Chapter 52: RUN

177 16 0
                                    

🏰ERIC🏰

Mabilis kong ipinarada ang kotse ko sa parking lot ng school. Kinuha ko ang lahat ng gamit ko at sinukbit 'yon. Naglalakad ako papasok ng makasalubong ko ang mga schoolmates kong babae.

"Hi Eric," kinawayan nila ako. Nginitian ko lang sila.

"Ang gwapo!"

"Ang pogi talaga ni Kuya Eric no?"

Maliit na bagay...

Dumiretso ako sa locker ko at kinuha ang mga gamit na gagamitin ko ngayon. Biglang lumakas ang sigawan ng mga babae. Kahit hindi ko lingunin alam ko na kung sino ang mga 'yon. Nakakairita ang mga babae rito sa Camp Bridge. Wala ibang ginawa kundi ang magtitili.

Ang gusto ko sa babae...

Kahit 'di maganda basta mabait...

Kahit 'di mayaman basta marunong magsikap...

Kahit 'di matalino basta matiyaga...

Sa kasamaang palad, walang ganiyang klaseng babae rito. Lahat puro pagpapaganda ang alam.

"Good Morning Sean!" Bati ng babae pero hindi man lang siya pinansin nito.

"Hi Ace!"

"Hello!"

Buti pa si Ace...

May lumapit kay Ace na babae at pinulupot ang braso sa braso ni Ace. Sumabay sa paglalakad at sinandal ang ulo sa balikat ni Ace.

Babaero...

"Ralph ang gwapo mo!"

"Hi Mico!"

Feeling famous ang mga 'to...

Hindi naman sa pagmamayabang pero kung mukha lang din naman ang pag-uusapan kayang-kaya ko rin namang pataubin ang mga 'yan. Kaso may ilang babae talaga ang mas gusto 'yung nachachallenge sila.

Kaya patok dito si Sean...

Pero may nakikita kaming babaeng maganda na madalas niyang kasama. Taga-KU siya dahil kapareho ng uniform ni Ganda.

Pero mas maganda talaga si Ganda...

Si Ganda ang pinakamagandang babae na nakita ko so far...

At pinakapasaway na rin...

Nasobrahan ang kwento ko kanina kaya nahulaan niya kung sino ang Papa ko. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin kay Papa na alam na ni Alex na ako ang anak niya. Pinapasundan talaga sa akin ni Papa si Alex kaya ako lumipat kina Mother Uji.

May sarili kaming condo. Doon kami nakatira ni Papa. Dapat talaga magpapatayo kami ng bahay pero wala rin namang magtatao kaya ng condo na lang kami. Isang beses lang sa isang buwan umuuwi si Papa minsan nga hindi pa. Ang kotse ko ay galing kay Ate, anak ni Papa sa una niyang nakarelasiyon.

Speaking of Ate...

Tumatawag siya...

"Good Morning Ganda..." Masayang bati ko. "Kamusta?"

"Ikaw kamusta ka? Bakit hindi ka tumatawag?" Tanong niya. Mukhang kagigising lang.

"Okay lang naman ako. Busy ako kaya hindi ako makatawag. Sorry na..."

"Tsh," sigurado ako umiikot na naman ang mata neto. "Nagpadala ako ng pera. Kunin mo ha?"

"Ate..."

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon