Chapter 29: SABUNUTAN

184 19 0
                                    

🏰LUKE🏰

"Audrey? Audrey?" Pasimple akong umakyat sa taas. Nauna na sina Mommy matulog. Buti nasabihan ko si yaya na 'wag magbanggit ng kahit ano kina Mommy. Dinalhan ko rin ng pagkain si Audrey dahil baka nagugutom na 'yon.

Baka sabihin niya ginugutom ko na siya ngayon...

"Audrey?" Muli kong tawag ng hindi ko siya makita. "Danica?" Iniba ko na lang para lumabas na siya. "Nasa'n na 'yon?" Hinalughog ko ang kwarto ko pero wala na siya ro'n. Pumasok ako sa CR para tignan kung nando'n pa 'yung damit. "Hindi niya ba nakita?"

Akala ko pa naman mahahanap niya...

Lumabas na ako ng CR at muling naghanap pero wala na talaga siya. Inilagay ko 'yung paper bag sa tabi ng bag ko para 'di ko makalimutan. Nakita ko 'yung sobre nando'n pa rin sa nilagyan niya.

Kung manloloko ako naisahan ko na siya...

Dapat kinuha niya na 'tong pera kung kailangan niya talaga...

Pasaway...

Kanina ko pa gustong matawa sa inaasal niya. Alam ko naman talaga kung nasaan 'yung damit niloloko ko lang siya. Hinuhuli ko lang kung aamin ba. Kahit anong gawin kong huli talagang nakakalusot.

Matigas talaga...

Mahuhuli rin kita...

Lalo mo lang dinadagdagan ang kasalanan mo sa akin...

Hindi ako makatulog dahil pakiramdam ko nandiyan lang siya sa gilid. Ako na lang ang kumain ng pagkain. Sinadya ko pang mag-react ng 'masarap' para marinig niya at baka sakaling lumabas pero wala talaga.

Saan kaya siya dumaan?

Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip. Sakto lang ang gising ko, may training ulit kami dahil friday ngayon. Nang makapagbihis ako bumaba ako para mag-almusal. Umakyat pa ako ulit para tignan kung umuwi nga ba talaga siya kagabi.

"Audrey?" Tawag ko ulit bago ko kunin ang bag ko. "Umuwi nga yata siya kagabi." Nagmadali akong bumaba at kinarga sa kotse ang dadalhin ko. Nang makasakay ako ro'n, naisip ko ulit bumalik sa loob ng bahay.

"Oh? May nakalimutan ka ba Luke?" Muntik ko ng mabangga si Mommy. Palabas na rin kasi siya.

"Wala po," sagot ko.

"Alis na kami ng Mommy mo," paalam ni Daddy.

"Take care," nagmadali akong umakyat. Hinanap ko siya sa lahat ng kwarto pero wala talaga.  Nagpunta ako sa kusina at hinanap si yaya. "Ya? Si Audrey ba nakita mo?"

"'Yan nga rin ang itatanong ko sa 'yo. Hindi ko kasi nakitang umuwi ang batang 'yon kaya akala ko sa kwarto mo natulog."

"Hindi po, nawala na lang bigla."

"Ay baka hindi na nakapagpaalam. Bakit kasi hindi mo sinabi sa Mommy mo na nandito siya?"

"Hindi po pwede," nalungkot ako bigla. Ang alam nila Mommy si Bridgette na ang girlfriend ko kaya baka magalit sila sa akin. Walang alam sila Mommy sa nangyari sa amin kaya nagulat sila ng bigla ko na lang ipakilala si Bridgette.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon