Recently lang to nangyari. Thursday ng gabi nang tawagan ako ng pinsan ko, si ate Noreen.
"Hello. Bunso, bahay ka na?"
"Oo ate bakit?"
"May oonegai(ipapakiusap) sana ako sayo."
"Sure ate, ano yon?"
"Meron kasi kaming event sa Tokyo sa Sabado hanggang linggo yun. May pasok ka ba ng sabado?"
"Sakto timing mo ate ah, wala akong pasok ng sabado." Natatawang sabi ko. "Bakit? Anong event nyo?"
"May auction, ako pinadala ng company. Kasama ko si Tomi(asawa nya), iiwan ko na sana si Eiko(anak nya), sobrang lamig kasi baka magkasakit pa to pag sinama namin, kaya lang walang mag aalaga, pwede ka ba? Hanggang linggo sana."
Nag isip ako ng konti, pahinga ko sana yun e pero sige na nga, okay lang.
"Oh sige ate, okay lang naman. 1 lapad lang per hour." Biro ko."Hahahaha kahit 3 lapad pa."
"Hahahahaha sisingilin talaga kita!" Biro ko. "Kelan kayo aalis? Sabado?"
"Hindi, mahaba ang byahe, Sabado ng umaga start ng event. Byernes ng gabi kami aalis. Teka saan mo gusto? Dito na lang kayo sa bahay o dyaan?"
Nag isip ulit ako, dalawang beses na ako nag baby sit kay Eiko sa bahay namin, pinahirapan ako lalo sa gabi. Ayaw kasing matulog, umiiyak, namamahay siguro. (Alam nyo yun? Yung feeling na hindi ka makatulog pag sa ibang bahay). Mahilig ako sa bata but I hate dealing with them when they're throwing tantrums.
"Dyan na lang sa inyo ate, di ako pinatutulog nyan pag dito sa amin." Natatawang sagot ko.
"Ok sige, salamat couz ha, hulog ka talaga ng langit. Labyu!"
"Wag mo kong bolahin! 1 lapad nga per hour! Hahaha saka paki puno na din ng pag kain ref mo."
"Hahaha puno na! Ikaw na lang iniintay. Sunduin na lang kita bukas? Andyan ba si Jess(ate ko)?" 40 mins drive din ang bahay ng pinsan ko mula bahay namin.
"Wag na ate, drive na lang ako dyan, oo andito na sya. Anong oras alis nyo bukas?"
"8 ng gabi."
"Ok sige, 7 punta na ako dyan."
"Salamat, see you, labyu!"
"Labyu."
Sweet namin? Malambing pinsan ko na yun e, close na close kami kaya di ko kayang tanggihan. Isa pa super cute ng pamangkin ko kaya gusto ko din nag bababysit.
3 years old na si Eiko. Nagpupunta din ako minsan sa bahay ng pinsan ko kapag di ako busy, kwentuhan, makikikain, pero hindi ako nakikitulog. Nakakahiya naman sa asawa nya hahaha. Malaki bahay nila, may second floor, pero it's a typical japanese house, hindi sya masyadong modern pero maganda, alam nyo yung parang bahay nila nobita sa doraemon? Yung connected yung mga kwarto, bubuksan lang yung sliding na pinto then boom, kwarto na ulit, ganun mga kwarto nila, pati samin. Pinaka favorite kong parte nung bahay nila, bathroom, nakikiligo ako dun hahaha laki ng bathtub e. Matagal tagal na din nung huli kong babysit kay Eiko.
Byernes ng 7pm nagdrive na ako papunta kila ate Noreen. Pag dating ko nakabihis na sila, ako na lang ata iniintay. May dala akong okashi(sweets) kay Eiko, natutuwa nung makita ako.
Umiyak si Eiko nung umalis na sila ate, inaliw ko tapos maya maya ayun nakipag laro na sa akin. Bandang 9 pinatulog ko na, inakyat ko na sa kwarto sa taas. Mga 10 na ata natulog, ang kulit kung ano ano pa kinwento. Yung classmate nya daw na si Sana-chan yung ichiban(1) na maingay hahahahaha natatawa ako. Nag aaral na sya sa youchien(kindergarten).
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree