🏰DARYLLE🏰
Busying-busy kami nila Alex ngayon dito sa library. Ginagawa na namin lahat ng seatwork para mamaya kasi aalis nga kami dahil ngayon kami magpapamedical. Kasalukuyan kaming nagsasagot ng quiz namin sa UCSP.
"Psst..." Tumingin ako kay JC dahil sapalagay ko siya 'yung sumitsit. "Ano sagot sa number 10?"
"Magsagot ka na lang, kung hindi mo alam hulaan mo," sabi ko.
"Social Norms," sabi naman ni Alex. Iniharap pa 'yung test paper niya kay JC.
"Hoy..." Saway ko. Kinuha ko 'yung papel niya at tinaob. "May CCTV rito sa loob 'pag ikaw nahuli naku yari ka na naman."
"Hindi ako mahuhuli kung walang magsusumbong," kat'wiran niya.
"Silence! Pupunutin ko 'yang test paper niyo," sabi ng Librarian.
"Punitin mo," bulong ni Alex.
Kamote talaga...
Inis na inis talaga ako 'pag may essay ang exam or quiz. Hindi naman kasi binabasa ng iba eh. Basta mahaba perfect agad kaya kahit paikot-ikot na 'yung thought and content ng sagot, laban lang.
"Aren't you done?" Tanong ng Librarian. "You're taking too much of my time. May I have your papers?"
"We're not done yet Ma'am," ani Jason. "Five minutes more, then we'll pass it na po."
"Okay, I'll tell you when your time is up."
"Thank you Ma'am."
Tinuloy ko na ang pagsasagot ko. Si JC kasi napakadaldal nakakahalata tuloy 'tong masungit na librarian. Bawal daw maingay pero siya sigaw naman ng sigaw.
Annoying...
Pinaglog-out na kami bago lumabas do'n. Tinignan ko ang oras kaya nakita kong lunch na pala. Gutom na siguro 'yung Librarian kaya nagagalit na.
"Tara kain na tayo," yaya ni Sydney. Buti na lang naka-PE kami ngayon kaya hindi na namin kailangang magpalit mamaya bago umalis.
"Sabay kami," ani JC.
Nang makarating kami sa baba, tapos na sina Cassey kumain. Nagmamadali rin sila dahil magku-quiz pa sila. Kami ang pumalit sa inuupuan nila. Madaling-madali kami dahil ang usapan, after lunch aalis.
Galit-galit muna...
Nagpunta kami sa locker bago pumunta sa parking lot. Natanaw na namin ang bus na sasakyan. Kulay utim 'yon at may nakasulat na 'Kingstone University sa magkabilang Gilid. Itim ang bus at gray and font color.
Ganda...
Iniwan namin lahat ng mga hindi namin gagamitin like binder, ballpen, books, expandable envelope at marami pang iba. Bumaba na kami at sumimple sa 7 Eleven. Namili kami ng kung anu-anong pagkain nila Alex.
Nananakbo kaming bumalik sa parking lot habang wala pa si Coach. 'Yung ibang players pa lang ang nando'n. Naka-PE uniform ang iba samantalang nakacivilian naman ang ilan. May mga dala rin silang bag na mukhang pagkain din ang laman.
Parang field trip lang...
Sana may side trip...
Natanaw na namin si Coach Limer dala ang bag niya. May kasunod din siyang mukhang assistant coach niya. Sinenyasan niya kami na pumila bago sumakay ng bus. Kaming mga babae ang pinaunang makasakay. 2 by 2 pala ang upuan at magkaharapan 'yon kaya parang nasa restaurant lang.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...