🏰DARYLLE🏰
Habang pauwi ako iniisip ko 'yung mga kinuwento ni Alex. Noong una naisip ko na baka 'yung Papa niya nga 'yung nakita niya, pero nung sinabi niyang Papa ni Ate Danica 'yon naisip ko na baka 'yung asawa nga 'yon ni Tita. Tapos tinatawag niya lang din na Papa katulad ng kay Tita.
Baka gano'n nga...
Kasi imposible namang pareho sila ng Papa ni Ate Danica at mas lalong hindi naman si Tita ang tunay niyang Mama. Nagmadali na akong umuwi sa bahay. Nauna na kasi si Ate Darlene dahil hindi ako nakapagsabi na sasabay ako. Usually kasi, ako ang nauunang lumabas sa kaniya pero dahil marami kaming tatrabahuhin kailangan naming magpahuli ng kaunti.
"I'm home," sigaw ko sa may gate bago ako nagdoorbell. Si Ate ang nagbukas non para sa akin.
"Hey Darling, I thought you're here na. Sana nagsabi ka para sinabay kita."
"I forgot, busy kasi ako eh."
"Hinahanap ka ni Mother."
"Why?"
"I don't know."
Pumasok na ako sa loob. Wala si Mama sa sala kaya mukhang nasa kusina siya. Paborito niya ang lugar na 'yon. "Ma?" Tawag ko. Nakita ko si Mama na nakatalikod at nagluluto nga. "Ano niluluto mo Ma?"
"Paborito mo," nakangiting sagot niya.
"Sinigang?"
"Oo," aniya. Nilapag niya ang sandok after niyang haluin ang niluluto niya. Naamoy ko na kaagad kaya alam kong sinigang nga. "Gabi ka na. Napapansin ko ang dami-dami niyong ginagawa. Hindi mo na ako kinakausap."
Napalabi ako habang nag-iisip ng palusot. Nagtatampo kasi ko sa kaniya dahil kay Tito Erning eh. Nakahalata na rin si Mama kaya parang nagiguilty naman ako. "Lagi kasi akong pagod eh, sa training, school works at kung anu-ano pa. Don't worry hindi lang naman ako 'yung gano'n, marami naman po kami."
"Si Alex, kamusta? May inaaway na naman ba siya? 'Wag mong pagtakpan."
"Wala po," sagot ko dahil wala naman na talaga.
"Kamusta siya sa school."
"Madaldal na po," nakangiting sagot ko. Nilapag ko muna ang gamit ko at naupo sa lamesa habang pinapanood si Mama.
"Oh?" Tumawa pa si Mama kaya nahawa rin ako. "Kakaiba talaga ang batang 'yon. Alam mo bang madali niyang ma-adapt ang pag-uugali ng mga nasa paigid niya? 'Pag may nakikita siya at nagustuhan niya, ginagaya niya. Nahawa siguro kina Sydney kaya ganiyan."
"Tapos Mama parang isip bata na."
"Oh?"
"Opo, kanina nga naninibago ako dahil yakap ng yakap eh."
"Gano'n talaga 'yon. Noong bata pa mahilig na 'yung magpacute at mangyakap. Sinasayawan pa nga ako no'n dati eh. Noong lumaki medyo naging mailap sa akin. Hindi rin 'yon marunong mag-Tagalog dati puro English dahil English ang mga pinapanood niya. Ang arte rin non minsan."
"Mama do you have cousin?" Dahan-dahan akong nilingon ni Mama habang tinataktak ang sandok. Tinakpan niyang muli ang niluluto bago humarap sa akin. Lumabas din si Ate at naupo sa may tapat ko. Kumukuha pala siya ng Mango Float sa fridge.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...