Hello, spookify. Matagal na kong nagbabasa dito, gusto ko lang ishare itong kwento ng kaibigan ko dito sa bulacan. Nagshare na din kase ako dito ng story about sa experience ko pero sa kasamaang palad hindi napost, kaya kwento nalang ng kaibigan ko ang ilalahad ko. Kwento lang din niya ito saamin. Kaya kayo na bahalang humusga. Haba na ng intro, game na!
Nakababa na sila ng jeep pero napansin nilang dalawa na baket nandon pa rin yung dalawang babae pero hindi naman sila sumakay ng jeep. At kung tatakbuhin ito ay hindi kayang abutan ang bilis ng jeep. Kaya nagpasya silang wag nalang pansinin at umuwi na. Dadaan sila sa isang bundok para makauwi ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad nila, sa di kalayuan ay may napansin silang dalawang itim na pusa na nakatayo sa tuktok ng putol na puno ng buko na di naman kataasan kaya makikita mo ito habang naglalakad. Mas malaki ito kesa sa pangkaraniwan na pusa lang. Kaya nakaramdam sila ng takot. Hindi na lamang nila ito pinansin at dumaan nalang, nalagpasan naman nila ang pusa ng maayos pero napansin ni Mike na sumusunod ang isa sa kanila. Sinigawan nila ito at minura pero hindi ito napaalis at nagalit pa. Namumula ang mata ng pusa at hinabol sila, dahil malake nga ang pusa ay mabilis silang naabutan at nakalmot sa likod si Gamay. Pero hindi pa din sila tumigil tumakbo dahil alam na nila na ito ay aswang.
Malapit na sila sa liwanag at kabahayan ngunit pagtingin ni Gamay sa likod ay dalawa na ang humahabol sa kanila. Naiwan ni Gamay ang tsinelas dahil sa takot at pagtakbo. Nakarating sila ng maayos sa bahay nila Gamay at tinawag ang ama niya para gumanti sa dalawang aswang. (Fast forward) Nakarating sila sa gubat kung saan naiwan ni Gamay ang tsinelas niya, pero hindi nila makuha ang tsinelas dahil nakaupo doon ang dalawang pusa. Binaril ito ng tatay niya pero imbis na tumakbo ay walang epekto sa pusa ito. Kaya nakumpirma nila na aswang nga ito. Hahampasin na ito ng buntot pagi ng tatay niya nang tumakbo ito sa mga puno paalis.
Kinabukasan ng tanghali napadaan si Gamay sa mga nag iinuman sa palengke at inaya siya ng mga ito na tumagay. Kahit ayaw niya ay tumagay siya dahil masama sa probinsya nila ang tumanggi kapag inayang tumagay, pero umalis din ito. Kinagabihan ay di na maganda ang pakiramdam niya at parang nagbabago ang panlasa niya. Hindi niya na ito sinabi dahil akala niya sinisipon lang siya kaya ganon. Pero habang nagtatagal ay nagbabago siya, tuwing gabi ay gusto niya palaging lumabas ng bahay at maglibot. Hindi niya napapansin sa sarili niya na tumatalon na pala siya sa bubong ng bahay nila at sa kabilang bubong ng kapitbahay nila gabi gabi. Napansin na ito ng tatay niya at humingi na ng tulong sa albularyo.
Pagkakita pa lang kay Gamay ay di na maganda ang tingin sa kanya. Binigyan siya ng kung anong dahon ng albularyo at ayaw niya itong hawakan dahil di niya gusto ang amoy nito. Kaya nagpasya ang albularyo na alamin ang nangyayare sa kanya. Nagpabuhat siya dito ng may barya sa bulsa at kahit malaki si Gamay at di naman kalakihan ang albularyo ay hindi niya ito kayang buhatin. Kaya nung kung anong ginawa kay Gamay ( Sorry di ko masabi yung term ng salita) ay nalaman ng albularyo na napasahan siya ng ""bertud"". Gabi na nang ritmuhan siya ng albularyo para matanggal ito sa kanya. Itinali siya sa haligi ng bahay nila (Putol na puno ng narra ang haligi ng bahay nila dahil kubo lang ito). Pero kahit kadena na ang nakatali sa kanya ay sobrang lakas niya na niyuyugyog ang buong bahay. May pinakain sa kanya at pilit pinapasuka o ebak ba yon basta! Pero ilang sandali lang ay may nilabas siyang itlog na maliit na kapag nabasag daw ito sa loob ng katawan niya ay tuluyan na siyang magiging aswang. Ilang araw pagkatapos noon ay bumalik na sa dati si Gamay at naging maayos na. Kaya nagpasya ang magulang niya na pagbakasyunin muna sya sa Bulacan kung saan niya kame nakilala at kinwentuhan.
Zeke
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HororThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree