Ang Kulto at mga Multo (Part 3)

211 1 0
                                    


Simulan natin Kaagad mga ka Spookify ang Karugtong ng Kwento.
Maaga pa lang ay Naghanda kami sa aming Dadalhin sa Isang Beach Resort sa Lanao Del norte. BirthDay kasi ng Mama nina Partner at Buddy at Tina. tinext din yong isa nilang kapatid na nasa iligan city nagttrabaho na c Des asawa siya ni moi. Nag jeep lang kami total marami kami at lahat kami kanya kanyang bitbit sa dalang baon. c Buddy priority talaga niya ang mga Alak di bale na daw maiwan c karla na asawa niya wag lang ang alak. At syempre Hindi talaga mawawala sa amin ang mga pangdepensa para sa mga masasamang nilalang lagi kaming handa ni buddy.
[FastForward]
Pagdating namin sa Beach Resort, wala munang naligo kasi abala kami sa paghahanda ng pagkain, ang mga babae ang nakatoka sa pagawa ng Kilawin at kaming mga Barako boys ang busyng busy sa Inihaw na isda at karne (sinugba) si moi at erwin ang sa karne ako at si buddy sa isda. pero salbahe tong c buddy ako lang pinapapaypay siya kasi nagsimula ng magbukas ng emperador. siya yong ganer namin (tangero). kami lang naliligo non sa beach na yun kaya kami lang maingay dun. Ngunit maya maya pa may biglang umahon sa dagat na isang magandang babae naka Orange Tshirt at Naka underwear lang. Napansin din yun ni buddy, umupo siya malapit sa cottage namin. At panay lingon niya sa kinaroonan namin. itong si buddy panay pa cute ng loko buti nalang at di napapansin ni karla kasi naghihiwa ito ng sahog para sa kilawin. Lumapit si buddy sa akin, "Bayaw Sino kaya kasama niyan? Chics pa naman oh.. sayang andyan si kumander." bulong nito sa akin. Ngumingiti lang ako sa mga pinagsasabi ni buddy sa akin. Napansin pala ni Moi at erwin ang pagbulong ni buddy sa akin. "Itong Dalawang to anu na naman kaya naisip na kalokohan nito.?" sabi ni erwin kay moi. "Hindi niyo ba nakikita yang nasa Katabi nating Cottage..?" turo ni buddy sa kinaroroonan ng babae. Ngunit Nagtaka na ako dahil Hindi nakikita nina moi at erwin. Narinig pala nila karla ang pinagUusapan namin, "Para naman kayong Hindi nasanay kay Buddy, eh Umandar na naman pagka lokoloko niyan." sigaw ni karla at nagtatawanan ang lahat. Pero kami ni buddy nagtinginan nalang, alam namin na may babae talagang naka upo sa kabilang cottage. Hinayaan nalang namin ni buddy Total Hindi na kami naninibago na nakakakita talga kami ng mga lamang lupa at mga kaluluwa. maya maya pa ay tumayo yong Babae at papalapit sa akin kaya Hinayaan ko lang akala ko titigil siya harap ko pero Dinaanan niya ako at tumagos siya sa akin. Nanlamig ang pakiramdam ko non, Nakita ni buddy yon. "Bakit ikaw dinaanan niya..? Dapat ako din.." biro ni buddy sa akin. "Para akong lalagnatin buddy..nilalamig ako." pabulong ko na sinabi kay buddy. Tiningnan namin ni buddy yong mysteryosang babae. May itinuturo siya sa Dagat, "aba iba na yan bayaw baka lulunorin niya tayo." Sabi ni buddy. "Moi, pakitingnan mo muna tong inihaw namin ni buddy ha ? Ligo muna ako Para kasi akong lalagnatin eh." (yong dagat ay pwede ka maligo kung pakiramdam mong lalagnatin ka, gamot yan para mapalabas yong pawis mo). Agad akong pumunta sa dagat at nagtampisaw sumunod sa akin si buddy. Yong Babae naman nawawala kaya Palingon lingon kami ni buddy kung nasan ito. Dahil di namin ito mahanap hanap, patuloy kami sa pagliligo. Lumalangoy ako non ng biglang may nasagi ako, akala ko si buddy pero nagulat ako sa aking natuklasan. isang katawan na lumulutang sa tubig na hindi gumagalaw. kaya tinawag ko si buddy kaagad, "Oi..Anu yan Sirena?" talaga tong c buddy umiral ang pagka loko. "Patay yata buddy, tulongan mo ako hilahin papuntang gilid." at hinila namin ni buddy ang katawan na wala ng Buhay sa Dalampasigan. Nakita ng mga kasamahan namin ang hila hila namin ni buddy, kaya napatakbo sila lahat sa amin. Yong nakita naming Mysteryosang Babae kanina na naka orange tshirt at naka Underwear lang Siya ang Bangkay na nakita namin na palutang lutang. Lumubo na ang tyan nito tingin namin 24Hours na nalunod ito. kaya tinawag namin ang may ari ng beach resort at sila na rin ang tumawag ng mga pulis at Soco. At dahil wala namang Sugat sa katawan nito Sadyang nalunod talaga ito. Halos 1hour bago dumating ang mga kaanak nito at sinabi nila na kahapon pa daw talaga ito nawawala at dun pa daw ito nawala sa ibang Barangay na resort, May sakit daw talaga itong epilepsy. at ayon sa narinig naming kwento ng kaanak na dumating. Marami daw sila nakasakay sa isang salbabida ng bigla daw itong tumaob dahil sa malaking alon na humampas sa kanila. Tumingin tingin ako sa paligid at nakita ko ulit ang kaluluwa nong babae. Maganda pala talaga siya Ngumiti lang ito, pero pag tinitingnan mo yong totoong katawan niya. iba na ang hitsura parang Hindi na siya, siguro dahil sa lumubo na ang katawan niya. Nagpasalamat yong pamilya nong babae sa amin dahil sa kami daw ang nakakita ng katawan nito. Pero Hindi ako masaya dahil Hindi naman talaga dapat ikatuwa ang sitwasion na yun. at kahit sino gagawin din yong ginawa namin ma ahon ang bangkay na nalunod.
[fastForward]
Hapon na kami naka uwi ng bahay at Usap usapan pa rin nila yong nangyari kanina mga Related cases na about sa nalulunod. Continue kami sa inuman pagdating ng Bahay, pati sina partner nag inoman din sa sala kami sa labas lang ng bahay. Dumating yong pinsan nina buddy, si Phil (pinsan nina buddy sa ama, magkapatid ang mga ama nila. puro patay na rin). sumali sa inuman namin ito, nong una wala namang Problema ngunit madali pala itong malasing at iba malasing ang pinsan nila. Tumatalo ng kasama at nakikipag debate at laging nambabara kung sino yong magsasalita, ngunit may napuna ako sa salita niya "Alam niyo mga Puting Tupa, Masyado kayong Paki alamero Noon pa man." Napatingin kami pareho ni buddy sa isat isa. Alam kong naghinala rin si buddy sa pinsan niya. "anu yong puting tupa na sinasabi mo pre?" Tanong ni erwin kay phil. "Wala kayong alam Dahil sila lang ang tinutukoy ko..!" sabay turo ni phil sa amin dalawa ni buddy na naka upo lang sa harap niya, yong lamisa nasa gitna namin at yong mga bote ng alak at pulutan. "Lasing ka na insan kung anu anu na pinagsasabi mo, Hindi kami puting Tupa. mga Red Horse kami..!!" Humalakhak sina erwin at moi sa Sinagot ni buddy sa pinsan niya. Kahit ako na seryoso na nakikiramdam at malalim ang iniisip tungkol kay phil, napahalakhak ako ng tawa. Lumabas c mama non dahil narinig niya na parang konti nalang ay mag aaway away na. Tumataas na rin kasi ang mga boses namin dahil kay phil. kaya pinauwi siya ni mama para iwas gulo. Pero ang sumunod na eksena ay Hindi namin nagustohan. "Humanda kayo Dahil iisa isahin ko kayo.. Babalikan ko kayo tandaan niyo yan. lalo na ang pinagmamalaki niyong mga puting tupa..!!" Pasigaw na sinasabi ni phil habang tinuturo kaming lahat. yung mga kapitbahay na nakarinig lumabas din kasi agaw pansin talaga ginawa nitong pagsisigaw. Nong mawala na ito Hindi napigilan ni Buddy na suntokin ang Puno ng Guyabano na nasa labas ng bahay. Sobrang lakas kaya sinaway siya ni karla na tumigil dahil sinasaktan niya sarili niya. agad naman itong nakinig at pumasok sa loob, kami nina erwin at moi ang nasa labas at patuloy sa pag inom. Tinatanong nila ako Tungkol sa Sinabi ni phil na bakit kami tinatawag na Puting Tupa ni phil naaalala din pala nila na minsan na may tumawag sa amin nito Yong Dating Binatilyo na parang sira ulo na pumasok sa bahay.(naalala niyo pa ba yun sa dati kong kwento?). Nahirapan akong sagutin sila moi at erwin Gustohin ko man sabihin ang katotohanan sa kanila pero baka Hindi rin sila maniwala kaya sinabi ko nalang din yung sinagot ni buddy "Hindi ko alam kung anu yong puting tupa Ang alam ko pulang kabayo lang talaga..red horse lang.." natawa sila sa sinagot ko, lakas manghawa ng utak tong c buddy kasi.
Abangan muli ang mangyayari Dahil sa pinsan nilang si phil na May binabalak sa aming lahat. Isa kaya siyang Satanismo din? Malalaman niyo na sa Pagpapatuloy nitong kwento.
Silent Rasta
Ps: pasensiya sa mga Readers kung Hindi ako nagpapakilala sa inyo ng personal, kailangan ko muna itago ang aking tunay na katauhan, para na rin sa aming siguridad. Tanging Admin lang ang nakakaAlam kung sino ako, Salamat admin.  

Scary Stories 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon