Chapter 197: DILIGAN MO

237 8 1
                                    

🏰GLYDEL🏰

Nagkakatuwaan kami nila Ate kahit na hindi kami nag-iinom. 'Yung mga lalaki lang at may lahing lalaki. Nasa lamesa kami na pabilog, katabi ko si Ate sa kanan at ang Bibi ko sa kaliwa. Si Eugene ang kasunod ni Ate, tapos si Morgan, Tonton at si Reiven ang katabi ni Mamba sa kabila.

Si Ate Gloria ang tanggero dahil itong bunso ko ay kinalong ko. Namiss ko kasi siya kanina kaya sinundo ko muna ro'n. Binawi ko muna roon sa kalandian niya. Anak ko naman siya eh, kaya walang problema kahit anong oras ko siya kunin.

Akin siya eh...

Siya lang ang nakakaubos ng pulutan namin. Kanina pa siya ngasab ng ngasab at parang kraser na naman na nagdudurog ng Hi-Ho ang bibig. Tinalian ko rin siya ng pig tail dahil nanggigil na naman ako sa kaniya.

"Oh sino na?" Tanong ni Reiven. Nasa kaniya ang baso at sa bato-batoothpick nila idinaan ang tatagay. Sa kasamaang palad si Tonton ang nakakarami dahil mas madalas siyang matalo kaysa manalo.

"Game na," sabi ng Bibi ko.

"Bato-batoothpick!" Nagsigawan sila dahil si Anaconda lang ang papel at silang lahat ay toothpick na.

"Dinadaya niyo yata ako eh," sabi niya. Napapakamot na sa ulo ang pinsan kong namumula na.

"Last na 'yan ha?" Tinuro ni Ate ang huling bote ng alak na iniinom nila. "Uuwi na ako dahil may pasok si Darlene bukas. Si Eugene din meron daw."

"'Wag ng pumasok," ani Morgan. Nagpatuloy ang maingay nilang tagayan. Nakikitawa lang kami nila Ate dahil naghahampasan na rin sila ng bote ng coke. Wala naman 'yung laman kaya walang problema. Oo masakit 'yan kung 'yung dulo ang tatama, pero kung 'yung katawan eh hindi naman masiyado.

Depende sa pagpalo...

"Anak tama na," saway ko dahil nakakarami na siya. Kung nakalalasing lang ang Hi-Ho, kanina pa tinamaan 'to.

"Mamaw more pa," nginusuan na naman ako.

"Enough na," hinawakan ko na ang kamay niya para hindi na siya makakuha. "Magagalit na si Mamaw. Gusto mo 'yon? Ako? Gusto ko 'yon."

"Ayaw ko non Mamaw."

"Oh dito na," sinandal ko ang mukha niya sa dibdib ko. Ang magaling kong anak kinikiss 'yung isa habang pinipindot naman ang kabila.

Sutil talaga...

Parang ako...

"Mamaw ang soft ng b**bie mo."

"Gaano ka soft?" Fininger comb ko ang buhok niyang kasing gulo ng World War II. Mabuti na lang kahit dudugyot-dugyot ang batang 'to eh ang bango-bango niya.

Amoy lalaki...

"Sobrangsoft, napakasoft, pinakasoft."

Niyakap ko ng mahigpit ang pangit habang tinatapik-tapik ang hita niya. Naalala kong gaganti pala ako kaya pinasarap ko muna ang pagpapaantok sa paslit.

Para makapagdilig ang Bibi ko mamaya...

Tamang-tama may alak...

Sa kaniya ang alak, sa akin ang balak!

"Relon-relon sinta. Buto at papaya," panimula ko sa makasaysayang awitin ni Alex noong bata pa siya. Napanood ko lang 'to dati sa video ni Ate. Nasa ibabaw siya ng lamesa noong kinakanta niya 'to habang naglalaro ng bulldozer. "Dalay-dalay butlo. Titidlan nan buna. Padatin ta dulo. Nabali an tana. Tapos kapalalan, hunanap nan iba." Nagtawanan ang mga loko na pinanonood pala ako. Nang lingunin ko ang anak ko ay nanlilisik ang mga mata niya. Napasigaw ako ng kurutin niya ang dibdib ko. "Ang shaket!"

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon