Chapter 28: DOORBELL

179 19 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Magsisimula na ang klase pero wala pa rin si Alex. Kinakabahan na ako. Baka naman late lang kasi tanghali na rin yata 'yon kung bumangon.

Nasaan kaya ang bruhang 'yon?

Lalo akong kinabahan ng magsimula na ang klase. Nag-check na ng attendance, natapos na rin ang unang subject. Lahat sila tinatanong ako kung nasaan si Alex pero wala akong maisagot dahil wala nga naman akong alam.

Nang mag-break time hindi ako tinigilan nila Georgina katatanong kung nasaan si Alex. Sabi pa nila baka raw pinagtatakpan ko. Nang mag-bell para sa lunch, magkakasama ulit kaming bumaba tulad ng dati.

"Nakakamiss naman si Danica," ani Kendrick. Kanina pa rin siya tanong ng tanong. Ako naman kinakabahan dahil 'pag nalaman ni Mama 'yon siguradong yari ako. "Bakit hindi siya pumasok?"

"Baka may sakit," sagot ni Sydney. "Kahapon nagmamadali siyang umalis. Baka masama ang pakiramdam."

"Pero tawa pa nga siya ng tawa kahapon eh," singit naman ni Cassey.

Pumila kami para bumili ng lunch. Sakto naman na katabi ng pila namin ang pila nila Matthew. Napansin ko rin na hindi nila kasama si Luke. Nasa bandang unahan sila Matthew may dalawang tao ang pagitan bago si Luke.

Hindi kaya tinatamad lang pumasok ang isang 'yon?

Napaigtad ako ng magvibrate ang  phone ko. Kinapa-kapa ko pa 'yon at kunot-noong sinagot 'yon.

"Nasaan ka? Bakit hindi ka pumasok?" Bungad ko sa kaniya.

"Sino ang nagsabi kay Gloria?" Sigurado akong nakakunot na naman ang noo niya.

"Anong sinasabi mo?"

"Paano nalaman ni Gloria na binenta ko 'yung damit?!"

"Nalaman ni Mama?"

"Oo katatawag lang niya."

"Hindi ko alam. Wala akong sinabi sa kaniya."

"Sino 'yan si Danica?" Nakangiting tanong ni Kendrick. Tumango na lang ako.

"Eh paano niya nalaman?! Galit na galit tumawag sa akin!"

"Hindi ko alam!" Nagulat na rin ako. Napasigaw ako ng wala sa oras pinagtinginan tuloy ako. "Hindi ako ang nagsabi."

"'Yung ate mo siguro," aniya.

"Ewan ko," nagkibit balikat ako. "Nasaan ka ba kasi? Bakit hindi ka pumasok?"

"May sakit ako." Narinig ko siyang pumeke ng ubo.

"Anong sakit? Katamaran?!"

Lumapit sa akin si Kendrick at tinapat ang bunganga niya sa phone ko. "Hoy te! Hindi na eepek sa amin ang modus mo. Bakit hindi ka pumasok?" Pinindot ni Kendrick ang loudspeak.

"May sakit nga ako."

"Anong sakit?"

"Lagnat," sagot niya. "Lunch niyo na?"

"Oo te," sagot ni Kendrick. Umabante kami dahil gumalaw ang pila.

"Sa Monday na ako papasok."

"Hoy kung may sakit ka sa bahay ka umuwi," sabi ko. "Alam na ba ni Mama?"

"'Wag mo sabihin!"

"Bakit? Kasi wala ka namang sakit?"

"Ewan ko sa 'yo!"

"Sasabihin ko kay Mama," pananakot ko.

"Papasok na ako bukas."

"Dapat lang, pasaway na 'to. Nasaan ka ba?"

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon