Ang Kulto at mga Multo (Part 9)

199 1 0
                                    


Ang Nalalapit na Finale...
Kumusta mga Spookify avid Readers..? Handa na ba kayong Matakot? Pwes ito na ang NakakaTakot na Parte ng kwento namin ni Buddy. Simulan na natin..
Dumating na ang Araw na kailangan na namin Lusobin ang Kuta ng mga Kulto na naghahasik ng kamalasan at Kakabalaghan sa Lugar nina buddy. Pero bago kami sumalang sa mission na ito, Hinanda namin lahat ng Madadala namin nilagay namin sa bag ni buddy, Yong Salamin na nakabalot sa puting tela na ibinigay ng Matandang Ermetanyo, Mga Asin at Abu na nakalagay sa isang Selopin, Soot din ni Buddy yong Kwentas niya at dala ko rin ang aking Kulay Green na Panyo. Nag pahid kami ng X7 bago kami lumabas ng Bahay. Nagpaalam kami kina Partner, karla At Tina na pupunta kami ng Bukid at mangangahoy. sina moi at Erwin busy sa alaga nilang mga panabong na manok. Habang patawid pa kami ng highway kasi kailangan muna tumawid ng Highway para maka punta ka sa paanan ng bukid. Biglang nagkaroon ng Aksidente may isang toyota inova na kahit naka Brake na.Yong gulong hindi na umiikot pero patuloy ito sa tulin ng takbo at maririnig mo yong Scratch ng Gulong sa Daan. Tas Sumirko ito at paikot ikot na tumatalsik ang mga parte na metal sa ibat ibang direction. Pa ikot ikot na pasirko sirko, basag na lahat ng Salamin nito. at ang masaklap pa dahil umabot na ito sa kabilang lane ng daan nabanga niya yong paparating na matulin rin ang takbo ng Raider na Motor. kalunos lunos yong sinapit ng rider nito basag yong Helmet at naputol ang paa. Sa tindi ng Salpukan na aksidenteng yon nagsilabasan ang mga Tao sa paligid. Gusto pa sana maki usyoso ni Buddy ngunit hinila ko na siya kailangan na namin bilisan ang aming lakad. Unti Unti ng Dumadami kasi ang mga Chismax sa paligid. Nong nasa bukid na kami, kumuha muna kami ng mga bayabas para may nguya nguya in kami ni buddy. Habang naglalakad kwentohan kami ni buddy at syempre pag may mga tuyong kahoy kaming madaanan kinukuha namin ito at inilalagay sa dalang sako ni buddy. nasa kalagitnaan na kami ni buddy non sa bukid ng saktong pagtapat namin sa puno ng Langka May biglang Lumutang na Kabaong.. Grabi ang liwanag ng mundo kasi Umaga pa yun 9am. tahimik ang bukid na yun kasi wala talagang bahay dun kasi noong magkaroon ng gyera sa lanao del norte ang bukid na pinuntahan ni buddy dun daw dumadaan yong mga Rebeldeng Milf, kaya masyado talagang napakatahimik. Nong makita namin ni buddy ang lumulutang na Kabaong at humarang pa sa dadaanan namin bigla itong Bumukas. Salbahi tong c buddy ibinato ba naman yong kagat kagat niyang bayabas kaya pumasok ito sa loob at rinig namin na wala itong laman kasi tunog kahoy lang nong binato ito ni buddy. "Lapitan natin Bayaw, Wala yang laman, pero pag meron Itataob ko talaga yan." Sabi ni buddy na nakahawak sa braso ko hinihila ako papalapit sa kabaong at parang napapansin kong Parang gusto niya pa akong mauna kasi habang papalapit kami unti unti siyang napupunta sa likod ko. Nong nalapitan na namin ito dahan dahan kong sinilip ang kabaong, at biglang umandar yong pagka loko loko ni buddy itinulak ba naman ako sa kabaong kaya naitulak ko rin ito at bumagsak sa lupa. Walang laman este meron pala yong Bayabas na may kagat na ibinato ni buddy. Tawa ng tawa ang mokong na buddy sa ginawa niyang yun. natawa na rin ako, Pero biglang may nagSalita. "Wag niyo ng ituloy ang binabalak niyo, mamatay lang kayo pareho. Umuwi na kayo..!" Hindi namin alam ang kinaroroonan ng boses pero parang may ka duet ito dalawa ang boses kasi naririnig namin. Palingon lingon lang kami ni buddy sa paligid pero naglalakad kami ng dahan dahan. "Sino ka? magpakita ka?" sagot ko sa mysteryosong boses na yun. "Pagsisisihan niyong umapak kayo sa Teretoryo nila..! bumalik na kayo at umuwi.. binalaan ko na kayo kanina sa Daan na madidisgracia kayo..Hindi niyo nakuha yong babala ko sa inyo.!!" Nagsalita na naman ang mysteryosong may dalawang boses. "Bugok..! Paano namin malalaman na babala yun eh mga sasakyan yong pinagbabangga niyo. kung sana pinasagasaan niyo kami..!" salbahi to c buddy parang binigyan pa ng suggestion ang mysteryosong Boses na yun. "Wala kaming paki alam sa babala mo, magpapatuloy kami sa aming paroroonan. Gawin niyo na lahat para pigilan kami, Hindi kami aatras at uuwing talonan.." paghahamon ko sa boses na yun. at nagpatuloy na kami sa aming paglalakad. halos mag dadalawang oras na kami sa paglalakad Hindi namin mahanap hanap yong Kuta ng mga kulto. nadaanan na namin ang mga matatarik na bangin. kaya nong makakita kami ng maliit na Sapa lang Huminto kami ni buddy dun at Dahil malinis at malinaw na malinaw na yong Tubig Umiinom kami don. Ngunit isang nakakatakot ng biglang nagkulay dugo yong Umagos sa maliit na sapa. at may mga boses na tumatawa sa paligid mga maliliit na boses humahagikgik na tawanan. "Tubig lang kailangan namin, masyado ninyo kaming inintertain nagtimpla pa kayo ng Strawberry juice..!" bweset talaga tong c buddy nasa seryoso na kaming kalagayan, nakuha pa niyang magbiro. kaya nagpasya na ako na magpatuloy sa paglakad ulit. Kinuha ko ang Panyo ko at itinali ito sa ulo ko. "Bayaw para kang Gangster sa dating mo." Pagpuna ni buddy sa ginawa ko. "Hindi mo ba nararamdaman buddy? may naka palibot sa atin, may nagmamasid, Sumusunod Pakiramdaman mo puro ka kalokohan eh." Seryoso kong tugon kay buddy. "naramdaman ko rin yan kanina pa kaya nga dinadaan ko sa biro bayaw kasi Sa Boung buhay ko ngayon lang ako sumuong sa parte ng bundok na ito. Paano kong Hindi yong mga kulto ang Makaharap natin, paano kong mga rebelde. Walang awa ang mga yun." halatang natatakot si buddy sa sinabi niya. "Kaya nga may X7 tayo diba, protection natin." pagpapaalala ko kay buddy. mga isang oras pa narating namin ang napakayabong na mga talahiban at parang may nakatago sa likod ng makapal na talahib na yun. Kaya dahan dahan namin itong hinawi habang umaabante kami at malaman ang anu ang nasa likod ng mga talahib na ito. Nagulat kami ni buddy dahil natagpuan namin ang Kuta ng mga Kulto, Maluwag ang ektarya nila Mga nakakapagtakang mga bagay ang nasa paligid. mga Rebulto na tingalan ng mga Ulo at pinalitan ng mga patay na ulo ng Hayop. May Kubo din na sa tingin ko doon sila nag e stay. Ang baho ng lugar na yon, yong baho na galing sa patay na ewan tao o hayop. Maraming Langaw at bangaw na lumilipad lipad sa paligid. Masyado na mataas to, kaya abangan ang Nalalapit na Pagtatapos nitong Kwento. Maraming Salamat sa page at sa mga Sumusuporta at mga naniniwala sa kwento namin ni buddy. God bless sa ating lahat.
Silent Rasta  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon