Chapter 96: UNIFORM

154 13 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Nagsimula na kaming mag-training. Nagpa-Planting rice kami ngayon at Side shuttle para sa agility. Curl ups, Push ups at Planking para sa muscular endurance and strength.

"Faster!" Sigaw ni Coach Reiven habang pumapalakpak. "Girls move!"

"Yes Coach!"

Patagilid kaming nananakbo para mabalance namin ang katawan namin. Pakanan ang galaw namin at pakaliwa ang pabalik. Nang matapos kami ro'n, lumipat naman kami sa jumping rope. Tumatagaktak na ang pawis namin pero hindi kami pwedeng magpahinga dahil tatamarin kami.

"Pagod na ako." Hingal na hingal na sambit ni Sydney. Napaupo na siya habang nakapulupot ang rope sa paa niya.

"Tumayo ka diyan, makita ka ni Coach Reiven."

"Hindi ko na kaya..."

"Sydney plus five!" Sigaw ni Coach. Napailing pa si Sydney bago nagpatuloy. Medyo nakakailang dahil pinanonood kami ng boys mag-training. Iba kasi ang paraan ng pagte-training nila. Sanay na kasi sila kumpara sa mga kasama ko.

"Done!" Sigaw ni Alex.

"Done!" Sigaw ko rin. Nagsabay pa kami ni Yiren. Nagkatinginan kami at parehong napangiti.

"Water break," sabi niya sa amin. Magshu-shooting pa kami.

"Ayoko na," ani Yiren. "Kinakabahan ako bukas pero excited ako kasi ibibigay na 'yung uniforn natin mamaya. Picture tayo ha?"

"Sige ba," sabi ko.

"Darylle catch!" Inihagis sa akin ni Alex ang gatorade.

Nakita kong naglalakad si Rafael palapit sa amin may dala siyang plastic bag. "Galing kina Luke, pagkain niyo raw."

"Bawal kami kumain," sabi ko. "Pero salamat..." Tinanggap ko na 'yung binibigay niya. Tinanguan niya kami bago tumalikod.

"May Hi-Ho?" Tanong ni Alex.

Sinilip ko 'yung plastic, meron nga. Siyempre kay Luke galing eh. Inihagis ko sa kaniya 'yung mga Hi-Ho.

Daig pa buntis...

"Mamaya mo na kainin. Baka makita ka ni Coach."

"Gutom na ako," nakanguso na naman. Nagpapaawa na naman 'yan.

"Mamaya na..." Marahan kong pinigilan ang kamay niyang nakahawak sa Hi-Ho. Malapit na niyang mabuksan 'yon. "Mapapagalitan ka..."

"Done!" Galit na galit na sabi ni Sydney. Inagaw niya 'yung gatorade ko at tinungga 'yon. "'Sa pa..." Inihagis naman ni Alex ang gatorade niya. "Kung nandito si Cassey mamamayat 'yon."

"Ayaw niya eh," sabi ko.

"S-S-S-Sydney?!" Sigaw ni JC. "O-o-o-okay ka lang daw ba sabi ni Y-Y-Y-Yixing?" Parang nahihiyang tumango si Sydney kaya naghiyawan sila ro'n sa gilid. "I-I-I-I lo- Aray!" Nahinto siya ng bigla siyang kotongan ni Yixing. "Ang sakit ah," reklamo niya. "S-S-S-Sydney oh, kinotongan ako."

"K-K-K-Kotongan mo pa," utos ni Sydney at ginawa nga ni Chinoy!

"Wahahahahahahahaha!"

"Girls! CC!" Napabalikwas kami ng sumigaw si Coach Reiven. "Come here!" Bumuo kami ng bilog at pinaligiran si Coach Reiven. "There's still a room for improvement but I'm glad to see that you're all doing your best to meliorate your performance. Congratulations girls..."

"Yieeeee!" Nagsisimula na naman silang manulak. Tinulak ni Ate Yngrid si Sydney, at ito namang kaibigan namin dumiretso kay Coach Reiven.

Parang sinadya ah...

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon