Chapter 50: CONFUSED

176 16 0
                                    

🏰MATTHEW🏰

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan. Gulong-gulo pa rin ang utak ko. Noong nakaraan naniwala ako kahit papaano na hindi si Audrey si Danica pero ngayon.

Ito na naman...

Hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari kanina. Gulong-gulo na ang utak ko.

Litong-lito na ako...

FLASHBACK

Maaga akong pumasok dahil araw-araw na ang training namin sa Basketball. Kasalanan din namin dahil nagpadala kami ni Guione sa emosyon. Mabuti na  lang Tune up game lang 'yon. Wala talagang mabuting madudulot sa laro ang gano'ng pag-uugali.

Nakita ko ang sasakyan ni Guione na nakaparada sa parking lot. Wala pang masiyadong tao ro'n dahil maaga pa nga. May nakita akong sasakyan na ngayon ko lang nakita. Nando'n 'yon sa area ng mga kotse ng teacher and staff ng school.

"Naks bagong kotse," sabi ko.

"Buti naman may kasama na ako," ani Guione ng makababa siya sa kotse niya. "Tagal mo," dagdag niya.

"Malay ko ba na hinahantay mo pala ako."

"Nagchat ako brad," sabi niya.

"Oh?" Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinignan kung nagchat nga siya. "Brad sorry..."

"Hay nako... Pati ba naman ikaw?  Grabe, wala na akong kaibigan."

"Sorry okay? Hindi ko naman sinasadya." Lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya. "Tara na sa loob. Laro muna tayo. One b' one," hamon ko.

"Sige ba," pagpayag niya. "First to get 20?"

"Kahit 30 pa hindi kita uurungan."

"Sige ha?"

Naglakad na kami papunta sa loob. Nagkatinginan kami ng makita namin si Tito Raymond.

"Tito," tawag ni Guione. Kinawayan niya pa 'to. Ngumiti naman siya ng makita kami.

"Guione, Matthew," tawag niya sa amin. "Ang agad niyo ah."

"May training po," sabi ni Guione.

"Ahhh," tumango-tango siya. "How are you?"

"We're fine Tito," sagot ko. "Kayo po? Saan po kayo galing?"

"Hinatid ko si Papa. Kailangan niya kasing pumasok ng maaga ngayon dahil tambak daw ang trabaho niya."

"Malapit na po kasi ang Sports Fest eh," ani Guione.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Tito Raymond bago humakbang palapit sa amin. "I hope maging okay na kayo nila Sean. Marami ng nawala kay Sean mula ng mangyari 'yon. I know you know what I mean. He needs you. Lalo na ngayon na napapariwara na naman ang buhay niya. I don't like his new set of friends. Bad influence sila kay Sean. Buti na lang nandiyan si Mina."

"Mina? Karmina po?" Tanong ko.

"Yes," sagot ni Tito. "Ang tiyaga rin ng batang 'yon."

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon