Hello mga Ka Spookify, Heto na Ulit Ang Karugtong ng Kwento.
Gusto ni buddy na Puntahan namin sina karla at ang boung pamilya na namamasyal sa perya nong gabing yun, Wala ng Masasakyan papuntang Centro kaya Maglalakad nalang kami. Habang nilalakbay namin ang Napaka Tahimik na Highway, Nagkwekwentohan kami ni buddy para pambasag lang ng katahimikan. Tawa ako ng Tawa sa mga biro niya, ako nagyoyosi na nakikinig lang sa mga kalokohan ni buddy. Nong Dumaan kami kurbadang Highway nilagyan na ang gilid nito ng Sign Board na 'Slow Down Accident Prone Area'. At sa Daan may mga Coins na Parang Sinadyang sinasaboy doon. "Grasya may barya sa Daan oh," Sabay pumulot si buddy ng Limang piso. "buddy ibalik mo yan, alay yan ng mga dumadaan dito na sasakyan para hindi sila Maaksidente sa lugar na ito." Saway ko kay buddy, at inihagis niya ulit ito. Nagpatuloy kami sa Aming paglalakad at kwentohan, biglang Napatigil c buddy. Sumisikip daw ang dibdib niya, kaya nagpahinga muna kami saglit sa tabi ng Highway. nong maging ok na siya patuloy ulit kami.
[FastForward]
Nakarating na kami sa Centro kung saan andun ang Perya. Maraming Tao namamasyal Kaya Hinanap na namin ang Pamilya na namamasyal dito. Hindi ko na pansin na nahiwalay na pala kami ni buddy kaya pa lingon lingon ako. Nakita ko ang partner ko kasama ang pamilya na nasa May Bingo naglalaro. Kaya lumapit ako kaagad, "Asan c buddy, kuya?" Tanong ni karla sa akin. "ikaw lng mag isa pumunta dito? " tanong din ng partner ko habang ang paningin niya nasa mga Numero ng Bingo. "magkasama kami, bigla nawala Hindi ko alam nasan yon nagsosout Andaming Tao pa naman." Sagot ko sa kanila. Tumayo si moi na naglalaro ng bingo at pinatingnan kay Tina ang card niya. "Tara hanapin natin samahan kita" Sabi ni moi na nakaranig pala usapan namin. Hinanap namin c buddy nag paikot ikot kami sa perya At di namin makita ito. Hanggang sa Kinabahan na ako, Heto na naman ang Pakiramdam na parang lalagnatin ako. Mayamaya pa nakita namin si buddy nakaupo sa Isang cementong Upuan na malapit sa Municipyo. Lumapit kami ni Moi at tinawag ni moi ang pangalan ni buddy. Pero parang wala siyang narinig nakatulala ito na nakatingin sa Kawalan. Bago pa kami makalapit ni Moi, May humarang sa amin. Isang Babae na naka sout ng sombrero, at black tshirt, skinny pants. Hahawakan niya sana kami pero naka Atras ako. Si Moi nahawakan niya, Hinila niya si moi papunta kay buddy At tila wala na sa katinuan si moi, Nagulat ako sa nakita ko. ang Babaeng humarang sa amin ni moi, nakita ko sa anino niya na iba sa panlabas niyang anyo. May Sungay ito at may Buntot , Pinagtabi niya si moi at buddy na naka Upo at napansin ko rin na may Tatlo pang NakaUpo sa ibang Cementong upuan pero katabi lang nila buddy. Pabalik na sa akin ang Babae at tinitignan ko talaga ang anino niya, Ganun pa rin may Sungay talaga ito at may buntot. "Samahan mo sila Puting Tupa. Malulungkot sila kung Wala ka" Hindi nakabuka yong bibig niya pero Naririnig ko ang Boses niya. NapaAtras ako ng makita ko ang mukha niya Ang Kapal ng EyeLiner, At Walang Puti ito Puro itim at bilog na bilog ang kanyang Mata. Napansin ko rin ang marka sa Leeg niya, Ang marka na baliktad na Cross. Teka lang Sinabi niya Puting Tupa, Tulad nong Binatilyong parang Taong Grasa ganun din ang tinatawag sa amin ni buddy. Ang Babaeng Nasa Harap ko ngayon ay isa sa mga Satanism. Pero kakaiba ito sa lahat kinakabahan ako sa kanya, "Alam ko kung sino ka At hindi mo ako malilinlang, Tinalo ko na ang ibang galamay mo, impakto ka. " Galit kong sambit sa kaharap kong satanism. "Sinabi mong Mahina ako? nakaka insulto ka Kaya paparusahan ka ng mahinang sinasabi mo" Sabi ng satanism na nasa harap ko nakangiti lang ito na nakakalokong ngiti. Ang pinagtataka ko lang bakit walang nakakapansin sa amin nong mga oras na yon. Ibig sabihin Naka pasok na ako sa bitag niya, pumikit ako Tinawag ko ang Matandang ermetanyo sa pamamagitan ng Dasal na latin (may pangalan siya na nasa notebook ni papa pero hindi ko na lang ilalagay ). Hindi niya ako binigo at nagpakita sa akin ito, "makiramdam ka, Buksan mo ang iyong kaisipan. Higpitan mo ang pananalig at gawin mo ang nararapat." ito ang mga katagang sinabi ng matandang ermetanyo. Idinilat ko ang aking mga mata at Ang babaeng satanism ay Galit na galit na. Kumuha ako ng Yosi sa bulsa ko at sinindihan ko ito sabay ngiti ko sa kanya. naalala ko pa rin ang sinabi sa akin ng matandang ermetanyo. "Kadiliman laban sa Liwanag, Hindi ko man kayang baliin ang sungay mong demonyo ka, pero kaya kong burahin ang Disipulo mo." Tumakbo itong papalapit sa akin at kinuha ko ang ang papel na Tinupi sa bulsa ko na may lamang asin at abu, nilagay ko sa mga palad ko at dinasalan at hinipan ng latin. Bago pa siya makalapit hinagis ko sa kanya ang asin na may abu (ash). Nasaktan siya sa ginawa ko, kitang kita ko ang pag usok ng mukha niya. Nasaktan siya at nagtatakbo palayo at tuluyang naglaho. Lumapit ako kay buddy at moi na parang wala sa katinuan. Nakita ko na hindi na pala sout ni buddy ang Cross na nakuha namin dun sa kweba. Dinasalan ko sila moi at buddy, nilagyan ko ng sign of the cross ang mga noo nila. Nagbalik ang kanilang katinuan at hindi nila alam ang nangyayari, tinatanong nila ako pero hindi ko na sinagot dahil kay buddy ko lang sasabihin ang lahat pagkami lang dalawa mag uusap. Matapos non Bumalik kami sa may bingohan kung saan andun pa rin ang aming mga kasama naglalaro ng Bingo.
Abangan muli ang Karugtong ng Storya... God bless sa lahat.
Silent Rasta
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree