🏰REIVEN🏰
Nandito ako sa VIP room ko sa hospital ni Papa Mamba. Apat ang VIP room dito, isa kay Mamba, Viper, Anaconda at sa akin. Kami lang talaga ang pwedeng gumamit nito rito. Hindi ito pwedeng ipagamit sa ibang pasiyente.
Possessive kami no!
Ang amin ay sa amin lang talaga!
Pero kung kailangan namang ipahiram, magpapahiram naman ako. Mabait naman ako eh, basta babayaran lang nila.
Hehehehe...
Akin ang pera non 'pag nagkataon. Wala pa namang naglalakas ng loob na gumamit nito, ako lang talaga. Konting lagnat lang sinugod na ako sa hospital.
Itong mga Papa ko talaga...
Overprotective!
Malayo naman sa b*yag 'to eh...
"Gusto ko na umuwi," sabi ko. Nakaupo silang tatlo sa upuan habang naglalaro sa mga cellphone nila. Hindi pa nila ako pinayagan magcellphone kasi ang mata ko raw.
"Magpahinga ka lang diyan," sabi ni Papa Anaconda. "Oh," pinakita niya kina Papa Viper ang cellphone niya. "Panis kayo sa akin."
"Ito ang tignan mo," pagyayabang ni Papa Mamba. Hindi ko alam kung ano ang nilalaro nila.
"Uuwi na ako," sabi ko ulit. "Hinihipuan lang ako ng mga nurse rito eh."
"Sige lang, magpahipo ka lang," sabi ni Papa Viper sabay tawa. "Hipo lang naman pala eh."
"Maganda rin 'yon," sabat ni Papa Anaconda. "Para malaman natin kung tinitigasan ka pa ba."
"Wahahahahahahahahaha!"
"Eeee! Mamba uuwi na ako!" Sigaw ko. Sinamahan ng padyak at paghihimutok. Ito ang ayaw ko eh, binebaby nila ako. Nakakahiya pa dahil nakita ng mga babaeng nurse na sinusubuan nila ako ng pagkain.
Ang laki-laki na ng b*yag ko tapos de subo pa!
Kabawasan 'yon sa kagwapuhang taglay ko!
"Diyan ka lang, tsitsinelasin kita." Umamba siyang tatanggalin ang sapatos niya.
"Naka-rubber shoes ka eh," rebanse ko.
"Anak ka ng..."
"Gwapo," dugtong ko sabay tawa. "Lagnat laki lang naman 'to eh. Hindi pa naman ako mamamatay dahil hindi naman ako ang pinakamabait sa atin." Naalala ko kasi dati, nagpustahan kami nila Boa. Kung sino ang unang mamamatay sa amin siya ang pinakamabait. Akala ko nga si Papa Cobra na ang nanalo, hindi pa pala.
Buhay na bubay pa raw eh...
"Diyan ka lang kung ayaw mong ipagahasa kita sa mga nurse rito," sabi ni Papa Mamba.
"Akala ko ba hindi na ako ibubugaw?" Inis kong tanong.
"Hindi na nga," ani Papa Anaconda. "Pero 'pag nagkulit ka, diretso kasalan na."
"Ipapakasal ka namin doon sa unica hija ng mga Salvador, gusto mo ba iyon?" Nakangising tanong ni Papa Viper sabay tawa. Hindi nila ako tinitignan, lahat sila tutok sa cellphone.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...