I would like to share my own experience on this page, hindi naman sya ganun na nakakatakot like other stories. Let's just say na I have a proof that there is "Life after death".
February 14, 2000 huling pagkikita namin ni Michael, magkasama kami buong maghapon nung valentines, medyo may tampuhan pa kami nun. Kasi madalas wala syang oras sakin mula nung magstop sya sa pag aaral, madalas kasama nya mga friends nya sa BMX, that time kasi hindi pa uso ang cellphone. So ito na nga Valentines day kasama ko sya pati tita ko na bestfriend nya at tito ko naman ka team nya sa BMX. Pumunta kami sa school ng tita ko kasi may program doon. May napansin kami ng tita ko sa kanya, he was so quiet that time, very unusual yung katahimikan nya, napaka jolly kasi nyang tao. No dull moment kapag sya ang kasama mo saka lahat ng jokes nya bentang benta sakin, naisip ko dahil may tampuhan kami. Kapag pala nagkakatampuhan kami ako ang unang bumabati sa kanya, never ko sya tiniis. Ilang beses ko na nga sinubukan makipag break pero dahil sa panunuyo nya sakin at ayaw nya makipaghiwalay, hindi natutuloy.
Dumating yung hapon nagpaalam sya bigla sa amin, kailangan na daw nya umuwi. Tumingin lang sya sa akin at hindi ko sya pinansin, pinilit ko talaga ang sarili ko na tiisin sya nun. Pero nung papalayo na sya samin habang nakatalikod sya hindi ko alam bat parang may humihila sakin na sundan ko sya, parang gusto ko syang yakapin at makipagbati pero nakipag matigasan ako. So yun nga, that was the last time I saw him. To cut the story short one day I tried to ask my uncle in a way na hindi mahahalata na may something samin. Nalaman ko na he left the province for manila kasi gusto nya magwork at kumita ng pera. I felt really bad, sabi ko "Umuwi ka lang promise makikipag break na talaga ako sayo". Ilang beses ako gumawa ng letter for him para pag uwi nya ibibigay ko na lang pero I end up crying every night thinking of him na sana okay lang sya at sana hindi nya ako ipagpalit.
One night habang natutulog ako nagising ako na wala ng kumot, nahulogsa baba ng kama ko, so pinulot ko at ikinumot ko ulit. Tapos nung nakakaidlip na ako, bigla akong naalimpungatan dahil naramdaman kong may humila sa kumot ko. Sa inis ko pinabayaan ko na lang at natulog. Nung morning at hindi pa ako bumabangon, narinig ko tita ko may kausap at binanggit nya yung name ni Michael kaya napangiti ako. Nasa isip ko kasi andito na sya, nakapikit pa ako nung bigla kong maramdamang hinampas ako ng gising ng tita ko sabay sabi "Bhe si Michael patay na". Umiiyak na tita ko habang ako nakaupo sa kama at nakatulala, I was paralyzed at pilit kong iniintindi ung mga salitang binitawan ng tita ko. Feeling ko nung time na yun binabangungot lang ako, na hindi totoo ang mga yun, na baka nang gugood time lang si Michael at pinalabas nya na patay na sya para isurprise kami. Alam ni Michael na matatakutin ako kaya never nya ako tinatakot at kapag may mga patay samin never ako tumitingin sa kabaong kasi napapanaginipan ko sila.
Pero nung dumating ang bangkay nya sa Bicol nagawa ko syang hawakan at halikan, nawala ang takot ko. He died in a bus while travelling back in Bicol. Sabi ng Ate nya bago sya umuwi ng Bicol he was admitted in the hospital gawa ng asthma nya. While at the hospital nakita ng Ate nya picture ko sa wallet nya, sabi nya sa Ate nya "Ate kung bibigyan pa ako ni Lord ng chance na mabuhay at magkaroon ng pamilya, si Mhy ang gusto kong mapangasawa". Hearing that from his sister biglang ang dami kong regrets at iyak ako ng iyak, feeling ko nung time na yun gusto ko na din mamatay kasama nya. Mula nung burol nya araw araw may malaking brown butterfly sa uniform ko na nakadapo. Sabi diba butterfly symbolizes a rebirth after death and this creatures represent the souls of our departed love ones. Kaya madalas ko itong kausapin kasi nagbabakasakali ako na binabantayan nya ako at naririnig nya ako. Lagi kong hinihiling na sana magpakita sya sa panaginip ko o magparamdam man lang pero wala eh. But yung tita ko dinalaw sya sa panaginip, he looks happy na. Sabi pa nga nya "Bestfriend wag na kayo malungkot ni mhy, magkikita pa naman tayo eh promise yan. Nga pla pakisabi kay mhy alam na nya yun". Kaya yung tita ko nagtanong sakin kung ano daw sikreto namin. Kaya napaamin na din ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree