🏰DARYLLE🏰
Sinundan ko rin ng tingin 'yung dalawang babaeng kausap ni Alex kanina. Halata naman sa suot nila na Doctor sila.
"Sino 'yon?" Tanong ko kay Alex. Ngayon ko lang talaga nakita 'yon. G sisters? Sigurado sila Mama at Tita ang tinutukoy niya.
"Si Doc Jade," sagot niya. "Nakalimutan ko na 'yung pangalan nung matanda."
"Paano mo nakilala 'yon?"
"Kay Gloria, tropa ko 'yon si Doc Jade," aniya sabay tawa.
"Hi Alexaundra," ani Sydney. Agad nawala ang ngiti niya. "'Yon ba pangalan mo?"
"Ayoko non, ang pangit. Sobrang pangit..."
"Ang cute kaya, ALEXAUNDRA. Oh 'di ba pang mayaman," sabi ni Sydney.
"Ayoko ang pangit." Tinakpan niya 'yung tenga niya at umiwas ng tingin.
"Alexaundra..." Siniko ko siyang ng marahan.
"'Wag kasi..."
"Alexaundra..."
"Isa!"
"Alexaundra..."
"'Di na kita bati!" Tinalikuran niya ako ng upo. Naririnig ko pa siyang bumubulong. Nagkatinginan pa kami ni Sydney bago natawa. Bakit ayaw niya ng pangalan niya? Ang ganda kaya! Natanaw na namin sina Coach Limer na naglalakad papunta sa amin.
"Let's go," aniya. Nagtayuan na kami at sumunod sa kaniya.
"Coach may side trip?" Tanong ni JC habang naglalakad kami palabas.
"Coach side trip daw," sabi ng Assistant coach. Hindi ko pa kilala ang iba sa kanila dahil ngayon lang naman sila naglitawan.
"Saan niyo gusto?"
"Yown!"
"Yehey!"
"The best ka talaga Coach!"
"Coach sa Blue Royale tayo," sabi ni Guione.
"Doon niyo gusto?"
"Opo Coach!"
"Okay..."
"Yehey!"
"Ano meron sa Blue Royale?" Tanong ni Alex habang papasok kami sa Bus.
"Mall lang 'yon na may parang arcade sa loob."
"Oh?" Nakangiting tanong niya. "Laro tayo?"
"Sige ba paramihan tayo ng ticket!" Umupo na ulit kami at kumain habang papunta sa Blue Royale. Tinignan ko 'yung relo ko.
4:37 na...
Bumaba agad kami ng makarating kami sa Blue Royale. Nagkaniya-kaniya ulit kami. Kailangan naming makabalik bago mag 6:30.
"Saan tayo?" Tanong ko sa kanila. "Kain muna?"
"Ay buti pinaalala mo Darylle," ani Sydney. "Ikaw pa naman ang taya."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...