Chapter 59: TRYOUT

186 15 0
                                    

🏰ALEX🏰

Naramdaman kong may pumasok na sa room pero nagtaka ako kung bakit nagdadahan-dahan siya. Ayaw niya bang magising ako? Alam ko na kung sino 'to.

"Ang sabi ko kumain ka na. Bakit bumalik ka pa?" Nanatili akong nakayuko. Sigurado nanlalaki na naman ang mga mata niya.

"Ha?"

Nag-angat ako ng tingin ng ibang boses ang narinig ko. Akala ko si Darylle. "Bakit nandito ka?"

"Ang sabi kasi hindi ka raw kumain. Wala ka bang gana Mare?"

"Wala," muli akong yumuko. Nawala ang antok ko.

Istorbo...

"Saan kayo... nagpunta kahapon?" Nag-aalangang tanong niya.

Kayo?

"Diyan lang," kalmadong sagot ko.

"Ano ginawa niyo?"

Napaikot ang mata ko. Ang daming tanong. Nakita ng natutulog 'yung tao! Kung makatanong! Tatay kita?

"Wala lang, naligo sa ulan, nanakbo at nagpahabol sa aso."

"Bakit hindi na lang ako ang sinama mo?"

"Eh wala ka naman do'n eh." Panay ang ikot ng mata ko. Ang hirap makipagplastikan lalo na ngayong mainit ang ulo ko.

"Dapat tinawagan mo ako. May number ako sa 'yo 'di ba?"

"Pero nagmamadali nga ako..." Narinig ko ang malalim niyang paghinga. "Sa susunod ikaw na isasama ko kasi mas matapang ka kaysa ro'n."

"Nag-alala ako sa inyo kahapon. Akala ko kung ano ng nangyari sa inyo."

"Buhay naman kami kaya wala kang dapat ipag-alala. Inaantok nga pala ako, mas mabuti kung lumabas ka na lang muna. Hindi ako makakatulog ng may tao sa paligid ko at nakatingin sa akin."

Narinig ko siyang tumawa. "Paano mo nalaman na nakatingin ako sa 'yo? May mata ka ba sa ibang parte ng katawan?"

"Malamang ako kausap mo kaya siguradong sa akin ka nakatingin. Unless banlag ka."

"Sige na alis na ako." Narinig kong bumukas ang pinto bago pa makalayo ang yabag ng paa ni Matthew.

"Ay wow!" Dinig kong sigaw ni Kendrick. "Ano? Mission failed? Hindi nagising ng kiss mo si Sleeping Alex? Hala tawagin si Papa Luke at siya ang pahalikin!"

"Shhhh may natutulog," ani Matthew.

"Ay sorry naman kya. Bakit ka kasi nandito? Wala ka bang classroom?"

"Aalis na nga eh."

"Hala sige na tsupi na! Classroom crasher ka!" Narinig ko pa ang tawanan nila at naramdaman ko ang pagupo nila sa upuan malapit sa akin.

"Te ayaw niyo talaga magtryout?"  Tanong ni Kendrick.

"Hindi daw pwede sabi ni Mama," sagot ni Darylle.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon