Case 2: Ang Habilin ni Papang Pablo

957 15 0
                                    


Hi mga friends! Si Conchita po ito ulit! Ang nagbabalik na CHURVANG diwata! Sorry po kung medyo naudlot yung story sa case 1, kasi personal record ko yun at hindi ko masyadong nairecord ang lahat ng pangyayari sa case na yun. Dahil nga baguhan pero etong case 2 maayos na yung record pero mahaba siya....

Nangyari itong case na ito noong September 2007 over the period of three days - friday, saturday and sunday. Four months after the aparador case, naimbitahan na naman ako ni Jigz for a gig! (Sana banda nalang siya!). This time tatlo lang kami ang pupunta, pati si Monmon, yung malaking mama! Dahil sa iisang university lang naman kami nag aaral ni Jigz, kami nalang yung niyaya ni Mon for the investigation.

Simple lang naman yung investigation, to conduct rounds sa isang property sa marikina. So kami ni Jigz pumayag dito dahil nagbayad ang nagrequest kaya kailangang pumunta.

Friday

Unang day namin sa marikina, hapon na ako nakarating sa venue, kakatapos lang ng exam ko sa algebra at general psychology (Don't worry I passed them). Though I admit mahirap pagsabayin pero parang escape ko na din na matuturing ang ganito, walang camera set up or mga gamit this time. Ang gamit lang na dala ni Mon ay ang dalawang video camera at yung case file, si Jigz naman dinalahan na ako ng mga pwede kong gamitin, mga kandila etc. Ako dala ko naman ang mga tarot cards ko. Nag umpisa ang investigation ng bandang 3:30 pm, ininterview namin yung asawa ni Papang na si Aling Marta. Ayon sa kaniya sa tuwing papatak ang 8 o'clock ng gabi ang mga kandila sa altar para kay papang pablo eh namamatay ng kusa at bago ito nangyayari ay may maririnig siyang mga kalansing na nagmumula sa likod ng bahay nila. Ganun din naman ang sabi ng mga anak ni Aling Marta na sina Jude at Nina, pero kaya daw nila talagang naisipan na magpatawag ng mag iinvestigate dito sa bahay nila ay dahil sa naranasan ng anak ni Papang na si Nina.

Ang kwento ni Nina sa amin noong nakaraang mga gabi ay hindi nalang ito nagpaparamdam kundi ay nagpakita na ito. Pagkatapos mamatay ng mga kandila sa altar ay napansin niyang may nakatayo doon sa likod ng bahay nila sa may puno ng kamias. Ang itsura nito nanlilisik ang mga mata at nakangisi ito sa kaniya. Tinanong ko siya kung nagpakita na ito sa loob ng bahay nila, ang sabi niya ay hindi pa. Pagkatapos ng interview ay umikot na kami nina Mon at Jigz sa bahay pati na rin sa likod. Habang nag iikot sa bahay, hindi ko maiwasan ang magdasal dahil na rin sa payo ng aking lola (Tandaan mo apo lahat ng bagay maski hindi natin nakikita ay kailangan natin irespeto, idaan mo sa dasal para hindi ka gawan ng masama (Mga payo ni lola)). Ang findings ni Mon ay hindi ito nakakatawid ng threshold ng bahay nila Aling Marta, sabi naman ni Jigz ay napansin niya yung pattern ng apparition kung bakit sa puno na yun ang pagpapakita. Marahil baka ligaw na kaluluwa ang nagpaparamdam. Ang naging findings ko naman sa pag ikot ay mula sa labas galing ang pumapatay sa kandila at ang mga kalansing ay sa labas din. Baka may ibang dahilan kung bakit hindi ito nakakapasok ng bahay nila...

After namin mag ikot sa buong bahay ay hinintay namin ang pagbubukas nila ng kandila sa altar. 7:45 pm nang buksan nila ang mga kandila, sinara naman ni Mon ang mga bintana maliban sa isa sa may kusina kung saan makikita ang puno ng kamias. Nandoon si Jigz at ang night vision camera at hinarang ni Mon ang malaking katawan niya sa pagitan ng altar at yung view ni Jigz na nagrerecord. Ako naman ay pumwesto sa mismong hagdanan para makita ko ang dalawang view (Parang si Toshio sa the grudge ang beauty ko non!) Nang mabuksan ang mga kandila ay nagdasal na ang family nila, kami naman ay nagbabantay. Ang init kasi doon, walang electric fan, naka off at wala din hangin na galing sa labas dahil nakasara ang mga bintana. Dumating ang 8pm. Nakita naming lahat kung papano mamatay ang mga kandila. Parang itong nawalan ng oxygen, ni walang usok na lumabas after niyang mamatay at ang sinabing kalansing... Kaluskos pala na galing sa kisame. Pero sandalian lang ang mga tunog na ito, walang nakuha sa video mula sa puno, pero lahat kami nakaramdam ng takot.

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon