahigpit na hawak ni buddy ang soot na tshirt ko sa likod. Nang biglang Kong ibinato sa mukha ni Oplong ang basong hawak ko na may lambanog, nahilamos niya at nasapol yong ilong niya nong baso. Dahilan para sugurin ko siya at bawiin ang shot gun sa kamay niya. Sinipa siya ni buddy kaya sinaway ko si buddy na Huwag siyang mananakit. Itinapon ko yong Shotgun ni Oplong Tumakas na kami ni buddy pauwi kaming Tumatakbo. Habang nasa daan kami pauwi na Dumaan kami don sa Kurbadang Highway , Nakita namin yong kaluluwa ng Binatilyo tawa ng Tawa kasama na niya yong Matandang Lalaking Umataki sa akin nong gabing mag isa ako sa bahay. Nakatingin sila sa amin, "Sila kaya may kagagawan non kay Oplong? at sino yong matandang lalaki na Nakakatakot kung makatingin?" Tanong ni buddy sa akin habang nagpapatuloy kami sa paglalakad. Hapon na yun "Oo buddy sila yong dahilan kung bakit ako bumalik at di na tumuloy umuwi ng cagayan de oro. Pinaglaruan pa nga ako ng mga yan para Tumuloy ako sa pag uwi. Gusto ka nilang ipahamak buddy." Tatawid sana si buddy papunta sa kanila pero pinigilan ko siya. "Di ba sabi ko hintayin natin ang Hudyat Masyado ka mainit buddy Controlin mo ang emotion mo. Hindi ka pa nabasbasan". Paalala ko kay buddy, At nong makauwi na kami ng Bahay. Hindi namin sinabi sa kanila ang nangyari at nilihim namin ni buddy ang pangyayari dahil panigurado magagalit sila at lulusubin nila si Oplong.
Kinabukasan May Balitang Gumimbal sa amin ni buddy..
Nag Baril sa sarili si Oplong Mismo sa Harap ng Pamilya niya Itinutok daw nito ang ShotGun sa bibig At kinalabit, pero bago daw ito nagpakamatay sinabi daw nito na Marami pa ang Dadating..
Anu kaya ibig sabihin ni Oplong na marami pang Dadating ? Sa Tingin ko Kamalasan at kamatayan. Kailangan talaga matapos ni buddy ang pagsubok niya Hindi ko kakayanin mag isa. Si buddy open lang ang 3rd eye niya pero kahit matuto pa siyang magdasal ng latin walang Epekto yun Dahil Hindi pa Siya nabasbasan para gamitin ito.
Abangan niyo ulit ang Karugtong Salamat at GodBless sa Lahat.
Silent Rasta
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree