Mahalaga sakin ang kalamansi. Masustansya at nakapang aalis umay. Di rin ako naalis ng bahay na walang kalamansing dala, kahit isa man lang. Maging sa basong aking pag iinuman ako'y pihikan, gusto ko babasagin lamang, ayoko ng plastic. Bakit? Ganto kasi yun kaibigan.Probinsya, expected mo fiesta diba? Laging ganon lalo pagpatak ng buwan ng April hanggang May, mananawa ka sa karne. Si Butch, inaya kami nila Kulas na pumuntang fiesta sa Brgy *toot*. Ayokong banggitin pangalan, mahirap na. Basta malayo sya sa town proper, malayong malayo. Dahil sa wala naman akong ginagawa, sumama ako. Tawanan kami sa daan, kasi nga anlayo. Kahit kumain kami ng pagkarami rami, matatagtag rin pag uwi namin, lubak kasi yung daan saka malayo nga.
Pagdating namin, pinakain na kami nung tropa namin. Naka ugalian ko na, pag kumakain ako sa ibang bahay, uunahin kong uminom ng tubig. Pipili ako ng babasagin na baso o kaya cup. Ipapailalim ko yung isang kamay ko don, saka ipipihit ko pakaliwa pakanan yung baso. Pag nabasag kasi, ibig sabihin may lason. Hindi ko na kasi matandaan kung sa kanan ba o kaliwa, kaya both ways ko ginagawa. Turo sakin ni Roger, ganon kasi sya. Nakaugalian na rin nya, turo naman sa kanya ng lolo nya sa probinsya nila, ang probinsya nya somewhere in Mindanao. Hindi naman nabasag. Isa pa tropa namin yung nag imbita, pero kasi nakasanayan ko na nga, mismong sa bahay namin ganon ako.
Pagkatapos kumain, pumunta kaming basketball court sa barangay nila, may sayawan, party party. Tawa kami ng tawa nila Kulas kay Butch kasi may isinasayaw syang babae, masyadong maarte, parang diring diri sa tropa namin. Nung natapos, naglakad kami pauwi sa kanila. Maliit lang yung baryo, magkakakilala mga tao. Fiesta pa man din, kaya halos lahat ng dayo gusto nila kumain sa bawat bahay. Nakangiti kaming tumatanggi pero may isang matandang babae yung mapilit, kahit yung tropa naming taga ron hindi makatanggi. Kaya sabi ni Butch pagbigyan kasi nakakahiya naman.
Yung bahay non nasa gitna ng bukid. Halatang bago pa yung bahay at di pa tapos kasi wala pang palitada. May mga tanim na kalamansi don sa may papasok, may dalawang bahay pang mararaanan bago yung bahay non. Natuwa ako don sa mga kalamansi kasi ang lalaki. Namitas ako ng apat, tig iisa kami. Nauuna yung matanda, ang bilis nya nga maglakad. Binigay ko isa isa sa kanila yung kalamansi.
"Bakit to?" Si Butch.
"Baka karne ng tao yung ipakain satin. Just in case lang" Biro ko. Di ko alam na magkakatotoo pala, nagdilang anghel ako, wew.
Turo din yon sakin nung naging kaibigan ko sa manila. Pero mas nakasanayan ko yung sa may baso. Kwentuhan kami habang nasa daan. Yung tropa namin, si Jebon, sabi nya yung matanda nagtitinda raw yun ng bagoong sa may bayan. Matagal na raw, kasing edad ng lola nya. Yung lola nya buhay pa naman, pero bed ridden na. Kaya naamaze kami kay lola kasi ang liksi pang kumilos.
Pagkarating don sa kanila, pagkaupo namin sa mesa, tumawag yung mama ni Jebon, tinatanong kung nasaan kami. Hinahainan kami nung anak nung matanda ng pansit. Sinabi ni Jebon na sumaglit lang kami don sa bahay ng matanda. Hinintay kong maghain sila ng tubig, habang ginagawa ko yung routine ko, pansin ko nakatingin sakin yung anak. Nung naubos yung pansit, manok tyaka kikiam sahog. Sunod naman kanin tyaka sisig. Tumatanggi na kami non, kahit ang sarap tignan nung sisig. Kaya ang ginawa nung matanda, ibinalot na lang nya yung sisig.
Pagbalik namin kila Jebon, yung ate nya inaya na kaming uminom. Pero si Kulas hindi namin pinainom, sya kasi driver kaya good boy talaga yon. Si Butch inilagay nya yung sisig sa may plato. Ako naman, naghanap akong sili saka tiniris ko saka yung kalamansi ko, hinati ko saka ko binudbod don. Habang hinahalo ko, parang may nagbago don sa sisig. Naging parang may buhok buhok. Pinagalitan ko pa si Butch non kasi baka buhok nya kasi maiikli, di naman pwedeng akin kasi mahaba buhok ko.
Nung si Kulas na yung naghalo, paisa isa tinatanggal nya yung mga buhok, bigla syang naduwal. Tinanong namin kung bakit. Basta suka lang sya ng suka. Nung tinignan namin yung sisig, kulang na lang dukutin namin mga bituka namin mga bes. Nagkaroon ng kuko ng tao don sa sisig. Kinuha ko pa kay Butch yung kalamansing bigay ko, saka ko binudbod. Mas lalong dumami buhok, dun na sa karne mismo.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree