Chapter 23: SATANAS

190 20 2
                                    

🏰LUKE🏰

I woke up early in the morning. May training kami ng Basketball ngayon. Kailangan kong bumawi kay Coach dahil hindi ako sumali ng Summer Training. Though may kasama naman ako, kaming tatlo nila Guione hindi sumali dahil nag-travel kami. We've been to Vigan, Singapore, Switzerland, Davao and Masbate.

"Luke?" Narinig kong tawag ako ni Mommy.

"Yes Mom."

"Still awake?" Kunot noong tanong niya.

"No," I shook my head. "Maaga lang po talaga akong nagising."

"Oh I see. What do you want for breakfast?"

"Anything will do Mom."

"We don't have anything here," nakangiting aniya. "Ano gusto mong kainin?"

"Kahit ano po. Kayo na ang bahala," sabi ko.

"May training ka ngayon, right?" I nodded. "You need heavy breakfast. I'll go downstairs. I'll cook for you."

"May pasok kayo 'di ba?"

"It's okay son. Maaga pa naman." Nakangiti siyang lumabas ng kwarto ko.

Nahiga ako ulit pero hindi na ako matulog. Naisip ko na lang na maligo na since gising na rin naman ako. Anong silbi ng pag-gising ko ng maaga kung hihilata rin ako?

I need to play para ikondisyon ang utak ko. Kailangan ko ng mapagkakaabalahan para hindi naman ako malungkot.

Nang makababa ako wala na si Mommy pero nagluto nga talaga siya. Naupo ako at kumain pero parang hindi ako nabubusog kaya tumigil na ako.

"Oh Luke sino ang nagluto ng almusal mo?" Tanong ni Yaya Eve.

"Si Mommy po," magalang kong sagot.

"Oh?" Hindi rin makapaniwala si Yaya. "Talaga ba?"

"Yes," tumango ako. "Aalis na po ako. Pakisabi na lang po kay Mommy na nakaalis na ako and thank you."

"Ang aga pa hijo ah?" Tinignan ni Yaya 'yung wall clock.

"May training po kami."

"Kahit na, baka wala ka pang kasama ro'n."

"May guard naman po ro'n. I'll be fine yaya. I have to go," lumabas na ako ng bahay at pumunta sa kotse. Sinenyasan ko na ang guwardiya at maski siya nagulat dahil ang aga kong papasok ngayon. 4AM pa lang kasi 5:30 pa ang start ng training namin sa Basketball.

Saan ba magandang pumunta?

Itinigil ko ang kotse ko sa may seaside. Sobrang lakas ng hangin kaya ang sarap sa pakiramdam. 'Yung tipong brokenhearted ka at ang hangin ang mag-cocomfort sa 'yo.

Nanatili ako roon hanggang alas singko ng madaling araw. Pumasok na ako kaagad. Katulad ng inaasahan ko wala pang tao ro'n maliban sa guwardiya.

"Oh Luke ang aga mo ah," nakangiting bungad ng guwardiya. "Wala pang tao sa loob."

"Okay lang po may bola ako." Pinakita ko sa kaniya 'yung dala kong bola.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon