🏰MATTHEW🏰
Hindi ako pwedeng magkamali si Sean talaga 'yung nakita ko. And damn! She's with Mina! Nagpunta ba talaga siya rito para ipamukha 'yon?
Ano nga bang nangyari sa kanila ni Audrey?
Akala ko pa naman hindi niya pababayaan si Audrey...
Mali pala ako...
Mali na naman ako...
Kung alam ko lang...
Kung alam ko lang talaga...
"Mat! Tulala ka na naman." Tinapik ni Guione ang balikat ko at lumambitin sa akin.
"Nandito si Sean," sabi ko.
"Weh? Nasa'n? Nagkausap kayo?"
"No, ako lang ang nakakita sa kaniya."
"Eh si Audrey nakita niya ba?"
"Stop calling her Audrey."
"Okay, Alex na lang."
"Hindi kayo close."
"Eh di Danica! Ang daming arte..."
"I-respeto mo ang desisyon niya Guione. Mabuti na ring hindi sila nagkita dahil siguradong masasaktan lang siya."
"Masasaktan? Imposible, manhid na nga yata 'yon kaya hindi na nakakaramdam eh."
Katatapos lang naming mag-training. Kagagaling lang namin sa CR para jumingle. 'Yung mga babae nagtetraining pa rin dahil inextend ni Coach Limer ang sa kanila dahil late na nga sila kung tutuusin. Balak pa ni Coach na pagtraining-in sila every Saturday pero depende pa kung i-aapprove ng Dean.
Bumalik kami sa bench. Nakaupo kaming lahat habang pinapanood sila Alex na magtraining.
"May kapareho maglaro ang batang 'yan," ani Coach Limer habang nakatingin kay Alex.
"Si Danica Coach?" Tanong ni JC.
"Hmm," tumango si Coach. "May kayabangan siya."
Si Sean ba ang tinutukoy niya?
"Parang lalaki nga kumilos eh. Nakakapanibago kasi hindi naman siya ganiyan dati," sabat ni Rafael. "Babaeng-babae siya noon tapos ngayon? Ewan..."
"People change," sabat ko. "Normal lang ang magbago lalo na kung may reason naman."
"Pero ibang-iba na nga siya ngayon," dagdag pa ni Samuel.
"Nag-aral na po ba siya rito?" Tanong ni Jason. "Kasi naririnig ko rin sa mga classmates ko na may kamukha nga raw po siya."
"Meron nga," ani Luke. "Labas ka na ro'n... Bawal magkwento about do'n."
"Ampalaya," ani JC. Sinundot niya pa 'yung pisngi ni Luke. "Kaya pala ang pait."
"Shut up..."
"Tama na boys," saway ni Coach. "'Wag pag-usapan ang ganiyan." Umayos siya ng upo. "Girls that's enough. Come here..." Lumapit na ang ibang janitor para ligpitin ang mga ginamit ng players.
"Coach ikaw din, naaamoy kita. Ang pait mo rin."
"JC ang daldal mo talaga," ani Coach. Naupo sila Alex sa harap namin. Nasa bandang taas kasi kami kaya may space pa sa baba.
"Bakit hindi ka na nag-asawa? Wala ka bang girlfriend Coach?" Nakangiting tanong ni JC. Siya ang pinakamadaldal sa amin kahit walang ng nakikinig sa kaniya putak pa rin ng putak.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...