Chapter 164: BUNSO

148 8 1
                                    

🏰ALEX🏰

Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ko si Mamaw na nakasuot ng hospital gown na kapareho ng sa akin. May benda na rin siya sa ulo gaya ko. Ang sabi ng doktor hindi naman daw gano'n kalaki ang sugat namin sa ulo, sadyang marami lang daw talagang dugo sa ulo kaya mukhang malaki ang sugat kung titignan.

Yakang-yaka...

Malayo sa bituka...

"Mamaw ang cute natin," nakangiting sabi ko. Nakaupo lang kasi siya sa sala habang nagbabasa ng pangit na diyaryo.

"Siyempre, may sugat ka sa ulo kaya dapat ako rin." Ibinaba niya diyaryo at sinulyapan ako. Nakaupo na sila nila Papa sa sofa. Tapos na rin kaming kumain dahil sinubuan ako ni Mamaw tapos si Papa naman sinabuan si Mamaw.

Ang galing namin 'di ba?

"Mamaw magpicture tayo," sabi ko.

"Tsh," inirapan kami ni Tita Gloria. May kapehan na nga siya tapos hanggang dito nagkakape pa rin. "Kung 'di ko lang kayo kilala iisipin ko talagang mag-ina kayong dalawa. Ang lakas ng toyo niyo."

"Ganiyan talaga," ani Papa Mamba. "Parang hindi mo naman kami kilala. Alagang Taipan at Krait yata 'to."

"Speaking of Krait," umayos ng upo si Tita Gloria. "Alam niya ba na wala kang asawa Tonton? Baka umaasa 'yon na sandamukal na ang anak mo."

"'Wag na natin 'yung problemahin," sagot ni Tito. "Hindi naman na kami magkikita non panigurado. Baka nga hindi na ako kilala non dahil hindi naman na ako importante."

"Sino si Taipan? Sino si Krait?" Tanong ko. Ngayon ko lang kasi narinig 'yon, pati 'yung Cobra hindi ko rin kilala.

"Wala 'yon," tumayo na si Mamaw. "Hindi importante 'yon kaya 'wag mong tandaan."

"Ipaparehistro ba natin si Python kay Taipan?" Tanong ni Papa Viper. Rehistro? Parang lalo tuloy akong nacurious. "Hindi pa nakikita nila Taipan si ReiRei pero sa palagay ko naman ay papasa siya. Baka may kapangalan 'yon."

"Sa palagay ko naman ay wala," ani Papa. "Kaya nga 'yon ang pinangalan ko dahil hindi ko pa 'yon naririnig kay Taipan."

"Papa ilan ba kayong mga ahas?" Sana maski ayan sagutin nila.

"Marami anak," aniya.

"Sobrang dami?"

"Maraming-marami..."

"Kulang ang daliri ko?" Pinakita ko sa kaniya ang sampu kong daliri sa kamay.

"Kahit isama mo pa ang daliri mo sa paa at ang mga daliri namin, hindi 'yon sasapat. Gano'n kami karami anak."

"Nasaan ang iba?"

"Nagkandawala na ang iba," sabat ni Mamaw. "Mula ng magbitiw si Taipan. Nagkawatak-watak na kami."

"Sino ba kasi si Taipan?!" Inis kong tanong. Kahit anong sabihin nila hindi ko talaga maiintindihan.

"Hindi nga 'yon importante."

Inis kong pinagkrus ang bisig ko at kinunot ang noo. "Ikaw? Tita kong pangit? Ahas ka rin ba?"

"Hindi," mabilis niyang sagot.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon