Chapter 110: UNCLE SINGLE

163 11 0
                                    

🏰ALEX🏰

Pinanood ko sila hanggang pumasok sila sa loob. Papasok din sana ako kasi panonoorin ko sila kaso nakalock na eh. Gusto ko naman kumatok kaso baka pagalitan ako kaya hindi na lang.

Ang galing nila...

'Yung mga napapanood ko kasi parang peke talaga eh. Sa susunod, panonoorin ko na talaga sila. Binuksan ko ang aircon para lumamig na. Bubuksan ko rin sana ang bintana para mas malamig kaso tinamad ako eh.

Hehehe...

Kinuha ko ang cellphone ko para makita ang oras. Napatakip ako sa bibig ko ng makita kong ang daming missed calls ni Eric. Naku... Baka paglinisin niya ako ng bubong! Gabi na ako uuwi para hindi niya ako paglinisin! Hindi na niya ako mauutakan!

Hinding-hindi...

Natawa ako ng maalala ko ang ginagawa nila Mamaw. Akala ko ba kikindat-kindatan niya lang? Gano'n ba ang tamang pagkindat? Hindi naman ako nainform. Gagawin ko nga rin 'yon...

'Pag kinakailangan!

Tinanghali na ako ng gising at nang makababa ako, nakita ko sila Pañero mga nagkakape. Si Mamaw din nandiyan na pero si Papañero wala pa. As usual nagbabasa na naman si Mamaw ng pangit diyaryo at suot na naman niya ang pangit niyang salamin.

"Good Morning!" Bati ko sa kanila. Naglawakan ang mga ngiti nila ng makita ang kapangitang taglay ko.

"Good Morning din sa pinakacute naming Baby," ani Pañerong Viper. "Payakap naman..." Nagmadali akong lumapit sa kanila at niyakap silang lahat.

"Ikaw ang pinakacute dahil ikaw lang ang Baby namin," sabi ni Pañerong Python sabay tawa.

"Inaasar mo ba ako?" Kunot noong tanong ko. Parang sinasabi niya na pinakacute ako kasi wala namang pagpipilian.

"Hindi ang ibig kong sabihin, ano... ahmm... Ikaw lang ang Baby namin wala ng iba kaya pinakacute ka talaga."

"Nakalusot," bulong ni Pañerong Anaconda. "Anong gusto mong almusal Boss Baby?"

"Almusal? Ahmm..." Tumingin ako sa taas habang abala sa pag-iisip. "Hotdog 'yung color brown."

"'Wag 'yon!" Mabilis na sigaw ni Mamaw. Napapansin ko kanina pa siya tahimik. Tinalo siguro siya ni Papañero kagabi kaya ganiyan siya.

"'Yon ang gusto ko," pagmamatigas ko.

"Hayaan mo na," sabi ni Pañerong Viper. Sinenyasan niya 'yung kasambahay at inutusan na  magluto ng hotdog na brown. "Kung ano ang gusto niya 'yon ang sundin natin dahil siya ang Boss dito eh."

Napalingon kami sa may daanan. Nakita namin si Papañero na naglalakad papunta sa amin. Ang ganda-ganda ng pagkakangiti niya, sumisipol-sipol pa! "Good Morning!"

"Good Morning Papañero," sabi ko. Sinenyasan niya ako na lumapit para yakapin kaya gano'n ang ginawa ko.

"Mukhang maganda ang gising natin ah," sabi ni Pañerong Anaconda. "Ikaw ba ang nanalo?"

"Daig ko pa ang tumama sa lotto," sabi ni Papañero.

"Saan ka ba galing? Anong ginawa mo? Bakit parang ang saya mo naman?" Sunod-sunod na tanong ni Pañerong Viper.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon