🏰MATTHEW🏰
Kagagaling ko lang sa canteen. Tinake out ko na lang muna 'yung pagkain kasi hindi niya maiwan-iwan 'tong ginagawa niya. Sobrang hard working niya and dedicated na rin. Kapag may gusto siya, hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha o nagagagawa.
'Yon ang napansin ko...
"Kain na," yaya ko. Alam kong si Darylle ang kausap niya.
"Subuan mo ako," nakangusong sabi niya. Nagpacute pa sa harap ko. Busy pa rin kami sa pagdidikit nitong mga diyaryo't mga papel. "Kailangan ko kasing tapusin 'to eh."
"Sige, tuloy mo lang 'yan tapos susubuan na lang kita."
"Pakibantayan din 'yung cellphone ko kasi tatawag daw si Mamaw," bilin niya.
"Mamaw?" Takang tanong ko.
"Ang Mama ko, Mamaw ang tawag ko."
"Si Tita Glydel?"
"Yes! Yes! Yow!"
Natawa na naman ako dahil sa kaniya. Para kasi siyang baby na nasa katawan ng isang magandang dalaga na medyo lalaki pumorma. Kanina pa ako tawa ng tawa habang pinagmamasdan ang kilos niya. Nagpapatugtog pa nga siya tapos sinasabayan niya, kaya narinig ko na naman 'yung boses niya.
Maganda pa rin...
Pero ayaw niyang pinaparinig sa iba...
Sa akin lang yata...
Tumuntong na ulit siya sa bangko at pinagpatuloy ang pagdidikit ng papel sa bandang taas. Nakashirt lang siya, tapos 'yung jogging pants niya nakatupi hanggang tuhod. Nakatsinelas lang din siya kahit bawal. Slides pa 'yung tsinelas niya at panlalaki pa.
"Here comes the airplane," sabi ko habang dala ang kutsara na may lamang pagkain.
"Ah," ngumanga siya ng pagkalaki-laki.
"Yah," sabi ko ng maisubo ko na sa kaniya. "One more?"
"Bakit one lang? Dapat marami pa!"
"Marami pa nga," sabi ko sabay tawa. "Wait," lumapit ako sa kinauupuan ko at kinuha ang plato. Lumapit ako sa kaniya para hindi na ako mahirapan.
"Wait lang," sabi niya sabay nguya at dikit ng papel. "Wala na tayong papel." Ngumuso na naman siya at bumusangot. "Kailangan ko na si Mamaw."
"Bakit ba pupunta rito si Tita?" Ngumanga na ulit siya kaya sinubuan ko na. Ang cute niya ngumuya.
"Nanghingi ako ng diyaryo," sagot niya. "Marami 'yung diyaryo eh at lahat 'yon pangit. So~brang pangit!"
"Another airplane," sabi ko. "Ah," ngumanga rin ako habang sinusubuan siya. "More?"
"Yes! Yes! Yow!"
Napangiti ako dahil ibang-iba na ang mood niya ngayon kumpara kanina. Hindi siya umiimik kanina pero dumaldal din naman. Ang ganda na rin ng gawa nila or namin kasi katulong ako. Nalingunan ko 'yung wall clock, malapit ng magtime.
Bakit kasi may training pa?
Gusto ko pa siyang kasama...
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...