Chapter 143: BONDING 2

106 7 0
                                    

🏰GLYDEL🏰

Sunod kaming nagpunta sa NBS para bilhin ang mga kailangan niya. Hindi ko alam kung napapansin ba niyang nagpapatalo ako. Gustong-gusto ko na siyang bara-barahin kanina pa pero pinipigilan ko lang.

Yayabangan ko sana eh...

Tinamad lang ako...

Pinagmamasdan ko lang siyang mamili ng mga brush na hindi ko alam kung para saan. Kumuha ako ng isa at pinagmasdan ang hitsura non, pinagdikit kong maigi ang labi ko at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Nakaharap siya sa mga paint brush na maliliit. Inilapit ko ang paintbrush sa tenga niya at nilikot-likot 'yon. Nang lilingon na siya ay nagkunwari akong abala sa pagtitingin.

"Bakit?" Kunwaring tanong ko. Nakakunot ang noo niya at panay ang masid sa paligid. "May kailangan ka pa?"

"Parang may sumusundot sa tenga ko Mamaw," sumbong niya. Gusto ko na namang matawa! Akala ko napansin niya, hindi pala.

"Sino? Sabihin mo, bubugbugin ko."

"Hindi ko alam kung sino eh," nakangusong sabi niya. "Hindi ba ikaw Mamaw?"

"Ako? Bakit ko naman 'yon gagawin?"

"Baka kasi napapangitan ka sa akin kaya kinikiliti mo ako."

"Hindi ako 'yon ah," dali-dali akong nag-iwas ng tingin at palihim na natawa. Sinulyapan ko siya na bumalik na sa paghahanap ng paintbrush. Dahan-dahan akong bumalik sa kinatatayuan ko kanina at inulit ang ginawa ko.

"Hala Mamaw!" Sigaw niya.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko. Nanlalaki ang mga mata niya at nanginginig.

"Mamaw sa palagay ko, may multo rito." Hindi ko na napigilan ang pagtawa dahil mukhang takot na takot talaga siya. Kailan pa siya natakot sa multo?

"Walang multo rito," sabi ko.

"Eh sino 'yon?"

"Guni-guni mo lang 'yon."

"Hindi Mamaw meron talaga!" Kumuha siya ng paintbrush at inilagay sa tenga niya. Tumaas ang balikat niya dahil nakiliti siya sa sarili niyang katarantaduhan. "Parang ganito Mamaw oh." Inilagay niya sa tenga ko 'yung dulo ng paintbrush at pinaikot 'yon.

Ginawang cotton buds amp*cha..

Kinilabutan ako kaya nagtayuan ang balahibo ko. "Nakikiliti ako anak..." Hinawi ko ang kamay niya gamit ang kanang kamay ko. Nanlaki ang mata ko ng makita kong hawak-hawak ko pa ang paintbrush na pinangsundot ko sa tenga niya kanina.

"Mamaw ikaw 'yon no?"

"Hindi ah," pagsisinungaling ko. Binalik ko 'yung paintbrush sa kinalalagyan non. "Hindi ko alam kung paano 'yan napunta sa kamay ko?"

"Mamaw," kumapit siya sa braso ko. "Tara na, baka may multo rito."

"Halika na dali," hinila ko ang kamay niya at sa sobrang pagmamadali niya nagkandahulog-hulog pa 'yung mga paintbrush na kinuha niya. "Hala dali!" Sabi ko sa kaniya. "Nandiyan na 'yung mumu."

"Aaaaa!" Nagtitili siya at sinubsob ang mukha sa dibdib ko. "Ikaw na kumuha Mamaw," sabi niya habang nakaturo sa mga paintbrush na nasa lapag. "Natatakot ako..."

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon