🏰ALEX🏰
"Papañero!" Sigaw ko bago ako nanakbo. Inihanda ko na kaagad ang mga kamay kong handa ng mangyakap.
Yakap! Yakap! Yakap!
Ngumiti sa akin si Papa kasabay ng pagtanggal niya sa suot niyang shades. Nilagay niya 'yon sa ulo niya. Hindi ko talaga siya napansin kanina dahil lumulutang ang utak ko. Tumalon ako para yakapin ang Papa ko. Naramdaman kong umangat ako sa ere. Binuhat ako ni Papa bago niyakap.
Lift sabay hug...
"Ang anak ko..." Sabi niya habang nakayakap ako sa kaniya. "Namiss ko ang Bunso ni Papa." Napangiti ako lalo ng marinig ko 'yon. Si Mamaw siguro ang nagsabi.
"Namiss ko rin ang Papa ni Bunso." Pinag-kikissan ko si Papa sa pisngi. Niyakap ko ulit siya ng sobrang higpit dahil namiss ko ang Papa kong pangit.
Parang si Mamaw...
Kumalas ako sa pagkakayakap kaya naramdaman kong lumapat ang paa ko sa lapag. Ngumiti ako kay Papa ng pagkapangit-pangit.
Hinalikan niya ang noo ko kaya kinilig na naman ako. "Kamusta ang aking anak?"
"Pangit pa rin," sagot ko kaya nagtawanan sila pati ang mga tauhan niyang nagbabantay sa akin.
"Good afternoon Boss Baby," bati ng mga pangit na tauhan ni Papa. Tinanguan ko rin sila gaya ng ginawa ni Papa.
"Bakit parang pagod ka?" Tinignan ni Papa ang kabuuan ko kaya napanguso ako.
"Ang dami ko kasing ginagawa eh," sabi ko.
"Kawawa naman ang anak ko." Hinapit niya ulit ako palapit at niyakap. Napangiti na naman ako dahil ang saya-saya ko talaga! "Kumain ka na ba? Baka nagugutom ka na?"
"Hindi pa ako kumakain kasi marami pa akong ginagawa." Hinigpitan ko ang yakap ko kay Papa. Inamoy ko ang damit niya kasi ang bango niya eh.
"May dala akong diyaryo dahil ang sabi ng Mamaw mo kailangan mo raw."
"Talaga?" Excited kong tanong. Tumingala pa ako para makita ang mukha niya. Tumango naman si Papa. "The best ka talaga Papa."
"Anything for my daughter." Sinenyasan niya ang tauhan niya. Kaya lumapit ang isa para buksan ang likuran ng sasakyan niya. "Pakisabi sa driver hantayin ako rito," bilin niya sa isa. Lumapit ang isang lalaki at binuksan ang payong para hindi kami mainitan. "Sino ang mga 'yon?" Nilingon ko kung saan nakatingin si Papa.
"Mga kaibigan ko Papa," sagot ko. "Darylle!" Sinenyasan ko sila na lumapit. Nagkakahiyaan pa sila habang naglalakad. "Papa, ito si Sydney," tinuro ko si Sydney.
"Hello po," nakangiting bati niya.
"Hi," sabi ni Papa at kinawayan siya.
"Siya Papa si Cassey."
"Good afternoon po."
"May dalawa pa Papa, isang babae at isang nagpi-feeling babae," sabi ko kaya natawa kami. "Sila Kendrick at Georgina 'yon Papa."
"Nasaan sila?" Nilibot ni Papa ang paningin niya.
"May training," sagot ko.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...