🏰LUKE🏰
Sunday ngayon kagagaling lang namin sa simbahan ng makareceive si Daddy ng message from Lolo. Ini-invite kami nila King Henry na mag-dinner sa palasyo. Hindi na kami umuwi at dumiretso na lamang doon. Puro text ni Marco ang nareceive ko. Excited na excited siya dahil magkikita na ulit kami. May mahalaga rin daw siyang sasabihin sa akin. Katulad ng dati ang dami pang checkpoint bago kami makapasok. Walang kapares ang ganda ng palasyo.
Amazing...
"Magandang gabi! Maligayang pagdating sa palasyo ng Pilipinas. Tuloy po kayo." Bati ng mga maglilingkod. Bumukas ang pagkalaki-laking pinto ng Palasyo.
Iginaya kami ng Mayor Doma ng palasyo papunta sa lugar kung saan magaganap ang pagsasalo-salo. Ang daming mga litrato ro'n ng mga naging hari at siyempre ang pinakamalaki ro'n ay ang Royal Family. Naabutan namin doon na nakatayo sina Tito Raymond.
Yes!
Wala si Sean!
This is life...
Napakaganda ng dining area ng palasyo. Marami ang dining area sa loob nito pero dito kami madalas dahil may kahabaan nga ito. Nangingibabaw ang kulay ng gold at blue sa buong palasyo. Ultimong chandelier, upuan, lamesa ay yari sa ginto.
Mahigpit ding pinagbabawal ang pagsasalita ng wikang banyaga sa loob. Maliban na lang kung kailangan talaga. Sumenyas na ang Mayor Doma hudyat na malapit ng dumating ang mga dugong bughaw.
"Good evening..." Bati nila Mama. Panay ang beso nila sa isa't-isa. Ako naman ay nananatili lang na nakatayo dahil hindi naman ako mahilig sumali sa usapan ng matatanda. Hindi rin kami close ni Ate Shane kaya mas mabuti ng manahimik. Tumayo na kami sa tapat ng upuan na dapat naming upuan. Bawal pa kami umupo dahil mauuna ang Royal Family bago kami.
Two by eight ang lamesang 'yon. Kung susumahin lahat, bente katao ang pwedeng maupo. Apat sa mga upuan do'n ay may pinaglalaanan. Ang dalawang magkatabing upuan sa dulo ay para sa Hari at Reyna samantalang ang katapat non na dalawang upuan sa kabilang dulo ay para sa tagapagmana ng trono. Sila ang susunod na magiging hari at reyna pero dahil wala pang itinatalagang tagapagmana bakante lang ang upuan na 'yon. Gano'n din ang sa Reyna dahil matagal ng pumanaw ang Reyna ng bansa. Isang malaking kasalanan ang pag-upo sa apat na upuan na 'yon, tanging ang mga nararapat lang ang pwedeng maupo.
Ang natitirang labing anim na upuan ay para naman sa amin. Kami ang isa sa malalapit na kaibigan ng Hari. Magkakaibigan kasi ang mga Lolo namin kaya gano'n. Tumunog na ang kalembang ng tatlong beses kaya't tumayo na kami ng maayos. Bumukas ang pinto na tanging ang Royal Family lamang ang pwedeng makadaan. Nasa unahan ang Hari nasa kanang bahagi niya si Lolo, ang kanang kamay niya. Nasa likod ang mag-asawa at ang mga anak nito.
"Magandang gabi," masayang bati ni King Henry. Sabay-sabay kaming nag-bow tanda ng paggalang sa pinakamakapangyarihang tao at pamilya sa bansa. Umupo na ang Hari sa upuan na nararapat para sa kaniya, ang kanang bahagi. Nasa gilid niya ang bunsong anak, si Prinsipe Alejandro Ruiz Hernandez, katabi niya ang bunsong anak na si Marco Paulo Hernandez, tropa ko. Katabi naman ni Marco si Lolo, Juan Miguel Alcantara ang pangalan niya, ang kanang kamay ng Hari. Katabi niya si Daddy, Mommy at Ako. Sa kaliwang bahagi ng Hari nakaupo ang asawa ng bunso niyang anak, si Margarita Hernandez, katabi niya ang panganay nilang anak, ang Ate ni Marco na si Marga Paula Hernandez. Katabi niya naman si Dean Arnold Jacobe, sunod si Tito Raymond, Tita Sarah at katapat ko si Ate Shane Patricia Jacobe, ang Ate ni Sean.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 1]
General FictionBuong buhay ni Alex, ang mansiyon na kinalakihan niya ang itinuturing niyang mundo. Kailanman ay hindi niya naranasan ang lumabas at makihalubilo sa tao. Bakit? Dahil takot siya sa mga ito... Para sa kaniya ang mga tao ang pinakamasasamang nilalang...