🏰SIMON🏰
Hila-hila ko ang maleta ko palabas ng airport. Hinubad ko agad ang jacket ko dahil ang init-init talaga sa Pilipinas. Kung ako lang ang hari rito baka matagal ng nakacentralized aircon ang bawat sulok ng bansang 'to.
What if?
Itulak ko ang Pilipinas gamit ang naglalakihan kong muscles palapit sa China. Para lumamig naman tapos hindi na mahirapan ang mga Chinese na sakupin ang walang kuwentang lugar na 'to. Kung wala lang dito 'yung taong mahal ko hinding-hindi ako babalik dito eh.
Nasa'n na ba kasi 'yon?
Pasasaan pa't mahahanap ko rin 'yon...
Anyway, wala naman talaga akong balak umuwi rito. Nirendahan lang ako ng Nanay kong walang ring kuwenta tulad ng Tatay ko, na umuwi rito dahil birthday ng spoiled brat nilang apo. Ang gusto pa regaluhan ko! Ang tindi! Hindi na nahiya sa balat nila, ako na nga ang namasahe tapos ang gusto reregaluhan ko pa?
Ano siya? Anak ng Diyos?
Ang suwerte naman niya, buti sana kung malaki ang b*yag niya eh hindi naman. Maliit pa nga 'yon kung tutuusin pero pwede ng pagtiyagaan ng mga first timer.
Alam niyo na, para may experience...
Tumayo ako sa labas at hinantay ang susundo sa akin. 'Wag kayong mag-alala hindi pa si Satanas 'yon, hindi naman ako ang pinakamabait sa amin eh.
Sigurado ako riyan...
Kahit nakashades na ako talagang wala pa ring kuwenta. Babalik ako ro'n sa bahay ko sa NYC after ng kaartehan na 'to. Ang daming pakulo ng mga kupal, para birthday lang? Ang balak ko pa naman sana sa lamay niya na lang ako pupunta. Ang batang 'yon, uto-uto talaga. Akalain mo, lahat ng kalokohang tinuro ko sinunod! Nang sabihan kong mag-adik, nag-adik nga! Nang sabihan kong magyosi, nagyosi nga! Nang sabihan kong mababae, nambabae nga!
Oh eh di hiniwalayan siya ng babae niya...
Pulpol eh...
Kung hindi ba naman isa't kalahati ang g*go! Ayan, balasubas na rin tuloy at ang masakit ako ang sinisisi ni Ate Sarah.
Badtrip...
Hindi ko naman kasalanan kung uto-uto ang anak niya! Pag-untugin ko silang mag-anak eh!
"T*ngina ang tagal!" Napasigaw na ako sa sobrang inis. Pinagtinginan tuloy ako ng mga tao pero wala akong pake! Kinindat-kindatan at sinipol-sipolan ko lang lahat ng sexy na makita ko. Maya-maya pa ay may huminto ng sasakyan sa harap ko. Hindi ko na kailangan tanungin dahil alam ko na ang sagot. Sumakay na ako kaagad dahil init na init na ako. "Dalhin mo ako sa pinakamagandang hotel dito."
"Sir Simon ang sabi po ni Ma'am Imelda sa mansiyon daw po kayo ihahatid."
"Ako ang sundin mo dahil ako ang kasama mo."
"Pero Sir kasi ako ang pagagalitan."
"Gusto mo pasabugin ko ang bungo mo?! Ako ang sundin mo! Bobo!"
"Sorry po," dali-dali niyang pinatakbo ang sasakyan at inihatid ako sa 5 star hotel.
Nag-check in ako kaagad at pumasok sa room. Hinubad ko lahat ng suot ko at nagshower. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagbabad sa bathtub. Nahinto lang ako sa pagmumuni-muni ng mag-ring ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...