Pag probinsya, talagang maraming kwento ng kababalaghan. Nagpapasalin salin na sa iba't ibang henerasyon. Meron ding mga personal experiences ng kapitbahay, kaklase, kaibigan, kainuman. Sa probinsya namin, mayabong ang mga kwentong kababalaghan.
Likas papaya
Hindi lang sa may balete drive may white lady. Kahit saang parte ata ng mundo, may iba't ibang bersyon ng babaeng endorser ng mga pampaputing produkto. Sa amin, ang kadalasang nakaka encounter, mga driver at manginginom.
Binabagtas ng isang driver ang kahabaan ng highway sa kalaliman nang gabi ng may pumarang babae na nakaputing bestida. Sa parteng yun ay maraming patay sinding ilaw at normal na may makitang magdalena sa daan, nakikita rin naman ng driver ang mukha ng babae kaya hindi sya gaanong nag alangan nang pumara ito. Sinabi nito ang destinasyon at ang driver ay nagmaneho. May kung anong lamig ang naramdaman ng mama sa daan. Malapit na sila sa lugar na pagbababaan nya sana sa babae nang mapatingin sya sa loob ng sidecar. Wala na syang sakay. Tinigil nya ang sasakyan at nagpalinga linga sa paligid. Inakala nya kasing nahulog ang babae. Pero walang anumang bakas nito sa kahit saan.
Nagsimula na syang matakot, kaya't dali dali na syang umalis para makauwi na. Pero bago sya makarating sa bahay nya, may malamig na kamay ang humawak sa kanya kasabay ng paglitaw ng babae, ang mukha nito ay maputla at lumuluha ng dugo. Naging dahilan yun ng pagbangga nya sa poste ng kuryente.Nung tinanong sya ng mga pulis iyan yong sinabi nya. Naospital sya. Hindi sya nakainom ayon na rin sa imbestigasyon. At sabi sabi ng ilan, hindi sya ang pinaka unang nakapagsakay sa babaeng yon. Nag aaksaya ng gas at effort si ateng gluta.
Ito naman, naexperience nong kapitbahay nila Ison. Katabi lang kasi ng sementeryo yong barangay nila. Si Dennis (Yong naka experience) nagmamahjong sabay shuma shot na rin. Don sila nagsugal sa isa sa mga mosoleo na sya ang caretaker. Nong natapos na, nagsipaalaman na. Kaso si Dennis dumaan pa don sa bayabasan para kumuha ng dahon para nguyain, para di sya maamoy ng asawa nya (Effective bes). So after non, larga na ulit sya. Pero pakiramdam nya parang ang bigat bigat ng kanang balikat nya.
Pagdating sa kanila, hindi sya kumatok. Tinawag nya lang asawa nya na asa sala pa naman nanonood ng jewel in the palace. Pagbukas ng asawa nya ng pinto, napasigaw sabay sinaraduhan sya ulit. Inis na inis sya kaya minura na nya. Nong pinagbuksan sya ulit, ganon ulit nangyari, sumigaw sabay sara ng pinto. Sa pangatlong beses parang lumaki na yong ulo nya kasi napansin na nyang hindi mismong sa kanya nakatingin asawa nya, sa gilid nya. Parang don nya rin lang napansin na ang lamig sa may kanan nya. So naglakas loob syang tumingin sa kanan, lahat ng alkohol sa katawan nya napunta sa talampakan, may ka face to face syang babaeng walang mukha pero puting puti. Sabi nila, nagcollapse sya at paggising nya inaapoy sya ng lagnat. Ilang araw na ganon.
May pamahiin ang mga thunders dito samin. Kahit saan ka galing, either inuman, kainan, galaan, sugalan at lalo pag lamayan at gabi ka na nakauwi, wag ka agad didiretso sa bahay nyo. Parang don ka muna saglit sa may gate o kaya sa may tindahan. Basta wag kang didiretso agad. Pero kung wala kang choice, e.g bumabagyo, kumikidlat. Dapat kumatok ka at ipaalam mong papasok ka, ikaw lang ha? Be specific.
Gaya-gaya puto maya pag laki buwaya
Doppelganger nanggagaya ng anyo. Hindi ko alam kung anong tawag sa elementong, nanggagaya ng boses, boses lang.
Personal experience ni mother earth, trinitreasure ko itong kwentong ito kasi ito yong nag-iisa nyang experience na hindi nya kayang ipaliwanag, hindi kasi sya naniniwala sa mga multo multo ganern. Nangyari ito sa probinsya rin lang, nong college days nya, nagboboarding house sya.
Yong mga kaibigan nyang kasama nya sa bhouse, nag ayang magsine, yong movie ni sharon at gabby. Si mama hindi sya fan kaya hindi sya sumama. Sya lang at yong anak ng landlady yong naiwan. Around 8pm, may kumatok.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree