Chapter 181: PACKAGE

159 9 0
                                    

🏰REIVEN🏰

Umuwi ako sa bahay para makapagpalit at kunin ang ibang gamit na pwede naming mapaglibangan sa ospital. Tinawagan na ako ni Papa Viper, on the way na raw sila sa ospital nila Papa Anaconda. Kasama 'yung lalaking nirecruit na yata nila.

Hindi ako sigurado...

'Yon ang unang beses na nakaharap ko ang mga Buwitre. Naikukuwento lang kasi 'yon sa akin nila Papa dati. Ngayon na lang kasi naglabasan ang mga 'yon dahil inubos nga raw ni Boa ang lahi non dati. 'Yung mga 'yon at mga anak na lang na gustong makaganti at siyempre kalabanin ang mga Bughaw, dahil hindi nila nagugustuhan ang pamamalakad dito sa bansa kaya nag-aaklas ang mga 'yon.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na si Mr. Walter na ang pinuno ng mga Buwitre. Hindi pa naman namin nasisiguro kung si Mr. Walter ba na kliyente namin dati at 'yung Walter na sinasabi nila ay iisa.

Pwede kasing magka-apelyido lang naman 'di ba?

At ano namang motibo ni Mr. Walter?

Dahil nakulong din sila dahil kina Papa? Eh hindi naman kasalanan nila Papa na nahuli rin sila eh. Nagnenegosasiyon kasi kami no'n ng dumating ang mga parak kaya nahuli sila Papa. 'Yon lang ang naiisip kong dahilan pero dahil sa sinabi ni Baby parang hindi lang 'yon!

Dahil kay Boa?

Alam naman naming lahat na may amats kay Boa 'yon si Mr. Walter eh. Magmula kasi ng sumama sa amin noon si Mamaw sa operasiyon talagang mas dumalas pa ang pagbili ni Mr. Walter sa amin. Pero napakababaw naman kasi 'di ba?

Para 'yon lang...

Nakakabaliw naman talaga ang mga babae! Tried and tested 'yan kasi ako nga nabiktima rin ng kamandag ni Danica eh. Partida, hindi pa ahas 'yon ah? Baboy lang...

DanDan joke lang...

I love you...

Kaya napapakamot kaming lahat sa ulo at ang mas malaki pang pinoproblema namin ngayon ay ang bilang nila. Ang sabi raw ng lalaki, mas marami raw sila ngayon at 'yung mga nakaharap namin?

Wala pa raw sa one-eight!

Pero ayos lang 'yon...

Mayayabang naman kami eh!

Ang sabi ni Papa Anaconda, mananahimik naman daw ang mga 'yon lalo't nalagasan sila. Gano'n daw kasi sila, kapag natatapyasan ang hanay talagang matagal-tagal na nananahimik.

"Ano na Reiven?" Tanong sa akin ni Manolo. "Balak mo bang bitbitin 'tong bahay niyo?" Kasama na rin namin ang mag-ina ng lalaki para madalaw siya sa ospital. Hindi namin siya pwedeng ibigay sa mga pulis dahil baka ikanta niya kami. Kagabi pa kasi binabalita ang kabilaang pagsabog na ginawa namin. Ang hinala ng mga loko magkaibang tao ang gumawa dahil malayo nga ang lugar sa isa't isa.

Ang hindi nila alam...

Kami lang 'yon!

Mga bobo...

"Tara na," sabi ko. Tinulungan niya akong bitbitin ang mga gamit ko.

Naabutan namin si Bradley na nagse-cellphone. "Takte ang daming nag-aadd sa akin, puro estudyante ng Kingstone. Mga bataan mo 'yata 'to ReiRei eh."

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon