Chapter 16: ACQUAINTANCE PARTY 5

216 26 4
                                    

🏰LUKE🏰

Sinuotan ako ng sash ni Dean. Ipinatong niya rin ang korona na panlalaki. Inabutan ako ng certificate at kinamayan.

"Congratulations hijo. Gandang lalaki talaga."

"Thank you po."

"Regards sa parents mo ha? And sa lolo mo rin sabihin mo sa kaniya inuman ulit kami sa susunod ha?"

"Yes po."

Magkaibigan si Dean at si Lolo mula pagkabata. Magtotropa 'yan sila Lolo, Dean at si King Henry. Kaso dahil sa kani-kanilang trabaho hindi na sila nagkakasama ng matagal. Magkita-kita man sila saglit lang. Abala si Dean dito sa school at sa mga business niya. Si Lolo at King Henry naman sa palasyo.

Umabot rin ang pagkakaibigan nila sa mga anak nila. 'Yung anak ni Dean, si Daddy at 'yung dalawang anak ni King Henry pero ngayon isa na lang dahil namatay na 'yung panganay na anak ni King Henry. Siya ang dapat na papalit sa puwesto ng kasalukuyang hari ngayon.

At pati kaming mga apo naimpluwensiyahan din. Magkakaibigan din kami, si Guione at Matthew lang ang nadagdag. Lima talaga kaming magtotropa, ako, si Guione, Matthew, si Marco na apo ni King Henry sa bunso niya at si Sean, apo ni Dean.

Wala na 'yang g*gong 'yan dito sa School, nasipa na. Akala niya siguro papaboran siya hindi porket apo siya ni Dean.

"Oh where's the queen?" Lumapit si Dean kay Jill na hindi rin malaman ang isasagot. "Hindi niya ba narinig ang pangalan niya?"

"Hindi ko alam Dean," ani Jill.

"I-announce mo ulit."

"Sige po Dean." Maglalakad na sana si Jill papunta sa Microphone para mag-announce ng biglang dumating si Mrs. Gracia.

Nag-uusap sila at hindi ko marinig kung ano-ang pinag-uusapan nila.

Lumapit ulit si Jill sa Mic. "Again, our King of the Night Mr. Xander Luke Alcantara." Nagpalakpakan ang lahat.

Binigyan ko si Jill ng makahulugang tingin. Dapat baba na ang nanalo papunta sa gitna para magsayaw. Gan'yan ang ginagawa namin.

"Sino isasayaw ko?" Tanong ko kay Jill.

"Oh crap!" Nasapo niya ang ulo niya at bumaling sa moderator ng KUSC. "Pili ka na lang daw," aniya. Sinenyasan niya ako na maglakad na sa carpet.

Nasaan ba si Audrey?

Naglakad ako papunta sa table namin. Wala naman akong ibang dapat yayain kundi si Bridgette pero hindi pa ako nakakalapit tumayo na siya at umalis. Dire-diretso pa rin akong naglakad, mabuti na lang nandoon ang adviser ko at siya ang niyaya ko.

Nagpunta kami sa gitna at doon kami nagsayaw. Nilibot ko ang mata ko nakita ko ang table nila Audrey. Kulang na sila roon, wala siya. Hindi ko alam kung sino ang iba pang wala pero may kulang sa kanila dahil bakante ang ilang upuan.

Anong silbi ng pagiging hari ko kung in-Indian naman ako ng reyna ko?

Ayos ka Audrey ah, tinatakbuhan mo na ako ngayon ah. Kapag nakita kita jojombagan talaga kita!

Sayaw na naging bato pa!

Inakay ko na si Ma'am pabalik sa upuan niya, nananakit na raw ang likod niya. Tinatanong pa nga ako kung bakit siya raw ang isinayaw ko nasaan daw ba 'yung nanalo.Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nagkibit balikat na lang ako nang sandaling tanungin niya ako.

"Luke papicture!"

Isa-isa ng naglapitan ang mga estudyante. 'Yung iba niyaya pa ako sa photobooth.

"Paarbor muna ako ng tropa ko!" Sigaw ni Guione habang pinipigilang makalapit 'yung ibang babae. "Tara," yaya niya.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon