🏰GLYDEL🏰
Isa-isa ng nagtumbahan ang mga kupal, dahil pinaulanan na sila ng bala ng mga bata ko. Bukod sa lasing at bangag ang mga balasubas na 'to, mukhang inisip talaga nilang pupunta ako rito ng mag-isa kaya hindi naghanda ang mga kingina.
T*ngina walang thrill...
Kinuha ko ang bangko at umupo habang nakabukaka. Pinanood ko na lang sila, tinamad na kasi ako dahil wala naman silang laban.
Ni hindi man lang nangalahati ang bala ko...
Putok ko na lang kaya sa ulo ko 'yung iba para maubos?
Ay 'wag na, tinamad na ako!
Bukas na lang!
"Tirhan niyo 'ko ng isa," utos ko. "Ayon ang gusto ko." Tinuro ko 'yung lalaking sa balikat lang yata tinamaan.
"Ayos na!" Sigaw ng Bibi ko. Lumambitin sa lubid ang matanda para makababa. Gano'n din ang ginawa ng bataan ko. Nang makababa si Mamba, pinagbabaril niya pa sa ulo 'yung lalaking binaril ko kanina. "H*yop ka ah..."
"Easy," tumayo ako at ibinalik ang baril sa likod ko. "Selos ka naman agad, hindi naman kita ipagpapalit diyan dahil ang gusto ko 'yung matatandang pangit."
"Sorry," sabi ni Ate.
"Bakit nagsosorry ka?" Lumapit ako sa kaniya at pinagpag ang tagiliran niya na nadikitan na ng alikabok. "Kasalanan 'yon ng tubig kasi tumulo siya."
"Siraulo ka," dinunggol niya ang noo ko.
"Ang cute-cute talaga ng Ate ko." Pinisil ko ang pisngi niya kaya mukhang nagalit. "Pakiss nga," umamba ako na hahalikan siya.
"Doon ka nga," tinulak ako ng matanda. "Matapos mong manghalik ng ibang lalaki, hahalikan mo ako? Okay ka lang?"
"Ay oo nga pala," sabi ko sabay tawa. Tumabingi ang ulo ko habang sinisilip 'yung lalaki na namimilipit na sa sakit. "Hoy!" Naglakad ako palapit sa kaniya.
"'Wag mong lapitan 'yan," hinila ako ng Bibi ko.
"'To naman, overprotective! 'Wag ka mag-alala Bibi ko, pakakasalan pa kita. Chill!" Sinapok ko dahil masiyado na siyang nagiging sagabal sa pagiging bida ko. "Kamusta pogi?" Nagbaba ako para makausap ko ng matino. "Kaya pa?"
"H*yop ka..."
"Hala..." Nagkunwari akong nasaktan sa sinabi niya. "Masakit ba?" Hinawakan ko ang balikat niya at pinisil. Napasigaw ang kupal sa sakit. "Masakit?" Nagsisigaw pa rin siya. "Hoy ano?! T*ngina ka! Tinatanong ka kung masakit puro ka a!"
"Malamang masakit!"
"'Yon naman pala eh," padabog kong binitawan ang balikat niya at pinunas sa damit niya ang dugo. "Nasa'n ang lider niyo?"
"Hindi ko sasabihin!"
Tumango-tango ako habang dahan-dahang hinahaplos ang braso niya paakyat sa balikat niya. "Ano 'yan?" Nang-aasar kong tanong habang nginunguso ang balikat niya. "Balikat ba 'yan? Bakit may dugo? Sinong bumaril sa 'yo?"
"G*go ka!"
"Ay kawawa ka naman pala." Tinapik ko ang balikat niya kaya pabulong siyang nagmura. "Shaket?" Tinawanan ko ng malakas ang kupal. "Hoy," untag ko. "Shaket ba? May ospital ang Bibi ko, gusto mo dalhin kita ro'n?" Nakadapa ang kupal habang iniinda ang tama sa balikat niya. "Nasa'n ang kuta niyo? 'Yung legit ha? 'Wag kang talksh*t!"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...