Chapter 155: MANDIRIGMA

141 12 1
                                    

🏰MARCO🏰

Nandito kami ngayon ni Ate sa Kampo para sa training namin. Isang beses sa isang buwan kami nagpupunta rito, kadalasan unang Sabado ng buwan. Lahat ng mga Bughaw ay dumadaan sa ganitong pagsasanay. Kailangan marunong kaming humawak ng baril, espada at kung anu-ano pa. Dapat matuto kaming protektahan ang sarili namin dahil hindi sa lahat ng oras ay didipahan kami ng mga Royal Guard.

Para 'tong subject namin, Physical Education ang katumbas. At sa kasamaang palad lagi kaming bagsak ng Ate ko. Nakailang ulit na ako sa training na 'to, lalo na si Ate Marga. Tapos na ng kolehiyo pero ang training na 'to ang binabalikan niya. Ang sabi naman sa akin ni Papa ayos lang daw na mahuli ako kasi siya nga raw noon bente anyos na ng makatapos. Si Prinsipe Alejandre, 'yung dating tagapagmana ng trono ang magaling dito sabi ni Papa. Sampung taon pa lang daw siya eh noong makatapos siya. Bukod daw kasi sa husay ng Tito ko ay magaling din ang nagtuturo sa kaniya.

Ang magulang ng napang-asawa niya...

"Focus!" Sigaw ni Santiago. Siya ang humahawak sa amin ni Ate dahil siya ang pinuno ng Kampo ngayon. Inis na inis ako sa matandang 'yan dahil puro siya mando. Gawin niyo 'to, gawin niyo 'yan! Ang pesteng 'yan hindi naman nagtuturo! Nag-uutos pwede pa!

Bwiset talaga...

"Ulit!" Sigaw niya hindi ako maka-Bull's eye. Ngali-ngali kong ibato sa kaniya ang pana na hawak ko eh. Nakasimangot na rin si Ate at halatang tamad na tamad na. "Assist them!" Isa-isa na ulit naglapitan sa amin ang mga Royal Guard. Ipinosisyon nila ang kamay ko na nakaturo sa target.

Hindi naman ako duling pero bakit hindi ako maka-Bull's eye?!

Pesteng buhay na 'to...

Kaya mo yan Prinsipe Marco!

Matalino ka naman minsan eh...

Tinapik-tapik ko ang sarili ko 'tsaka tumango-tango. Inihanda ko na ang kamay ko, hinila ang tali at pilit inasinta ang target. Binitiwan ko ang tali pero hindi man lang umabot sa target!

Lempang eh...

Paleng!

Nakita kong napahilot sa sentido si Madrigal. "What's wrong with you?!" Pagalit niyang sigaw. Wala kaming magagawa ni Ate dahil sa pagkakataong ito, hindi kami Bughaw.

Estudyante kami!

Estudyante na handang matuto kaso tamad magturo ang aming guro!

Nakakapang-init lang ng ulo...

Teka magkatunog ah...

Aba! Matalino na nga yata ako ngayon ah!

Gusto ko 'to, gusto ko 'to...

"Marco!" Umangat ang balikat ko sa sobrang gulat ng tawagin ako ni Ate.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kanina ka pa tinatawag ni Madrigal."

Lumingon ako sa gawi ni Santiago kaya nakita kong ang sama ng tingin niya sa akin. "PAY ATTENTION," galit niyang sambit.

"Umayos ka naman Marco," bulong ni Ate Marga.

"Ikaw din kaya no? Kanina pa tayo rito wala naman nangyayari."

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon