🏰MINA🏰
Nagpeprepare na kami dahil ngayon kami magdidinner sa bahay ng Lola nila Sean. Hinihintay na lang namin sina Tita Sarah and Ate Shane na makapagbihis, kararating lang kasi nila galing sa ospital. Kami lang ni Mommy, Kuya, Ate Shane, Sean and Tita Sarah ang pupunta. Galit pa rin kasi sa akin si Daddy at si Tito Raymond naman nagbabantay kay Lolo Arnold. Stable naman na siya at nagpapagaling na lang sa hospital.
"Mina," tawag sa akin ni Mommy. Nakaupo kami sa couch tatlo nila Kuya. Si Sean naglalaro pa rin ng online games.
"Po?"
"Kailan ang kasal?"
"Hindi ko pa alam, tatanong ko na lang po."
"Okay," ngumiti siya sa akin at bumaling kay Kuya. Mabuti na lang dumating sila Mommy at dinalhan ako ng damit dahil hindi pa kami nakakabili. Tinatamad kasi si Sean umalis dahil maulan.
"Let's go," yaya ni Tita Sarah. Kasunod na niyang bumaba si Ate Shane na panay ang irap sa akin kanina pa.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagagalit sa akin, samantalang dati naman gustong-gusto niya ako para kay Sean.
Tumayo na kami nila Mama, lumapit ako kay Sean dahil mukhang hindi niya narinig. "Baby tara na," tinapik ko ang balikat niya.
"Wait lang," sabi niya. "Matatapos na 'to..."
"Sean," tawag ni Tita Sarah sa kaniya. "Make it faster."
"Oo nga! Wait nga lang!"
Nagkatinginan na lang kaming lahat. Naupo ako sa tabi niya at pinanood ang ginagawa niya sa phone.
Hindi ko maintindihan...
"Sean!" Umangat ang balikat ko sa sobrang gulat dahil sumigaw si Ate Shane. "'Yan ba? 'Yan ba ang mag-aasawa? Inuuna pa ang paglalaro kaysa asikasuhin ang pamilya ng mapapang-asawa niya? Sean grow up!"
"Shut the f*ck up Shane," sabi ni Sean.
"Sean let's go na," inis na sabi ni Tita. "They're waiting for us."
"Bwiset!" Padabog siyang tumayo at halos basagin na ang screen ng i-quit niya ang game. Nauna siyang lumabas ng pinto bago kami sumunod.
"Ganiyan talaga 'yan," nakangiting sabi ni Tita kay Mommy.
"Tsh," inirapan na naman ako ni Ate Shane pero nginitian ko pa rin siya. Kailangan ko siyang pakisamahan dahil kapatid siya ng magiging asawa ko.
Binuksan ko ang pintuan sa unahan dahil doon nakaupo si Sean. "Tabi tayo," sabi ko.
"Doon ka na sa likod," sabi niya nagcecellphone pa rin. "Ayoko ng masikip, maluwag naman do'n eh."
"Sige," sinara ko na 'yon at pumasok sa loob. Magkatabi sina Ate Shane at Tita Sarah tapos kami nila Mama nandito sa likod. Tumabi ako sa kaniya tapos si Kuya nasa tapat namin.
Sobrang tahimik sa biyahe dahil nahihiya naman kaming mag-usap nila Mommy. Sila Tita Sarah kasi tulog sa biyahe baka puyat kababantay kay Lolo. Si Sean mukhang may kausap sa phone dahil naririnig ko siyang nagsasalita at tumatawa paminsan-minsan.
Sino kayang kausap niya?
Sina Ace siguro...
Nakatanaw ako sa labas ng Rockhill, dito yata nakatira ang parents ni Tita Sarah. Itinatawag pa kasi kami sa may-ari ng bahay. Maya-maya pa ay umandar na ulit ang van papasok sa loob.
"Mom we're here na." Ginising na ni Ate Shane si Tita.
Nakita kong umayos siya ng upo at inilabas ang kit para magretouch. Gano'n din ang ginawa ko dahil nakakahiya namang humarap do'n ng haggard.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...