Sana po mapost tong story ko, mejo mahaba but it's worth to read.
2012, I was 4th yr hs that time and si Felvin (just his nickname) 3rd yr hs naman. That year ako nagkaroon ng first love, nakilala ko sya sa CLAN (Uso pa kase dati yun but I don't know if until now) pero ung CLAN namin e samin lang magkaclassmate, kung baga napasama lang sya kase kaibgan sya nung classmate ko. Then eto na, nagkakilala kami, nagkita, nagkamabutihan hanggang sa naging kami. Sya ang first boyfriend ko, sya ang first love ko, pero babaero sya kaya hindi kami nagtagal.
Before graduation day we decided to be bestfriends, hanggang sa magcollege ako nagkaroon sya ng GF at ako? Wala stay put, okay na ko na kahit wala na kami anjan sya, kahit na masakit dahil bestfriend nya na lang ako. Tiga-cheer pag malungkot sya at tiga-push sa kanya na makipag-ayos pag nagkakaproblema sila. Pero dumating na sa point na nagsawa na talaga siya at tuluyan silang naghiwalay. And he asked me kung pwede ba maging kami ulit dahil mahal nya pa rin daw ako at aaminin kong mahal ko pa rin sya non kase nga first love ko sya. Nagkabalikan kami, hinarap nya mama ko and he promised na aalagaan nya ko at hihintayin grumaduate bago namin gawin yung bagay na pang mag-asawa lang. At ako din pinakilala nya na sa parents nya, sobrang saya ko non dahil first time ko na mameet ang parents nya at ipakilala ako bilang GF nya. Almost perfect na ang lahat pero...
One time magkatext kami and he was about to pick me up sa school then paglabas ko text ako ng text sa kanya kung nasan na sya but he's not replying. Hanggang sa nagalit na ko at nakapagsabi na kung hindi nya ko susunduin, wag nya kong paghintayin. Nasa lobby kami ng mga college friends ko, tawa kami ng tawa nang biglang napatigil ako dahil nakaramdam ako ng kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko pero ininsist ko na pagod lang ako at tinignan ko phone ko pero wala pa rin syang text kaya umuwi na ako.
Habang nakasakay ako sa jeep tinitignan ko bahay nila kase along the highway lang naman bahay nila. Nakita ko lang madilim at umuusok, so nacurious ako pero umasa pa din ako na itetext nya ko. Hanggang sa umabot ang alas-7 wala pa din. Nasa kwarto ako, naalala ko may nakitang malaking alupihan ang pamangkin ko, sobrang laki at ang kulay nya parang apoy. Pinatay ni ate tapos pinapanakot pa sakin so napatakbo ako sa labas at dun kinausap ako nung kapitbahay namin na batchmate ni Felvin. Tinanong nya ko kung bakit nasa bahay lang ako, sabi ko kakauwi ko lang galing school. Tapos dun na sya nagtaka. Bakit daw wala ako sa ospital? Sabi ko bakit naman ako pupunta dun? Sabi nya naospital si Felvin, sumingaw ang gas nila then nagspark tapos nagkasunog. t
Nasa CR si Felvin naliligo nung time na yun, e magkatabi lang ung CR at kusina nila. Actually makakaligtas pa sya nun but he chose to burn himself masara lang ung tangke ng gas nila para wala ng madamay na iba. Sabi ng tito nya he was taking a bath that time dahil susunduin ako but the tragedy happened. 3rd degree burn, 95% of his body was already burned. Sobrang natulala ako that time, hindi ko alam gagawin ko. Biglang na lang tumulo luha ko then biglang tumunog ang phone ko. Late receiver ako, lahat ng messages nya nagdatingan 'Love, ligo lang ako tapos susunduin na kita', 'I love you, mahal na mahal kita'....
Habang papunta ako sa ospital umiiyak ako, tapos pnpilit q pakalmahin sarili ko dahil ayoko nakikita nya kong umiiyak dahil ayun ang pinakaayaw nya kahit sipon ko (sinus) na pinapaiyak mata ko ngglit sya kase pnpaiyak ako , kaya nung nakita ko syang ganon sobrang sakit pero pnplit ko magSmile para sknya, hndi man sya nkakapagsalita pero ramdam ko masaya sya nung nagkita kami...
After that day nakatanggap ako ng balita, Wala na sya, patay na yung lalaking unang minahal ko. Sobrang umiyak ko, as in hagulhol pero pinapakalma ako ni mama pero hindi ko mapigilan. Binuksan ko PC ko at nagbasa ng mga comments sa FB na pamamaalam sa kanya, dun ako mas lumuha ng sobra sa bawat basa ko. As in pati pawis ko lumalabas na. Biglang namatay PC ko ng hindi ko alam kung bakit, tinignan ko saksakan, hindi naman nakabunot. Napatigil ako sa pag-iyak tapos nahulog yung rose na nasa altar, pinulot ko. Inisip ko sya nagbigay nun at tumayo ako. Ang lamig ng pakiramdam ko, natuyo ang luha ko at ang pawis ko. Naramdaman ko ang lamig na yumapos sakin. Biglang pumasok sa isip ko na ayaw nya nga pala kong nakikitang umiiyak kaya kinausap ko sya na pinapalaya ko na sya, na tanggap ko na. Then bglang na-open ang PC ko at uminit ulit ang paligid ko, dumeretso ako ng kwarto at niyakap ako ni mama.
Before the burial sabi ko sa kanya pakita naman sya sakin pero naisip ko alam nyang takot ako sa mga spirits. Sabi ko okay lang sakin basta sya, pero hindi pa din sya nagpapakita hanggang nilibing na sya.
Thanks po sa mga nagbasa.
Jane
BINABASA MO ANG
Scary Stories 1
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree