Kulam vs Revenge (Part 1)

330 3 0
                                    


PaShare ng Story kaSpookify..
First time ko mag Share ng Story dito, Taga Cagayan de oro po ako.. Nangyari Ang Storya na ito noong July 2009 , naKatangap kami ng Txt Galing Probinsya na Namatay daw yong Ama ng Kinakasama ko. Taga Lanao del Norte kasi sila, Noong Nalaman natangap Namin yong Txt Agad kami nag byahi Kasama mga kids namin, tanghali na kami nagbyahi dumating kami doon Gabi na mahaba haba din kasi yong byahi, Pagdating namin doon Syempre yong mga eksena na nag iiyakan. Ako naman nasa labas lang Ayoko kasi nakakakita ng mga ganong tagpo. Medyo Badboy Kasi yong dating ko at Hindi bagay sa akin umiyak. nakakabawas ng Looks (Haha) Noong gabing yon dumating din ang ibang kapatid ng kinakasama ko. nakipag usap ako sa ina ng partner ko at tinanong ko na rin kung anu ba talaga ang Dahilan ng Pagkasawi ni papa (kahit di kami kasal ng kinakasama ko Mama at papa parin tawag ko sa mga parents niya). Sabi ni mama Kinulam daw kasi may naka alitan daw ito mga ilang buwan na ang nakaraan, Tinanong ko rin kung anu yong dahilan bakit niya naka alitan At ang Sagot niya Tungkol daw sa isang Chainsaw na pinapa arkilahan ni papa pero yong nag aarkila daw ginagancho lang daw c papa kaya binawi niya yong chainsaw niya at di na pinaArkilahan. Nagalit yong Nag aarkila dahil yon lang daw kinakabuhayan nila sa pangangahoy sa bundok. simula noon Bigla daw nagkasakit c papa at ilang buwan daw ito pabalik balik sa hospital, Hanggang sa pinatingnan sa Binisaya (Mangagamot or Witch Doctor) Kinulam daw c papa nong kagalit nito. ilang Buwan na gamotan pero yong nagpakulam sige pa rin Hindi rin Tumitigil Hanggang sa Sumurender na c papa. May sinabi din c mama sa akin na may Alagang sigbin daw c papa pero di siya natulongan nito ewan ko kung bakit di ko na inalam yon syempre na wewierdohan na ko pero sabi ni mama bago daw malagotan ng hininga c papa sinabi niya ibuka yong palad ni mama at may iluluwa siya na sasalohin kapag lumabas na sa bibig niya Pero Natakot si mama at di daw niya ginawa dinaan pa nga sa joke ni mama nga baka plema lang daw eh di blessing with the plema matatangap niya (Hahaha). One Week yong burol ni papa at nong Last vigil nito doon ako humiga sa kwarto kung saan nalagotan ng hininga c papa ewan ko ba para bang may nag udyok sa isip ko na humiga doon kasi andaming tao sa Sala at Labas at ilang Araw din akong Walang Tulog kaya ang katawan ko pinapahinga ko muna. maingay sa labas kasi may nag iinoman at nagbabaraha Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako ..
"Tabangi ko G*****n" meaning "Tulongan mo ako G*****n" nagpakita sa panaginip ko si papa tinatawag niya pangalan ko at gusto niya ng Tulong. Hindi ako natakot kahit alam kong Patay na siya Sinabi ko lang Anong magagawa ko para tulongan siya. "TABANGI KO BALOSI ANG NAGHIMO ANI SA AKO" ("iganti mo ako sa may gawa sa akin nito") Singot ko siya "Unsa man akong Buhaton pa?" (Anu yong Gagawin ko pa) Sinabi niya sa akin Kung paano makaganti sa mga Lapastangan na Nagpakulam sa kanya. Nagising ako At medyo nakaramdam ako ng takot hindi dahil sa napanaginipan ko Kundi doon sa pinapagawa niya. Nong Umaga yon Hindi ako mapakali parang naririnig ko pa ulit ulit yong sinabi ni papa sa panaginip ko. Tanghali na inilibing c papa, Walking Distance lang ang sementeryo sa bahay nila. Sa sementeryo napansin ko isang lalaki na distancia lang nag sign of the cross siya tinapik niya yong Lupa, nakita ko at lahat ng kapatid ng partner ko yong Ginawa nong taong yun. Syempre alam na namin na siya talaga ang nagpakulam dahil siya yong naka alitan ni papa nong buhay pa ito.
[ff]...
Nasa bahay na kami at yun nag iinuman kami ng mga kamag anak ng partner ko. Kahit isa wala akong sinabihan sa napanaginipan ko kahit ang partner ko. Nasa isip ko lagi yong pakiusap ni papa Pa ulit ulit. nong gabi na yon 11pm habang natutulog kami Ginising ako ng isang Boses at Boses ni papa yun. Gusto niya akong Lumabas ng Bahay kaya kinuha ko yong Yosi ko at nagsindi papalabas ng Bahay. Umupo ako sa Labas at kinausap ko siya sa isip ko. Sabi niya Sundan ko daw yong alaga niya na nasa ibabaw ng Puno ng Guyabano na nasa harap lang ng bahay nila. pagTingala ko Meron akong nakikita na hindi ko maintindihan Aso ba o kambing ang laki ng Tenga at Kulay Dilaw yong mata. First time ko makita yon nilalang na yun. Hindi ako natakot alam kong hindi niya ako sasaktan at kung sasaktan niya ako magkakamatayan na pero makikipag sabayan talaga ako. Nagulat lang ako nong Lumipad ito sa ibang puno at sinundan ko na kung saan direction ito pupunta. Napansin ko papuntang Cementeryo . Sheyt paubos na yong yosi ko at kumuha ako ulit sa bulsa ko at nagsindi, Sinusundan ko pa rin yong nilalang na palipat lipat lang sa mga puno Hindi siya bumababa sa lupa. Hanggang sa makarating na ako sa Puntod ni papa at narinig ko na naman boses ni papa. Gusto niya Sabayan ko daw siya sa isang Dasal na Latin at sindihan ko daw yong patay na kandila na nasa ulonan ng puntod niya. Ginawa ko lahat ang mga Sinabi niya kahit di siya nagpapakita sa akin ok lang mas mabuti ng ganun dahil baka mabigla ako at madidistract lang yong pinapagaw niya, exactong 12am tiningnan ko celpone ko Habang sumasabay ako sa Latin na dasal Hindi ko man naiitindihan pero namimemorize ko kaagad. Paulit ulit lang kasi nong natapos yun Inutusan niya ako na kumuha ng isang bulaklak na nakapatong sa puntod niya at kailangan ko din daw kumuha ng dalawa pang bulaklak sa mga nasa paligid na mga puntod. (syempre nag paalam ako sa mga nakalibing dun na hihingi lang at napag utusan lang hehe) 3 bulaklak ang nasa kamay ko at sabi niya ipahid ko daw sa lapida niya na dapat sign of Cross, Ginawa ko kaagad at ang sunod niyang sinabi puntahan ko daw yong Bahay na nagpakulam sa kanya. kapitbahay lang naman nila kaya agad agad kong pinuntahan. nag sindi na naman ako ng yosi at yong nilalang parang naging bantay ko siya na sumusunod sa akin pero sa itaas pa rin siya ng mga puno palipat lipat. nong makarating na ako sa harap ng bahay nong mga salarin pumasok ako sa bakod nila (Para akong Akyat bahay leyseeeyy) at sinabi ni papa sa isip ko pa rin na ipahid yong bulaklak sa bahay nila sign of cross din sa pinto. Pagkatapos non lumabas na ako di ko na naririnig c papa sa isip ko yong bulaklak? kinain ko sabi niya kasi.. eew kadiri di ba? ang pait pala ng rosas.. hahaha di ko na uulitin yon swear to god. ok balik sa kwento, natulog na ako non pagkatapos di man lang napansin ng mga kasama ko na lumabas ako na dis Oras ng gabi dayu pa naman ako sa lugar nila. walang nakaalam sa ginawa kong yon at isang linggo lang ang nakaraan Nahulog sa Puno yong isa sa mga anak nong nagpakulam basag ang ulo at nabuhay pa kasi agad na dinala sa Hospital pero isang buwan lang tinagal ng buhay niya nakaligtas siya sa disgrasya pagkahulog pero nagkasakit ito malubha nagsuka at nagtatae yun Tuloyan ng bumigay. Hindi pa dun natapos kasi gumaganti sila at isa sa mga anak ko ang Nadali rin nila. mAsyado na mataas to sa susunod ko na e kkwento. Salamat sa pagbabasa at sanay ma e post ito..
Ps: Wag niyo pong gayahin ginawa ko para lang sa sariling galit niyo sa kapwa. masama po at di niyo alam ang Latin na ginamit.
Ako nga pala si Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon