Chapter 72: SERMON

163 17 0
                                    

🏰GLYDEL🏰

Pagmulat ko ng mata ko, mukha agad ni Erning ang nakita ko. Napakapangit na ng araw na 'to panigurado. May hawak-hawak siyang tray ng pagkain.

"Mas maganda ka pa sa umaga, Glydel." Bati niya sa akin. Magmula ng kinompronta ko siya tungkol sa sinabi ni Alex ganiyan na siya. Samantalang dati-rati naman ay wala siyang pakialam sa akin.

Nakakapanibago lang...

"Hindi pa naman ako baldado, 'wag mo na akong dadalhan ng pagkain. Kaya ko pang bumaba Erning."

"Wala naman na ang inaalagaan ko rito kaya ikaw na lang."

"Hindi pa ako alagain. Sarili mo asikasuhin mo." Padabog akong tumayo sa kama. Mabuti na lang at may bra akong suot. Ang matandang 'to, trespassing.

"Hindi pa rin naman ako alagain eh," aniya sabay hagalpak ng tawa. "Ayaw mo ba ng ganito?"

"Ayoko!" Inirapan ko siya at pumasok sa CR. Nagpalit din ako ng damit bago ako muling magpakita sa matandang 'yan.

"Alam mo bang si Alex at Eric ay nakatira sa iisang bahay?"

Natigilan ako dahil sa tanong niya. "Anong sabi mo?" Kunot noong tanong ko.

"Hindi mo ba alam ang tungkol do'n?"

"Mukha bang alam ko?"

"Akala ko pa naman ay magaling kang talaga..."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Hindi ka naman nagtanong."

Nahampas ko ng malakas ang lamesa. Wala akong oras makipagbiruan. Alam ko namang kayang-kaya ni Alex makipagbalyahan sa taong 'yon pero iba ang tukso.

Ibang-iba...

Kahit gaano ka kabangis kapag nandiyan na 'yan...

Manghihina at manghihina ka...

"Huminahon ka Glydel. Ibahin mo ang aking anak. Hindi siya tulad ng iniisip mo."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Erning. Iba ang kabataan ngayon. Hindi mo napagmasdan ang paglaki niya kaya paano ka nakasisiguro sa sinasabi mo?"

"'Wag mong lahatin ang mga lalaki Glydel. Kilala ko si Eric, mabait na bata 'yon at isa pa ang gusto non sa babae ay 'yung mahinhin."

"Narinig ko na rin 'yan Erning. Narinig ko na 'yan..." Lumabas ako ng kwarto ko at namili ng susi na pwede kong gamitin. Tanghali na pala, kung tutuusin ay pangtanghalian na pala ang dala ni Erning.

Maganda pa ako sa umaga?

Babanat na lang mali-mali pa...

Dapat maganda pa ako sa tanghali!

Kung tumama lang ang banat niya baka shota ko na siya ngayon...

Gamit ko ang sasakyan ko at nag-ikot. Hindi ko na naman alam kung saan ako pupunta. Bakit nga ba ako umalis?

Letse...

Makikain kaya ako kay Mamba?

'Wag na nga baka isipin niya crush ko siya...

Dumiretso na lang ako kay Ate Gloria. Abala siya dahil sa dami ng customer niya sa araw na 'to. Naupo lang muna ako nang matapos akong umorder. Nagbasa ako ng diyaryo para makibalita sa mga nangyayari ngayon. Kung gusto niyong makichismis ng pasimple, gumamit kayo ng diyaryo.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon