Chapter 41: ATE GANDA

181 17 0
                                    

🏰ALEX🏰

"Lex... Tapos na 'yung Meeting de Avance. Lalabas na tayo." Bahagya akong niyuyugyog ni Darylle. "Gising na baka mapagalitan na tayo ni Mrs. Gracia."

"Ang... sarap ng tulog ko," sabi ko. "Grabe... Pwede bang dito na lang ako tumira?"

"Te grabe kayong dalawa. Tinulugan niyo lang 'yung Meeting de Avance. Kung kailangan ng reaction paper bagsak na kayong dalawa," ani Kendrick.

"Isa lang naman ako," sabi ko.

"Si Darylle din natulog."

"Oh?" Napangiti ako. Nahahawa na siya sa akin. "Natulog ka rin? Lakas mo manggising, isa ka pa pala."

"Inantok ako eh," ani Darylle.

"Proud na proud ako sa 'yo." Ginulo ko 'yung buhok niya. Hinawi niya ang kamay ko at hinampas.

"Aray ko!" Sabi ko kahit hindi naman masakit.

"'Wag ka maingay. Tinapik lang naman kita."

"Alam ko, gusto ko lang sumigaw. Bakit bawal ba?"

"Oo dahil nasa Auditorium tayo," sagot niya. "Matapos mong matulog mag-iingay ka."

"Eh ikaw eh, ginising mo 'ko eh." Umayos ako ng upo at nag-stretching. Nagpalakpakan ang mga tao at sabay-sabay na nag-bow ang mga estudyante na nasa harap. Nakasuot sila ng T-shirt na iba't-iba ang kulay. Tatlong kulay ang nando'n, yellow, blue at red. Tatlong party ang naglalaban-laban.

"So again, here's our candidates for this year's Election. Let's give them a round of applause."

Nakipalakpak na lang din ako. Kaniya-kaniya silang sigawan ng kani-kanilang pambato. Kung hindi ako suspended bukas manonood naman sana ako kaso absent naman ako bukas kaya bakit pa ako makikinig ng ganito?

"Here's Coach Limer for some announcement."

"Good Afternoon students!"

"Good Afternoon coach!"

"We all know that Sports Fest is waving, right?"

"Yes!"

"Yehey!"

"Wooh!"

"Tomorrow, we'll be having a tune up game against Black Mamba."

"Wooh!"

"Tara nood!"

"The game will start at exactly 5:30 PM in University of San Juan Covered Court. So sa lahat ng gustong manood at sumuporta, bukas ang UoSJ para sa ating mga lobo."

"Awooo!"

"Reminder lang, wear descent clothes okay?"

"Yes Coach!"

"I think wearing our official shirt is better. Para rin may unity and mas solid tignan. What do you think?"

"Sige Coach!"

"Oh my god! Go Luke!"

"Go Yixing!"

"We, the men's basketball team are expecting too much from you guys. I know how supportive wolves are. And I know hindi ko na kailangang sabihin na manood kayo kasi alam ko naman na manonood talaga kayo. Let's show our love and support for the men's basketball. Let's go Gray Wolves!"

"Let's go!!!!!"

"Thank you!"

"Oh my!!!"

"May laro pala bukas hindi ko alam."

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon