🏰ALEX🏰
Hinila ako ni Darylle at dinala sa kung saan. Sa inasta niya parang galit siya at hindi ko alam kung bakit gano'n.
"Are you crazy?"
Naningkit ang mga mata ko. Crazy? Ako pa 'yong baliw? Wow!
"Talaga bang hindi ka magsasalita?" Inis niyang tanong, tumingin pa siya ro'n sa pinanggalingan namin para tignan kung may tao.
Ngayon ko lang napansin na nasa dulo na kami, salamin ang gilid kaya tanaw ko ang mga estudyante sa baba.
"Pipi ka ba? Kanina nagsalita ka na ah!"
"Ano ba kasi 'yung sinasabi mo? Tinatanong mo kung baliw ako? Okay ka lang?"
"Para ka naman talagang baliw eh. Wala kang pakialam sa paligid mo. Danica De Vera? Saan mo nakuha 'yon? Pinsan ko 'yon!"
Nagulat ako sa narinig ko pero hindi ko pinahalata. Sa halip, nilabas ko 'yung notebook na maliit at hinagis sa kaniya. Sa sobrang lakas ng paghagis ko, nahawakan niya 'yon pero parang bola lang na tumalbog sa palad niya.
"Bwiset!" Padabog niyang dinampot 'yon. At ng mag-angat siya ng tingin, nando'n na naman 'yung mata niyang nanlalaki.
"Si Gloria nagbigay sa akin n'yan."
"Gloria? Talaga bang hindi ka marunong gumalang?" Binaling niyang muli ang paningin sa notebook na binigay ko. "Bakit hindi mo sabihin sa kanila ang tunay mong pangalan?"
"Nakalimutan ko na ang tunay kong pangalan. Ngayon kung natatandaan mo, eh 'di ikaw magpakilala para sa akin. Masyado kang epal." Tinalikuran ko na siya at hindi ko na pinansin pa. Sinalpak ko ang earphone sa tenga ko at nagselect ng kahit anong kanta.
Isinalampak ko ang bag ko. Lahat sila nakatingin sa akin. Ngayon pa lang nararamdaman ko na ang kaba dahil ang daming tao sa classroom at kahit naka-earphone ako rinig ko pa rin ang bunganga nilang parang rapido kung makatalak.
Walang humpay! Hanep! Hindi ba sila napapagod?
Hindi ako masiyadong sanay sa ingay dahil lumaki ako sa sobrang tahimik na paligid na ultimong huni ng ibon ay hindi ko narinig. Nitong makalabas ako, ro'n ko lang napag-aralan, napag-masdan at napakinggan ang paligid ko.
Naramdaman kong may tumabi sa akin. Sa gilid ng mata ko nakita ko si Darylle. Nakakaloko naman! Nag-away na kami kanina pero sa akin pa rin siya tumabi.
Yumuko ako at ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko na napansin 'yung kanta at hindi ko namalayang naka-idlip pala ako. Nagising lang ako ng yugyugin ako ni Darylle. May sinasabi pa siya sa akin pero hindi ko naman marinig. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko na 'yung teacher namin.
Kailangan naming magpakilala isa-isa. Hindi na ito ang unang beses na nakaencounter ako ng ganito. Napanood ko na 'to dati kaya may idea naman ako, pero hindi ko inaasahan na kakabahan ako ng sobra. Lalo pa't napakaraming tao sa loob ng classroom na 'to. Mahigit 30 kasama na ang teacher namin.
Isa-isa ng nagpakilala ang mga classmates ko. Pinagmamasdan ko lang ang lahat ng ginagawa nila hanggang sa hindi ko namalayan na ako na pala ang kasunod.
Pinagtinginan ako ng lahat kaya naman wala akong choice kung hindi ang tumayo at magpunta sa harapan.
"Good day! I'm Danica De Vera." Pakilala ko. "I'm..."
Ilang taon na nga ba ako?
"Seven... Ay Eighteen years old." Umiling-iling ako dahil muntik na akong magkamali.
"And?" Tanong ng teacher.
"And..."
"Wait, you're Audrey right?" Nagtatakang tanong niya.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...