🏰LUKE🏰
Sa totoo lang medyo natuwa ako ng malaman kong si Darylle pala ang tinatarget nitong si Vasquez. Kawawa naman, sinumbong ko pa siya kay Coach Limer. Baka awayin niya ako dahil napakialaman ko ang love life niya. Dumidiskarte pala ang loko...
'Yung kay Matthew? Hindi ko alam kung totoo ba 'yun? Parang hindi na ewan. Pero hindi naman kasi sasabihin ni Danica 'yon kung wala siyang napapansin 'di ba?
Sana nga...
Okay na eh, tuwang-tuwa na ako dahil ang kulit niya na naman kanina. Wala akong ibang ginawa kung hindi tumawa dahil panay ang nguso niya. Inaabangan namin na sumayaw siya pero wala talaga!
Pero may tanong na naman ako...
Sino si Boa?!
CS ba nila 'yon ng Coach nila?!
Hindi naman siguro no?!
Pero sino ba kasi 'yon? Kilig na kilig siya kanina ng sumagot siya. Naiinis ako dahil hindi niya man lang ako napapansin. Kanina ko pa siya tinitignan tapos sa kaniya wala lang. 'Yung iba napapansin niyang may gusto sa mga kaibigan niya pero bakit ako hindi niya napapansin na gusto ko siya?
Unfair...
Galit pa rin siya sa akin. Naiintindihan ko naman 'yon dahil alam kong masasakit talaga 'yung salitang binitawan ko. Gusto ko na ngang mag-sorry pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko siya malapitan dahil laging may nakabuntot sa kaniya.
Kidnapin ko kaya...
Kaso baka manlaban...
Hehehe...
Tuwang-tuwa talaga ako sa kaniya kanina. Nakalimutan ko ngang may nilalandi pala siya. Nakakainis talaga! Sa ngayon, tahimik pa dahil absent 'yung Coach nila pero pagbalik non sigurado iingay na naman.
Bakit ba kasi pumatol siya ro'n?
Kaso minsan naiisip ko rin 'yung Eric, ang sabi niya hindi niya raw 'yon boyfriend pero sinusundo siya. Hindi kaya, namimisinterpret lang namin? What if? Magkapitbahay lang sila kaya sabay silang umuwi?
Pero sabay silang kumain eh!
"Luke!" Tumaas ang balikat ko sa sobrang gulat. "Ano? Akala ko ba iihi ka lang? Tumatae ka na yata eh." Kinalabog na ni Guione ang pinto. "Dali! Hindi na natin maaabutan si brader Matthew niyan!"
"Saglit lang," sabi ko. Nakatayo lang kasi ako sa loob at nag-iisip. Binuksan ko na ang pinto at lumabas. Naghugas muna ako ng kamay. Nakita ko si Guione panay ang tingin sa paligid. Pauwi na kasi kami dahil tapos na ang practice namin.
"Ayon na dali," hinila ako kaagad ni Guione. "Brader!" Sigaw niya, lumingon naman kaagad si Matthew sa amin. "Halika rito!"
Tumigil siya sa paglalakad at hinantay kaming makarating. "Bakit?" Tanong niya.
"Magkuwento ka naman," inakbayan siya ni Guione. Nagkatinginan lang kaming dalawa, wala akong sasabihin sa kaniya. "Ano? Nanliligaw ka na pala hindi ka man lang nagsasalita ah."
"May isusuot ka na?" Sa halip na sumagot ay 'yan ang sinabi niya hindi kay Guione, sa akin.
"Saan?" Kunwaring tanong ko kahit alam ko namang sa Birthday ni Sean ang tinutukoy niya.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...