Chapter 7: DATE 1

264 35 2
                                    

🏰LUKE🏰

Busy ako sa pagpeprepare para sa proposal ko mamaya kay Bridgette. Yayain ko siyang maging date para sa Acquaintance Party. Kahit hindi ko siya tanungin alam ko namang papayag siya, pero gusto ko lang gawin 'to para ipamukha kay Audrey na hindi ko lang 'to sa kan'ya kayang gawin. Kaya ko ring gawin sa iba, mas enggrande pa!

Sinuguro kong maayos ang lahat. Mas maganda at mas magastos ang proposal ko this time. Gusto kong mapanood ni Audrey 'to. Gusto ko siyang makitang umiyak dahil sa selos.

Naisip ko 'tong gawin sa Quadrangle ng school after class para mas sulit ang oras. May binayaran na rin akong mag-aayos ng Quadrangle para after ng klase doon na kaagad kami didiretso.

"Ano brad? Okay na ba 'yung proposal mo?" Tanong sa akin ni Guione. Magkakatabi kami sa upuan kaya lagi kaming nakakapagdaldalan.

"Yeah, nagtext na sa 'kin 'yung inutusan ko." Nakatingin ako sa teacher namin pero nagdadaldalan kami. "Sino date mo?"

"Ewan kahit sino na lang," sagot ni Guione habang nagsusulat.

"Ikaw Mat?"

"Ha?" Busy rin kasusulat.

"Sino date mo?"

"Wala pa, si Darylle try ko tanungin."

"Talagang kinacareer mo 'yung kay Darylle ah." Dumungaw si Guione sa amin. Napapagitnaan kasi nila ako. "Paalala lang brad, dumidikit ka lang do'n dahil kay Audrey."

"I know pero wala pa naman tayong nahihita sa kaniya. Sayang naman 'yung nasimulan natin kung ihihinto natin bigla 'di ba?"

"So ako na lang pala walang date," ani Guione.

"Marami naman d'yan. Kahit sino naman yayain mo siguradong papayag," sabi ko.

After ng klase nagmadali akong bumaba para icheck ang venue. Ayos na ang lahat si Bridgette na lang. Kinausap ko sina Guione and Matthew sila na ang bahala kay Bridgette dito na ako sa baba maghihintay.

Nakatayo na ako sa gitna. Mabuti na lang at malilim na. Ang dami na ring nakaabang dahil nga uwian na. Nag-ring ang cellphone ko kaya sinagot ko muna habang wala pa si Bridgette.

"Hoy mahal na prinsipe kamusta?" Napangiti ako ng marinig ko ang tawa niya. Nakakamiss talaga ang mokong na 'to.

"Heto buhay pa naman. Kamusta? Balita ko may pasabog ka na naman daw ah."

"Siyempre ako pa ba?"

"Mabuti 'yan. Kailan ba tayo pwede lumabas ulit? Ang tagal na nating hindi nakakapag-bonding."

"Kami lagi kaming pwede Marco. Ikaw lang ang laging bawal."

"Brad, alam mo naman dito sa palasyo 'di ba? Bantay sarado ako lalo na ngayon. Nahuli akong tumakas."

"Oh? Malas mo!"

"Malas talaga! Si Lolo pa nakahuli sa akin, badtrip!"

"Nandiyan ba si Lolo?"

"Malamang," narinig ko na naman ang tawa niya. Bakit ko pa nga ba tinanong 'yon sigurado naman akong nandoon si Lolo dahil doon siya nagtatrabaho.

HIM & I [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon