🏰DARYLLE🏰
Hindi kami bumaba kaninang breaktime dahil nananakit ang katawan namin nila Alex kaya sila Kendrick na lang ang bumaba para bumili ng snacks namin.
Nahatulan pa kami ng isang oras na paglilinis sa Sports Room mamaya dahil late kami ng halos isang oras na rin. Kung wala 'yung oath taking kanina sigurado hindi kami papapasukin sa first subject namin. Nagbigay na naman ng bagong project sa amin, reporting na individual and group. Hanggang 5:30 pa tuloy ako hindi ako makakasabay kay ate kaya magcocommute ako.
Natagalan ako dahil sa paglalagay ng concealer. Hindi ko alam kung wala ba talagang nakakapansin o sadyang nagpapatay malisya lang sila. Palihim kong tinext si Alex na samahan ako sa CR para malagyan namin ang concealer ang binti namin dahil maglalunch break na.
"Hoy ano 'yan?" Sinilip ni Oliver ang cellphone ko.
"Masama ang mambasa ng text ng iba," nakangiting sabi ko. Hininaan ko lang ang boses ko para hindi kami marinig ng teacher sa harap.
"Na ano 'yang paa mo?"
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Sabi ko na nga ba nagpapatay malisya lang ang mga 'to. "Pinalo ni Mama."
"Eh 'yung kay Danica? Pinalo rin ba siya ng nanay niya?"
Loading...
Loading...
Loading...
"Darylle and Oliver tigilan ang pagliligawan sa klase ko. Mamaya na 'yan."
"Yieeee!"
"Sana all! Nililigawan sa klase!"
"Oliver ikaw ha?"
"Si Darylle naman pala ang hanap!"
Dahan-dahang lumingon si Alex sa gawi namin. Ang sama ng tingin niya sa akin. Nagtaas siya ng kamay. "May we go out?" Tumango ang teacher namin. Sinenyasan niya ako na sumunod.
Nagmadali akong tumayo kahit masakit ang paa ko sinisikap kong maglakad ng normal. Nabigla yata ang tuhod ko dahil ng iapak ko ang paa ko kusa 'yung nagbend kaya. napaluhod ako. "Aaa!" Napasigaw ako sa sobrang sakit.
"Hindi ka kasi nag-iingat eh." Inalalayan niya akong makatayo at pinagpag ang binti ko.
"Aray..." Nahawakan niya 'yung pasa ko.
"Hay... Hindi ko sinasadya. Tara na, nabubura na 'tong concealer sa binti ko." Inakay niya ako hanggang makarating kami sa CR. Inabot ko sa kaniya ang concealer. Umupo siya para lagyan ang binti. "Ano sinabi mo kay Oliver?"
Narinig niya 'yon?
"Wala," sagot ko.
"Dapat pala nag-PE Uniform tayo ngayon."
"Eh di nagka-minor offense na naman tayo. Anecdotal record na naman."
"Gano'n din naman eh, nalate tayo dahil dito sa letseng pasa na 'to. Yayariin ko talaga ang mga 'yon 'pag sinipag ako."
"Dalian na natin, magla-lunch na," sabi ko. Nagtagal kami ro'n dahil kinapalan ko ang concealer sa binti niya. Pati pala sa hita meron siya. Narinig kong tumunog ang tiyan niya habang sinasara ang concealer. "Paano ka pala kakain?"
"Kahapon pa ako hindi kumakain ng maayos dahil dito," tinuro niya 'yung face mask pero alam kong 'yung sugat niya sa gilid ng labi ang tinutukoy niya. "Nahihirapan din ako magsalita kaya 'wag mo na akong tanongin ng tanongin."
"Paano ka nga kakain?"
"Tsk, ewan."
"Hoy ang tagal niyo lunch na," ani Cassey. Humarap siya sa salamin at naglagay ng liptint. Gano'n din ang ginawa ni Sydney.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...