🏰ALEX🏰
Sobrang sakit ng likod ko dahil sa pinagawa sa akin ni Eric kahapon. Pinaglinis nga talaga ako ng bubong! Akala ko kasi nagbibiro lang siya eh.
Totoo pala...
Nadisappoint pa ako sa balato ni Mamaw sa akin. Tiglilimang pisong buko juice lang! Isang milyon ang pera niya tapos ang balato sa akin lima?
Nasaan ang hustisya?
Hindi makatarungan...
Matapos ko siyang sundot-sundutin, limang piso lang pala ang ibibigay niya sa akin. Sana hindi ko na lang siya sinundot, 'di pa sana ako napagod. Nakakapagod din 'yon ah.
Pero sino nang rape sa kaniya?
Ah baka inuuto lang na naman niya ako...
Sino namang magnanasa sa kaniya? Eh bukod sa ang pangit niya, matanda pa siya! Teka...
Si Papañero ba 'yon?
Hindi naman siya mukhang nirape eh. Kasi base sa nakita ko no'ng gabi, mukhang gusto niya rin naman 'yon. At bakit naman siya rerape-in ni Papañero? Eh ang pangit niya nga!
Sa bagay...
Pangit din naman si Papañero eh...
"Hoy Ganda! Hindi ka ba babangon diyan? Mag-aalmusal na!" Narinig ko na naman ang pangit na boses na 'yan. Nakakaasiwa talaga ang boses niya. Binuksan ko na ang pinto at ang pandesal ni Eric ang bumungad sa akin. Nanumbalik ang madilim na kahapon sa isip ko. Naalala ko kung paano niya ako pagtawanan sa gitna ng pakikipagbuno ko sa mga tuyong dahon sa bubong. Ang mukhang 'yan ang may kasalanan ng lahat. Lahat ng paghihirap ko. "Ano? Tititigan mo na lang ba ako? Crush mo siguro ako no?"
"Hoy Pangit! Para sabihin ko sa 'yo, ang pangit mo! Kasing pangit ng ugali mo! Tamad ka!"
"Oo na, 'wag ka na magalit. Sorry na," hinila niya ako at hinawakan sa balikat. Nasa likod ko siya kaya para akong manibela. Tinulak niya ako palabas at papunta sa lamesa.
"Puro ka na lang sorry. Inuulit mo naman ng inuulit," inirapan ko siya ng maraming beses.
"Naku halika na rito Alex," ani Mother Uji. Ipinaghila niya ako ng upuan. Ako na nga lang ang wala rito. "Binigyan ako ng nanay mo ng isang milyon kaya dapat kumain ka. Naku, talaga 'yang nanay mo..."
"Ano?" Gulat kong tanong. Binigay niya kay Mother Uji 'yung napanalunan niya?
"Binigyan kako ako ng Mama mo ng isang milyon," pag-uulit ni Mother Uji.
"Ate Alex 'yung Mama mo parang ikaw," sabat ni Ethan. "Mukha lang salbahe pero mabait talaga."
"Oo nga," pagsang-ayon ni Tupe. "Ang ganda pa. Crush nga ni Buknoy 'yung Mama mo eh."
Kaya siguro hindi ako binalatuhan ni Mamaw kasi ibibigay niya 'yon kay Mother Uji. Ang bait-bait talaga ng Mamaw ko. Ang pinakamahal ko sa lahat!
Kikiss ko nga siya 'pag nagkita kami...
Sasabayan ko na rin ng hug...
Para KISS sabay HUG!
"Mother Uji, 'pag kailangan mo ng pera kay Mamaw ka manghingi," sabi ko. "Maraming pera 'yon. Sumasakit na raw ang ulo niya dahil wala na siyang mapaglagyan ng pera niya. 'Wag ka na manghihingi sa mga kapatid mo o kaya sa Papa mo kasi salbahe naman sila."
"Ano tawag mo?"
"Mamaw," sagot ko.
"Bakit Mamaw?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...