🏰SHANE🏰
We're all shocked of what Mina said. She's two months pregnant. I actually don't know how to react! I can't even uttered a word! This is crazy!
Why does she have to announce it in front of many people? Hindi niya ba alam na nakakahiya 'yon? Sa birthday pa talaga ni Sean?
Shameless b*tch...
You're dead meat...
Halos nakanganga kaming lahat dito. Nilingon ko si Sean na pinipilit pa rin ngumiti at nagkukunwaring natutuwa. I know he's just trying to ease the tension but deep inside, he's burning.
Nakita kong tumayo si Mamita at nameke ng ngiti. "Congratulations!" Malakas niyang sigaw. "Give them a round of applause! They're having a baby! Congrats!" Kasunod ng palakpak ni Mamita ay nakigaya na lang din kami kahit pilit.
I know sa likod ng malakas na palakpakan ay ang umuulan na pangungutya at panlalait nila.
Nagtatagis ang panga ni Tito William, 'yung Daddy ni Mina. At gano'n din ang Mommy niyang si Tita Carole at 'yung kapatid niyang si Kevin. Dahan-dahan akong lumingon kay Daddy, kung galit ang pamilya ni Mina lalo ang Daddy ko. Napapikit ako sa sobrang kaba ng padabog na tumayo si Lolo Arnold.
This is not good!
Kasalanan mo 'to! Malandi kang babae ka! Pathetic! Desperate! B*tch! Ano pa? Ano pang pwedeng itawag sa 'yong g*ga ka?!
Umakyat si Lolo Arnold sa stage. Akala ko ico-congratulate niya si Sean pero mali ako. Nilapitan pa siya ni Sean pero sinenyasan niyang 'sandali lang'. "Good evening," panimula ni Lolo. Sa tono pa lang ng boses niya at sa paraan ng pagbati, alam kong galit siya. "I'm sorry but I have to end this party. In behalf of my family, I apologize. Please, allow us to talk PRIVATELY. I hope you understand. Thank you, you may go."
Isa-isa ng nagtayuan ang mga bisita kaya umugong na naman ang bulong-bulungan. Nakita kong umalma si Mommy kay Daddy but I think tama lang naman ang ginawa ni Lolo.
Pinahiya ni Mina ang kapatid ko!
Sinulyapan ko silang dalawa. Sean was still standing there while Mina was about to cry. May sinasabi siya kay Sean pero mukhang hindi siya pinakikinggan. Nagtama ang mata namin ni Mina kaya ginamit ko ang pagkakataong 'yon para murahin siya ng palihim.
"Mauuna na kami," narinig kong sabi ni Tito Carlos. He's with Tita Coreen. Nando'n din sila Luke and his friends at nagpapaalam kay Marco.
"Kami rin," sabi ni Prinsipe Alejandro. "Magandang gabi sa inyong lahat. Pakisabi na lang kay Sean, congratulations."
"Makakarating," sabi ni Mommy.
"Sabay na tayo," sabi ni Prinsipe Alejandro kay Tito Carlos.
"Carlos," tumayo si Daddy at tinawag si Tito Carlos. He didn't bother to look. I think they are mad too.
Sa arrangement ng upuan siguro...
Tuluyan ng nakalabas ang mga Bughaw. Pinaalis din ni Daddy ang mga nagke-cater pati ang nag-emcee. Kami lang talaga ang naiwan, family ko, ni Mina at sila Mamita.
"Sean! Come here!" Pagalit na sabi ni Lolo. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.
"Lolo hindi ako ang tatay non," depensa ni Sean ng makababa siya. Nakita kong umiiyak na ang g*ga.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...