🏰GLYDEL🏰
Nakatanga lang kami habang pinagmamasdan ang gulat na gulat na bakla sa harap namin.
"Glydel!" Sigaw niya. Nagmadaling lumapit sa akin at yumakap. Nagtatalon pa habang nakayakap sa akin. Bumitaw siya at humarap sa akin. Hinawakan ang mukha ko at pinaling pakaliwa at pakanan. Tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Bakit parang hindi ka tumanda? Aswang ka ba talaga?"
"Sino ka ba?!" Inis kong tanong.
"Hala siya... Hindi mo na ako natatandaan?"
"Tatanungin ba kita? Ungas ka!"
"Same old Glydel kaloka! Ano bang skincare mo?" Hinawakan niya ulit ang mukha ko at pinaling kung saan-saan. "Bakit parang ikaw pa rin 'yung dati?"
"Sino ka nga muna?!" Inis kong tanong. Kung makatanong kasi akala mo close kami eh, pero parang namumukaan ko na siya. "Saglit nga lang." Hinawakan ko ang mukha niya at pinaling pataas, baba, kanan at kaliwa. "Eugene?!"
"Yes!"
"Teka!" Sigaw ni Ate. "Ikaw na si Eugene?" Tinignan niya siya Eugene mula ulo hanggang paa. Nagkatinginan pa kami ni Eugene at sabay na natawa. Wala talagang nakakaalam ng totoong siya maliban sa akin.
"Ang galing pala talaga nating umarte no?" Inakbayan ako ni Eugene katulad ng dati. Siya yata ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan, na bigla na lang naglaho na parang bula. Sabay pa kaming nagtraining sa kampo pero hindi niya rin natapos.
"Pati pala si Ate hindi niya napansin?" Magkasabay ulit kaming natawa.
Si Eugene ay dakilang bully noon sa Camp Bridge. Nang nagtransfer ako ro'n, binubully niya ako. Ang hindi niya alam, may sa demonyo rin ako. Akala ng lahat lalaki siya dahil naissue nga noon na nanliligaw siya kay Sarah. Hanggang sa nalaman ko ang sikretong pinakatatago niya, isa siyang sirena. Ginamit ko ang pagkakataong 'yon para takutin siya. Nagpanggap kaming magshota para tigilan na ako ng mga nangungulit sa akin.
Alam niyo na...
Maganda...
"Eh di ba? Naging kayo niyan ni Glydel?" Gulat na tanong ni Ate.
"Ex-boyfriend mo si Mother Uji Mama?" Gulat ring tanong ni Alex.
Nagkatinginan kami ni Eugene at natawa ulit. Kung hindi lang naglaho 'to na parang bula baka hindi nagbago ang pananaw ko tungkol sa mga kaibigan.
"Matagal ko ng alam na bakla 'yan," sabi ko. "Nagpanggap lang kami noon."
"Tinakot niya kasi ako eh. Hindi naman pwedeng malaman ng madla na beki ako."
"Eh bakit ka nga ba nawala?" Tanong ko kay Eugene. "Hinanap ka namin, nawala ka bigla sa Kampo."
"Nalaman kasi ng Papa na baluktot ako kaya ayun pinalayas ako at pinapull out sa Kampo."
Hindi ko alam kung sino ang pamilya ni Eugene. Ayaw niya kasi magkwento dahil magagalit daw ang kapatid niya 'pag sinabi niya kung sino ang Papa niya.
"Hindi ka naman kasi talaga pwede ro'n," sabi ko. "Ang kampo ay para lang sa matitigas na tulad ko, tulad namin ni Ate."
"Sinabi ko na sa 'yo noon, Glydel. Kaya ako napasok do'n dahil kay Papa. Buong akala niya kasi ay tigasin din ako!"
"Mother Uji ka na pala ngayon ah," nakangising sabi ko. Sinanggi ko siya gamit ang bewang ko. Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Wala na akong problema kahit na dito na tumira si Alex dahil kilala ko naman si Eugene.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...